Chapter 24: The Naughty Surprise (Part 1)

13.3K 228 5
                                    

Aaliyah Catarina Franco

"Saan ba talaga tayo pupunta best?" Bigla na lang kasi akong binulaga ni Shanelle sa bahay at kinaladkad paalis papunta sa kung saan.

Bukas na ang kasal namin ni Napoleon at dahil naniniwala sa sabi-sabi ang pamilya niya, hindi muna pinauwi si Napoleon sa bahay at sa halip ay pinatira muna siya sa condo niya sa The Fort.

Noong una, ayoko sana pero dahil ang mga nakakatanda ang nagdesisyon, hindi na kami makakontra.

"You know what best, just sit back enjoy and relax. Hindi naman kita itatakbo sa kung saan. Alam ko namang gusto mo ding makasal kay Napoleon no."

"Eh saan ba kasi tayo pupunta?"

Nasilayan ko ang nakakalokong ngiti ng bestfriend ko. Sigurado akong may pinaplano siyang hindi maganda. Dapat na ata akong kabahan.

"Aaliyah Catarina Franco na soon to be Santillan, alam mo naman siguro ang ginagawa ng mga babae bago sila ikasal di ba? You've written it to your novels. Don't act as if you don't know."

Napakunot ang noo ko sa sagot niya. Ano bang sinasabi ng babaeng to?

Ano bang ginagawa ng mga babae bago sila ikasal?

"Best, di ba natutulog ang mga bride bago ikasal? Matutulog lang pala tayo dadalhin mo pa ako sa malayo."

Tinapakan ni best yung preno kaya muntik na akong sumubsob sa dashboard ng sasakyan niya. "Best! Minsan talaga loading din yang utak mo no?"

"Ano ba kasing sinasabi mo? Hindi naman kasi kita magets." Ang labo ding kausap netong bestfriend ko eh. Pwede naman kasing sabihin ng diretso, kailangan may paligoy-ligoy pa.

"Duh! May bridal shower ka ngayon. Okey? Bridal shower." Inemphasize niya ang pagsasabi ng bridal shower na para akong inosenteng bata na walang alam patungkol doon.

"Ahhh. Okey." Bridal shower lang pala eh.

Wait! BRIDAL SHOWER?!

"BALIW KA BA BEST?!"

"No i'm not. Sasama ka sa akin sa condo mo at doon natin gaganapin ang bridal shower mo." Seryosong saad niya habang nagmamaneho.

Baka magalit si Napoleon kapag nalaman niyang may bridal shower ako. Sigurado akong giyera sa unang araw ng kasal namin to.

Nilabas ko ang phone ko para sana itext si Napoleon pero natigilan ako nang marinig ko ang sinabi ni Shanelle.

"Hep! Don't you dare text your fiancé! May bachelor's party sila mamaya kasama ang ExO. I don't even know who the hell they are with." Alam kong inis si Shanelle.

Mukhang may LQ sila ni Anton ah. "Best, sino bang pasimuno ng bridal shower na to?"

"Ako! Bakit? May angal ka?" Nagulat ako sa tono niya.

Ano bang kinakagalit ng babaeng to at ang init-init ng ulo? Pati ako nadadamay sa kasungitan niya.

"Wala naman. Sabi ko nga po bilisan natin at excited na akong magbridal shower!" Sarcastic na kung sarcastic. Mabuti na yan kaysa sa topakin tong bestfriend ko at maisipang ibangga tong sasakyan sa poste.

Tahimik na siyang nagmaneho hanggang sa makarating kami sa condo ko. Nagpasalamat na lang ako at maayos kaming nakarating dito sa unit ko.

Habang paakyat kami, nakareceive ako ng message mula kay Napoleon.

From: ❤Mahal Ko❤

Mahal ko, nasa Devil's Cabin ako. Bachelor's party daw sabi ng mga g*go. I miss you mahal ko. I love you.

Saved by the GangsterWhere stories live. Discover now