Chapter 37: Remembering ...

15.8K 274 4
                                    

"Ashton! Wag ka masyadong magpagod!" Malakas na sigaw ni Shanelle sa inaanak na si Ashton na kasalukuyang nakikipaglaro ng habulan sa anak niyang si Rafa.
"Hayaan mo na ang mga bata mine. Nag-eenjoy lang yang mga yan." Saad ni Antonov saka umakbay kay Shanelle saka sabay na pinagmasdan ang dalawang bata na naglalaro.
"Bro!"
Sabay na napalingon si Antonov at Shanelle sa likuran nila saka napangiti.
"Wyeth." Nakangiting wika ni Shanelle kay Wyeth.
"Kanina pa ba kayo dito? Sorry ngayon lang ako dumating." Hinging paumanhin ni Wyeth sa kanilang dalawa.
"Sira. Hindi ka dapat sa akin humingi ng tawad. Kay bro ka dapat humingi ng tawad dahil baka nainip yun kakahintay sayo." Antonov
"Haha. Mabait naman yun si kuya. Hindi magagalit sa akin yun." Wyeth
"Oi! Bakit nandito kayo?" Nakangising tanong ni Wade sa mga kapatid na masayang nagkekwentuhan at nakaupo sa bermuda grass. "Aba dami nilang dalaw ah." Nakangiting nakiupo si Wade sa picnic mat na inuupuan ng mga kapatid.
"Haha. Nakakahiya kasi sa matatanda. Baka magtampo. Mahirap na kapag ako ang naisipang dalawin nun. Nakakatakot." Pigil ang tawang saad ni Wyeth.
"Siraulo." Naiiling sa sagot ni Antonov sa mga kapatid.
"Sila Ate? Hindi dadalaw?" Tanong ni Wade sa mga kapatid.
"Papunta na daw sila. Si Ariesa naman kasabay nila mommy at daddy na pupunta dito." Antonov
"Ahhh. Akala ko naman hindi sila dadalaw." Wyeth
Ngayon ang araw ng mga patay kaya nagsama-sama silang pumunta sa sementeryo para dalawin ang mga mahal nila sa buhay.
Nasa labas pa sila ng musuleo ng pamilya nila dahil hinihintay pa nilang makumpleto sila bago sila pumasok sa loob. Nakaugalian na nila ang ganung gawain.
"Haay. Nakakamiss pala si Kuya Napoleon. Wala akong maasar kapag ganito eh." Wyeth
"Namimiss mo na Wyeth? Bakit hindi mo sundan?" Antonov
"Gagong statement naman yan bro. Alam mo namang hinihintay ko pang bumalik dito sa Pilipinas yung love of my life ko." Wyeth
"So gay bro. Pero di ba sabi mo namimiss mo na si Napoleon? Baka siya ang hinihintay mong love of your life mo." Nakangising sabi ni Antonov.
"Who knows baka hinihintay ka na niya? Naghihintayan lang pala kayong dalawa."
"Siraulo ka bro." Sinapak ng mahina ni Wyeth sa braso si Antonov.
"Nako! Kayo talagang magkakapatid, napagtulungan niyo na naman si Napoleon porket wala siya dito para ipagtanggol ang sarili niya." Naiiling na saad ni Shanelle ng mapansin ang kakulitan ng magkakapatid.
"Nga pala Shanelle, kamusta yung sales nung Saved by the Gangster? Ayos ba?" Wade
"Ayos! Kumikita ako sa madramang buhay ni Aaliyah at Napoleon." Nakangiting sagot ni Shanelle.
Isang taon matapos ang nangyari kina Napoleon at Aaliyah, naisipang isulat ni Shanelle ang kwento ng dalawa. Ginawa niya yun bilang pag-alala sa nangyari sa kanilang dalawa.
"Hindi ka naman kumikita. Diretso naman sa trust funds ni Ashton yung kinikita nung libro." Antonov
Totoo ang sinabi ni Antonov. Napagdesisyunan ni Shanelle na imbes na sa sariling bulsa mapunta ang kinikita niya para sa libro, minabuti niyang ilagay yun sa trust funds ni Ashton tutal naman ay kwento iyon ng mga magulang niya. Para na rin yun sa panggastos ni Ashton sa future kaya ginawa niya yun.
