Chapter 16: Dream Wedding

13.9K 248 1
                                    

Aaliyah Catarina Franco

Parehas kami ni Napoleon na nasa sala at hinihintay ang pagdating ng wedding coordinator. Parehas kaming abala sa kanya-kanya naming laptop.

Mukhang abala siya sa trabaho niya samantalang abala ako sa pagtapos ng manuscript ng isang kwentong sinusulat ko.

Napatingin ako sa relo ko dahil maghahapon na lang pero hindi pa rin dumadating yung wedding coordinator.

"Napoleon, darating pa ba yung wedding coordinator? Anong oras na kasi wala pa siya."

"Baka natraffic lang. Hintayin na lang natin siya." Sagot niya sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop niya.

Ibang klase din tong lalakeng to. Nandito kaya ako sa tabi niya hindi man lang ako magawang lingunin?

Unti-unti akong lumapit sa tabi niya saka sinilip kung anong ginagawa niya.

Nanlaki ang mata ko nang makita kung anong tinitignan niya sa laptop niya.

"H-HOY! Bakit nanunuod ka ng g-ganyan!" Sigaw ko sa kanya.

"What's wrong with watching this?" Tinuro niya yung screen ng laptop niya ba may errr- "Lahat ng tao nakapanood na niyan. Wag kang painosente diyan."

"I know! But do you really have to watch that habang may kasama ka? It's gross you know!" Sigaw ko sa kanya.

Nakakadiri kasi! He's watching pornographic materials habang nasa tabi niya ako. Nakakailang at nakakahiya siya!

"Ano naman ngayon kung may kasama ako? Gusto mo manood pa tayo ng magkasama." Napoleon

Napanganga ako sa sinabi niya. This man is so blunt and straight forward! Kung ano bang naiisip niya, yun lang din ang sinasabi niya?

"No way. Magsawa ka kakanood diyan. Hinding-hindi ako manunuod ng ganyang videos."

Ngumisi si Napoleon. Ano na naman kayang tumatakbo sa isip ng lokong to?!

"Never in your whole life ka nakapanood ng sex video?" Nakangising tanong ni Napoleon.

"Never." Diretsong sagot ko sa kanya.

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya napaatras ako. "Talagang-talaga? Never ka pang nakapanood ng ganung videos?" Hindi pa rin naalis yung ngisi sa mukha niya.

Heto na naman tong puso ko. Ang bilis bilis na naman ng tibok. Ang hilig-hilig talaga ng lalakeng to na pakabahin ako.

"H-Hindi pa nga!" Tinulak ko ang katawan niya palayo sa akin dahil halos mapahiga kaming dalawa dito sa sofa.

"Pa? So may plano kang manuod ng videos?" Naiinis na ako sa ngisi niyang hindi maalis-alis sa mukha niya.

Bakit ba kasi ganito ang topic naming dalawa? Ang awkward naman kasi ng ganitong topic!

"Wala!" Sigaw ko sa kanya.

"Bakit ka pa nga ba manunuod ng video kung pwede naman nating gawin yun di ba?"

Napalunok ako ng ilang beses sa sinabi niya. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip kong imahe.

HINDI PWEDE!

"No way!" Tinulak ko siya ng malakas dahilan para mapaupo siya ng maayos. "Hinding-hindi ko gagawin ang bagay na yun! Never in your wildest dreams!"

"Wildest dreams? Wild nga ang naiisip kong mangyayari sa honeymoon natin." Napoleon

"MANYAK KA TALAGA!"

"Bakit? Magpapakasal naman tayo. Natural lang naman sigurong may mangyari sa atin di ba?" Napoleon

Saved by the GangsterWhere stories live. Discover now