Chapter 44: Extra Challenge

12.9K 231 8
                                    

Aaliyah Catarina Franco

Nandito kami sa loobang bahagi ng yate. Tinatahak namin ang katubigan patungo sa isla na pagmamay-ari ng pamilya nila Napoleon.

"Uhmmm, tita. Baka pwedeng papasukin mo na sila dito? Baka magkacancer sila sa init ng araw."

Tanghaling tapat kasi ng magdesisyon si Tita Denice na magbiyahe kami. Nagpalipas kami ng gabi sa bahay ng pamilya nila Napoleon malapit sa isla.

"Let them be baby Aaliyah. They are not that mahalaga naman. They can die from now on." Napangiwi ako sa sinabi ng Tita nila Napoleon.

Paano ba naman kasi, nasa labas sila daddy at yung mga kaibigan niyang lalake at nabibilad sa araw. Sina mommy naman at yung mga kaibigan niyang babae, nasa labas din pero may malaking payong naman sa uluhan nila.

"I SWEAR DENICE! KAPAG NAKAALIS AKO DITO, HINDI KA NA SISIKATAN NG ARAW." Napangiwi ako sa lakas ng sigaw ni daddy.

"Tita, baka naman pwede mong papasukin si mommy at daddy." Pakiusap ni Napoleon sa Tita niya.

Napansin na siguro niya ang itsura ni mommy. May dinaramdam na kasing sakit si mommy. Hindi naman malala pero todo alaga sa kanya ang buong pamilya dahil sa kondisyon niyang iyon.

Napabuntong hininga si Tita Denice. "Alright." Hinawakan niya ang cellphone saka tinawagan ang isa sa mga guard na nasa labas at nakabantay sa kanila. "Ipasok mo dito si Ate Athena at si Kuya Andrew." Yun lang ang sinabi niya saka binaba ang tawag.

Agad namang ipinasok ng mga guard si mommy at si daddy.

"Damn this stupid plan of yours Denice." Mahinang bulong ni daddy habang dinadaluhan si mommy.

"Oh kuya, you'll thank me someday. Isa pa, aren't you happy seeing you barkadas? I have so many plans for you guys pa naman." Nagniningning ang mga mata ni Tita Denice habang nakatingin sa kuya niya.

Kawawa naman sila. Malakas pala ang trip ni Tita Denice.

Makalipas ang isang oras, dumating din kami sa isla na pagmamay-ari ng pamilya nila. Pagkatapak na pagkatapak namin sa isla, napanganga kami sa nakita namin.

"WHAT THE HELL! ILABAS MO KO DITO TITA!!!" Malakas na sigaw ni Blake habang pilit na umaalis sa net na nakasabit sa puno.

"SHUT UP ANTON! NAKAKARINDI YANG TENGA MO! KANINA KA PA SIGAW NG SIGAW!" Sigaw ni Shanelle na nasa loob din ng bukod na net na sa ibang puno nakasabit.

"FVCK! YOU SHUT UP SHANELLE! YOU'RE NOT HAVING A HARD TIME BECAUSE YOU'RE SMALL."

"SINASHUT UP MO NA AKO?! FINE! I'LL SHUT UP FOREVER! I WON'T TALK TO YOU ANYMORE."

My god. Nang dahil kay tita Denice, ang dami ng nag-aaway. Etong si Shanelle at Blake nag-aaway na.

"LECHE KAYONG MAG-ASAWA KAYO. ITIKOM NIYO YANG BIBIG NIYO. MGA BWUSIT!" Malakas na sigaw nung isang babae na nasa kulungan naman na nasa ibaba ng net ni Shanelle.

"LECHE KA INSAN! HINDI KO ASAWA YANG UNGGOY NA YAN!" Shanelle

"Yang bibig mo Eula. Nagmumura ka na naman." Sita sa kanya ni Wyeth.

"PAKIALAM MO BA?! KUNG HINDI KA SUMUNOD SA AKIN EH DI SANA WALA AKO DITO!" Sigaw nung Eula daw kay Wyeth.

"EH KUNG HINDI KA NAGPAKIPOT EH DI SANA NAHATID NA KITA SA BAHAY NIYO AT HINDI KA NABITBIT NG TITA KO." Wyeth

"SO KASALANAN KO?!" Eula

"BAKA KASALANAN KO?!" Wyeth

"MGA PESTE! MAGSISIGAWAN NA LANG BA KAYO?!" Sita ni Wade sa mga kapatid at mga kaibigan nilang nagsisigawan. "FVCK YOU TITA! NASUNOG NA ANG BALAT KO NG DAHIL SAYO. MAY SHOOTING DAPAT AKO NGAYON PERO KINALADKAD MO KO DITO SA ISLA!" Sigaw ni Wade kay Tita Denice na nakatali sa puno.

Saved by the GangsterNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