"Oh. Nandito na pala kayo. Tayo na sa loob." Agad namang sumunod ang magkakapatid kina Andrew at Athena.
Sabay-sabay na pumasok ang mag-anak sa musuleo ng pamilya nila. Lahat sila ipinagsindi ng kandila ang mga mahal nila sa buhay. Napatitig silang lahat sa mga lapidang nasa harap nila.




Ang lapida ng mga magulang ni Andrew at ng panganay nilang si Andrea.
"Oh! Sorry nalate ako. Medyo traffic kasi on the way." Hinging paumanhin ni Aaliyah sa mga kasamang naunang dumating sa kanila.
"Walang problema. Kapapasok lang din naman namin." Nakangiting sagot ni Athena sa kanya.
"Mommy!" Nakasigaw na takbo ni Ashton palapit kay Aaliyah.
"Have you been a good boy with Tita Shanelle? Baka naman nagpasaway ka ah. Nako ka Ashton."
"Of course mommy. I've been good." Pagmamalaki ni Ashton sa ina.
"That's good."
Saglit pa silang nagkwentuhan habang nasa loob ng musuleo. Mga bagay na nangyari sa kanila sa nakalipas na isang taon.
"Nga pala! Guys, I better go. Dadalawin ko pa kasi sila." Paalam ni Aaliyah sa pamilya ni Napoleon.
Buwan-buwan ay dumadalaw si Aaliyah sa puntod niya. Kahit noon, hindi niya magawang magalit sa kanya dahil mahal niya pa rin ito. Kahit anong gawin niya, hindi mahihigitan ng galit ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa kanya.
Nagdrive siya papunta sa kabilang sementeryo kung saan siya nakalibing. Hindi madaling tanggapin na wala na siya pero wala naman siyang ibang magagawa kundi ang tanggapin ang lahat ng bagay na nangyayari sa buhay niya.
Dumaan muna siya saglit sa isang flowershop na hindi kalayuan mula sa sementeryong pupuntahan niya.
Pumasok sila sa shop na mag-ina saka namili ng bulaklak na iaalay sa puntod nito.
Nang tumingin-tingin siya ay wala siyang makitang puting rosas kaya lumapit siya sa counter.
"Miss wala ba kayong puting rose?"
"You don't have any stock of white rose?"
Napalingon si Aaliyah sa lalaking kasabay niyang nagtanong sa babaeng nasa counter. Hindi napigilang mapangiti ng makita ang gwapo nitong mukha.
"At bakit ka naman bibili ng white rose Blake? Ano yan? Araw ng patay tsaka mo bibigyan si Shanelle ng rosas? Sigurado akong papatayin ka na naman nun." Pigil ang tawang saad ni Aaliyah kay Blake.
"Psh. Kung gusto akong patayin ng babaeng yun, matagal na sana niyang ginawa kaya lang masyado akong mahal nun kaya hindi ako magawang patayin." Confident na sagot ni Blake kay Aaliyah.
"Sira ka talaga." Iiling-iling na sabi ni Aaliyah.
Kung nakikita lang marahil ito ng bestfriend niya, sigurado siyang hindi makakapasok ng bahay nila itong si Blake. Doon na naman sa mansyon matutulog ang lokong to.
"Para kanino ang white roses? Sa kanya?" Tanong ni Blake na sinagot lang ni Aaliyah sa isang tango.
"Sir, mam. Isang piraso na lang po kasi yung natira dito. Mamaya pa po darating yung next delivery." Saad nung tinderang babae.
Saglit na nagkatinginan sina Blake at Aaliyah. Iniisip ni Aaliyah na ibigay na lang kay Blake ang bulaklak. Ibibigay kasi nito kay Shanelle yung bulaklak.
Alam niyang magtatampo ang bestfriend niya kapag hindi niya nabigyan ito ng bulaklak. Hindi naman magtatampo ang pagbibigyan niya ng bulaklak dahil patay na ito.
Baka atakihin siya sa puso kapag nagsalita yun mula sa ilalim ng lupa kapag nagtampo yung pagbibigyan niya.
