Chapter 7: WHAT?!

17.2K 341 2
                                    

Aaliyah Catarina Franco

Nagising ako nang may tali na ang kamay at paa ko. Nakaupo ako sa isang upuan. Nakatali yung paa ko sa paa ng upuan.

Sandali, nasaan na ba ako? Ano ba kasing nangyari?

Pilit kong inaalala kung anong nangyari at nagkaganito ako.

Tama, nasa magiging bahay pala ako namin ni Napoleon tapos may nagtapat ng panyong may chloroform sa ilong ko kaya nawalan ako ng malay.

Akala ko naman sa mga nobelang sinusulat ko lang mangyayari yung ganito. Bakit naman nangyayari sa akin to?

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip, pumasok ang isang payatot na lalake. Nakasunod sa kanya yung mga lalakeng naglalakihan naman ang katawan.

Yung totoo? Amo nila yung payatot? Wow ah.

"Malamang napapaisip ka na kung sino kami." Matapang na saad nung payatot.

Wala ding common sense to eh. Malamang mapapaisip ako kasi hindi ko naman sila kakilala. Shonga ba sila?

"Well, ibabalik ka naman namin sa fiancé mo kapag natapos na kaming pahirapan ka." Saad nung payatot na lalake.

Kumunot yung noo ko. Fiancé ko? Ibig sabihin may kaugnayan sa kanila si Napoleon?

"Ano namang kaugnayan ng fiancé ko sa inyo? Kung may atraso siya sa inyo, siya ang gantihan niyo. Bakit ako ang kinuha niyo?"

"Dahil alam kong darating siya dito para iligtas ka." Lumapit sa akin yung payatot na lalake. "Hindi ko akalaing may babaeng mauuto pa yung babaerong yun. Who would have thought?"

Aba matinde! Marunong pala mag-english tong payatot na to? Akala ko solvent boy lang to sa kanto eh. Mukha talaga kasi siyang solvent boy.

May pumasok na isa pang babae sa loob ng silid. Malamang nasa isang abandonadong bahay kami dahil hindi pinturado ang kwarto at mukhang hindi pa to tapos.

"Nakuha niyo ba?" Tanong nung babae. Gaya nung payatot, may dalawang lalakeng may malalaking katawan ang nakasunod sa kanya.

"Yes sis. Siya ba yun?" Turo sa akin nung payatot. Mataman naman akong tinignan nung babae.

Sandali, kilala ko tong babaeng to ah!

Siya yung babaeng brineak ni Napoleon na girlfriend daw ni Blake. Hindi pala girlfriend. Lalake nga pala to. Transgender.

"Yeah. Siya nga. Natawagan niyo na ba si Blake?" Tanong nung babae sa guards niya.

WHAT THE HELL?! Nandito ako sa sitwasyong to dahil lang akala nila fiance ako ni Blake?!

"Sandali nga. Bakit niyo ba ako kinidnap ha?"

"Obvious ba miss? Inagaw mo lang naman yung lalakeng mahal ko." Galit na sabi nung babae.

Itong transgender na to masyadong assuming ah. Nako miss o mister, kung alam mo lang na niloloko ka lang nung isa sa kambal.

"Wala akong inaagaw. Kahit pa isaksak mo sa baga at sa peke mong suso yung si Blake, wala akong pakialam sa inyo."

Napakunot ang noo niya. "Huh? Fiance ka niya di ba? Bakit naman wala kang pakialam? Hindi mo ba siya mahal?"

Ano namang pakialam ko kay Blake? Si Napoleon kaya ang fiance ko. Tatanga-tanga din source netong baklang to eh.

"For your information miss, hindi ko mahal yung lalakeng yun. Isa pa, napilitan lang naman akong makisama dun. Kahit nga bitbitin mo pa yun sa kung saan, wala akong pakialam. Pasasalamatan pa kita."

Saved by the GangsterWhere stories live. Discover now