Chapter 4: Meet His Family

20.8K 416 20
                                    

Aaliyah Catarina Franco

Kanina pa ako nakaayos at matiyaga ko na lang na hinihintay ang walanghiya na kumatok sa pinto ko.

Gaya ng sinabi ni Blake, nagpantalon lang ako at pink t-shirt. Nagrubber shoes lang din ako para handa akong tumakbo kung sakaling manyakin ako ni Napoleon.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto nang marinig kong may kumatok.

"Oh Napoleon. Pwede na ba tong suot ko?"

Sinipat niya ng tingin ang kabuuan ko. "Pwede na yan."

Inilock ko ang pinto mula sa loob bago ako lumabas. Nasa bulsa ko na ang susi, phone at wallet ko. Hindi ko naman kailangang magdala ng maraming gamit.

Nauna siyang maglakad sa akin kaya nabigyan ako ng pagkakataong mapagmasdan ang kabuuan niya.

Nakamaong pants lang din ito at naka ...

WHAT?! PINK T-SHIRT DIN?!

Kung magkasintahan lang kami, malamang maiisip kong minamatch niya ang suot niya sa suot ko kaya lang hindi eh.

Bakla kaya tong si Napoleon?

"Tutunganga ka na lang ba diyan?" Napoleon

Tsk. Nagsusungit na ang bakla. Baka hindi napagbigyan ng fafa niya kagabi kaya ganyan.

Sayang din tong si Napoleon. Gwapo sana kaya lang bakla. Bakit naman kasi ang mga gwapo nagiging bakla! Ang mga feeling gwapo naman straight. Bakit ganun?

Pagdating namin sa basement, dumiretso kami sa parking lot niya. Sasakyan pala niya ang gagamitin namin.

"Ilan dito ang sasakyan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Akin yang tatlo." Sagot niya sa tanong ko sabay turo sa mga sasakyang pagmamay-ari diumano niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sasakyang pinagtuturo niya. Puro sports car yung mga pagmamay-ari niya. Hindi ako familiar sa mga sports car kaya hindi ko alam kung ano tong mga to.

Basta may black, red at white na sports car siya.

"Maganda ba ang panahon ngayon?" Napoleon

"Mukha naman. Bakit?"

Hindi niya sinagot yung tanong ko at sa halip ay nilapitan niya yung itim niyang sports car. Pumasok siya sa loob at ilang segundo lang ang lumipas at mabagal na bumaba ang bubong noon.

Kaya pala nagtatanong kung maganda ang panahon. Ibababa naman pala kasi yung bubong.

"Sakay na." Napoleon

Gaya ng utos niya, sumakay na ako sa sasakyan niya. Mula sa harapang parte niya, kinuha niya ang dalawang lagayan ng sunglasses. Inabot niya sa akin yung pink na lalagyan.

"Suotin mo." Napoleon

Kinuha ko yung salamin sa lalagyan. "Lagi ba tong nasa sasakyan mo? Ilang babae na kaya ang napasuot mo nito? Infairness, boy scout. Always ready." Pagbibiro ko sa kanya saka isinuot ang shades. Tinignan ko ang sarili ko sa side mirror ng sasakyan. Bagay naman sa akin. Hindi na rin masama.

"Ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng nakasakay sa sasakyan na to. Malamang dalawa yan dahil pinapasuot ko yan sa mga sumasakay dito dahil siguradong sasakit ang mata nila kung wala silang proteksyon sa mata." Napoleon

Natahimik ako sa sinabi niya. Ako na pahiya. Ako na tamang hinala na marami na siyang sinakay na babae dito.

Napatingin ako sa direksyon niya habang seryoso siyang nagmamaneho. Seriously? Ganyan siya katahimik kapag nagmamaneho? Pakiramdam ko hangin lang ang kasama ko.

Saved by the GangsterWhere stories live. Discover now