Chapter 34: Suspicions

13.7K 271 2
                                    

Aaliyah Catarina Franco

Hindi pa rin nawawala sa isip ko yung nangyari sa mall pero ayoko na muna magtanong kasi baka mastress si Shanelle. Mamaya mabinat lagot pa ako kay Blake.

Pero nagsinungaling siya eh. Sabi niya nailibing nila si Shanelle pero may tatlong anak sila? Don't tell me nabuhay si Shanelle pagkatapos ng ilang araw na pagkakalibing?!

Haaay. Nakakastress naman.

"Mahal ko, pasok na ako." Paalam ni Napoleon.

Ngayon kasi ang first day niya sa kompanya. Pinababalik na siya trabaho ni daddy kaya eto si Napoleon at nakapostura sa harap ko.

Tumayo ako saka inayos yung necktie niya. "Good luck sa first day Napoleon." Plinantsa ko pa gamit ng kamay ko ang suot niya.

Napatingin ako sa gwapo niya-

"Oh mahal ko? Natulala ka diyan? Masyado ba akong gwapo at natutulala ka na sa kagwapuhan ko?" Nakangising tanong ni Napoleon pero hindi ko siya pinansin.

"Napoleon, bakit ka nagcontacts ng green? Lakas ng trip mo ah."

"Huh? Hindi ako nagcontacts today. Naka-" He suddenly stopped speaking.

"Huh? Eh bakit green ang mga mata mo? Wag mo sabihing naging si hulk ka kaya naging green yan? Di ba dark brown ang kulay ng mata mo?"

"Ano ... Contacts. Tama. Nagcontact lens ako na green kanina. Nakalimutan ko lang." Sagot niya sa akin.

"I see. Sige na. Ingat ka!"

Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko may mali.

Pinagmasdan ko siyang lumabas ng pinto at sumakay sa sasakyan niya.

Ilang minuto lang din ang nakalipas at bumaba na si mommy mula sa second floor. "Good morning Aaliyah."

"Good morning mommy."

Biglang pumasok sa isip ko yung nangyari kanina. "Mommy, bagay pala kay Napoleon ang green eyes no? Mas lalo siyang naging hot."

"Haha. Etong batang to. Ang aga-aga. Pero oo nga. Mas bagay nga sa kanya yung berde niyang mata. Hindi ko nga maintindihan sa batang yan kung bakit nagcocontacts pa ng dark brown eh maganda naman ang mga mata niya."

Yung sinabi niya ang nakapagpatahimik sa akin.

"He's using dark brown contacts? Ibig sabihin green talaga ang mga mata niya?"

"Yes. Namana niya yun sa side ng daddy niya. Your daddy Andrew's grandfather has a green eyes. Andrew's tita ZD also had a green eyes. Sa pamilya namin, Wade, Ariesa and Napoleon are the green eyed ones kung napapansin mo well of course hindi kabilang si Napoleon cause he's hiding the fact that he has green eyes."

Aware akong green eyed si Ariesa at Wade but I never knew that Napoleon had green eyes. I never saw him not wearing his contacts kaya siguro hindi ko alam.

But while staring at his eyes earlier, may isang pares din ng mga mata ang biglang pumasok sa isip ko.

Ashton's eyes.

Parehas silang dalawa ng mata. Parehas silang walang double eyelid. Chinito kasi silang dalawa. Yung pagkakagreen ng mga mata nila parehas din.

Is it possible that?

No. Impossible. Walang nangyari sa amin ni Napoleon five years ago. That rape incident was my first time having a sexual intercourse. Impossibleng si Napoleon ang ama ni Ashton.

But ...

He had type one diabetes mellitus.

Allergic si Napoleon sa bagoong, alimango at talong.

Saved by the GangsterWhere stories live. Discover now