Chapter 11: Ikaw at Ako

17.8K 350 14
                                    

Aaliyah Catarina Franco

"Bestie, yung mga gamit ko naayos ko na at naunpack ko na. Napadaan ka dito?" Tanong ni Shanelle habang umiinom ng paborito niyang fresh milk.

"Boring sa bahay. Wala doon yung fiance ko. Mag-isa lang ako doon." Paliwanag ko sa kanya.

Wala kasi si Napoleon. Umalis siya noong isang araw para sa out of the country business trip nilang magkambal. Noong una akala ko si Napoleon lang, kasama naman pala si Blake.

"Ah. So naalala mo lang pala ako kapag wala ang fiance mo?" Shanelle

"Sira ka talaga. Syempre lagi kitang naaalala."

"Try again later. Nasaan ba kasi yang fiance mo at hindi ka man lang makamusta at matawagan?" Shanelle

Bahagya akong ngumiti sa kanya. "Bestie, alam mong wala akong karapatang magdemand. Parehas lang kaming naiipit sa sitwasyong to. Hindi naman namin to ginusto."

"EH HINDI NAMAN PALA GUSTO! Bakit go pa rin ng go?" Shanelle

Napayuko na lang ako. Wala na rin namang saysay na makipagtalo ako sa kanya. Wala namang magbabago sa sitwasyon kung gawin ko yun.

"Alam mo, imbes na hayaan mong magmukha kang biyernes santo diyan, halika at samahan mo kong mamasyal. Matagal rin akong nawala sa Manila ah." Shanelle

Dahil wala rin naman akong magawa, pumayag ako sa paanyaya niyang lumabas kaming dalawa. Dumiretso kami sa isang mall hindi kalayuan sa condo at doon namili.

Bumili kami ng bagong damit, sapatos, accessories at kung anu-ano pa. Pati gadgets din, bumili na kami.

It's my personal stress reliever actually. To spend some bucks from my account. Nakakasatisfy kasi pakiramdam na nakikita mo yung mga bagay na mula sa pinaghirapan mo. Medyo maluhong stress reliever but it's an effective one.

Nang mapagod kami, tumambay kami sa isang famous cafe sa naturang mall. Gaya ng nakasanayan, marami pa ring customers ang cafe.

"Nga pala Shanelle, kamusta na kayo nung bestfriend mong nagreject sayo?"

Napansin ko ang pagkapawi ng ngiti sa mga labi ng bestfriend ko. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ko ang heartbreak na pinagdadaanan ng bestfriend ko ngayon.

"I don't know anything about him anymore. Wala na kaming communication and news about each other. Maybe that's how it should be." Shanelle

Sa totoo lang, gusto kong makilala yung walanghiyang lalakeng nanakit sa bestfriend ko. Gusto ko siyang sakalin at ipamukha sa kanya kung ano ang sinayang niya.

"Hay nako best. Kalimutan mo na kasi siya."

"Para namang ang daling gawin nun. Kung kasing dali lang yun ng pagtulog, bakit inabot pa rin ako ng tatlong taon?" Shanelle

Haaaay love. Bakit ba kasi trip mong pahirapan kaming mga tao? Isa ka lang namang feeling na gawa ng pituitary gland kapag naglalabas ka ng hormones na nagiging dahilan para kami ay kiligin at masabing in love kami.

Hindi ba pwedeng kontrolin na lang din yun?

Napukaw ang atensyon namin nang magkaroon ng komusyon sa maliit na stage hindi kalayuan sa kinauupuan namin.

"Anong meron best?" Shanelle

"Aba malay ko. Gusto mong tignan natin?" Alok ko sa kanya.

Lumapit kami sa kumpulan ng mga tao. Sinubukan kong tumingkayad para kahit papaano, makita ko kung anong meron.

"Miss, anong meron." Tanong ni Shanelle dun sa babaeng nasa harapan niya.

"Ay! May banda na tutugtog diyan. Grabe. Sobrang gwapo nila!!" Tili ni ate.

Saved by the GangsterWhere stories live. Discover now