"Sige na Blake, you can have it. Hindi naman siguro magtatampo yun dahil wala akong dalang bulaklak. Ipagtitirik ko na lang ng kandila yun."
"Sigurado ka?" Nag-aalangang tanong ni Blake kay Aaliyah.
"Yup." Tangong sagot ni Aaliyah.
Tumalikod na siya mula sa counter saka naghanap ng ibang bulaklak na pwedeng ialay. Nakita niya ang mga kulay dilaw na chrysanthemums. Nagustuhan niya ang matingkad na kulay nito pero ayaw niya sa amoy ng chrysanthemums kaya nagdadalawang isip siya kung bibilhin niya iyon. Magmamaneho pa kasi siya at baka maiwan sa sasakyan niya ang amoy nung bulaklak.
Pero sa huli, yun pa rin ang binili niyang bulaklak. Wala na rin naman siyang ibang bulaklak na nagustuhan.
Pagkatapos nilang bumili, dumiretso na sila sa isang hindi kalakihang musuleo. Agad siyang napangiti ng makita ang sangkaterbang puting rosas na halos pumuno sa loob ng musuleo.
Talaga naman. Galing na sila dito. Hindi na naman kami nagpang-abot.
Naiiling na lang si Aaliyah. Naunahan na naman siya ng mga kapatid niya sa ina na sina Flordeliza at Cornelia. Alam niyang sila ang dumalaw dahil bumaha na naman ng bulaklak sa puntod ng kanilang ina.
Inilapag na lamang ni Aaliyah ang chrysanthemums na binili niya saka nagtirik ng kandila at nanalangin ng tahimik.
Sa musuleo ng mga Magnifique nilibing ang nanay niya. Tatlong buwan matapos ang nangyari sa pagitan nilang tatlo nila Napoleon, nabalitaan na lang nilang nagpakamatay ang ina niya. Binaril nito ang sarili sa ulo na siyang naging dahilan ng agad na pagpanaw nito.
"Ang weird lang. Sabi nila dapat daw hindi na kita dinadalaw sa dami daw ng atraso mo sa akin. Pero hindi naman kita matiis. Pinagpapasalamat ko pa rin na nilabas mo ko sa mundong to. Kung hindi dahil sa mga ginawa mo, hindi ko makakasama si Ashton ngayon. Pero Katrina, kahit na hindi mo hiningi ang kapatawaran ko, magkukusa akong magsabing pinapatawad na kita. I wish you peace wherever you are right now."
Kasabay ng pagsambit niya ng huling mga kataga niya ay siyang pag-ihip ng malamig na hangin. Napangiti si Aaliyah. Alam niyang nasa mapayapang lugar na rin si Kat- ang mommy niya.
I love you mommy.


Napahinga ng malalim si Napoleon habang nakatayo sa harap ng puntod ng daddy at ng kakambal ni Aaliyah.
"Kahit po mga nitso na lang ang kaharap ko, kinakabahan pa rin po ako sa gagawin kong to. Hindi ko naman po kasi alam kung papayag kayo o hindi." Paninimula ni Napoleon.
Mukha na siyang tanga na pinagpapawisan habang nakatayo sa harap ng nitso ng pamilya ni Aaliyah.
"Unang-una Mr. Franco, nagpapasalamat po ako at binigyan niyo ko ng pagkakataong makilala at mahalin ang anak niyo. Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Hihingin ko na po yung kamay ng anak niyo para maipakasal na po talaga kaming dalawa."
Napalunok si Napoleon. "Aamin po ako, wala akong pinagsabihan ng plano ko. Natatakot kasi akong may lumitaw na namang sagabal sa pag-iibigan namin. Maawa naman kayo sa akin Mr. Franco. Anim na taon na akong naghihintay sa anak niyo. Payagan niyo na ako."
Dinalaw ni Napoleon ang puntod ng mga ito dahil ipagpapaalam na niya si Aaliyah. Pakiramdam niya ay kailangan niya pa ring magpaalam sa pamilya nito bilang respeto.
Isang taon na ang nakakaraan mula ng mangyari ang pagbaril sa kanila ni Katrina. Parehas silang nakaligtas ni Aaliyah. Naging kritikal ang kondisyon nilang dalawa ngunit parehas silang lumaban at ngayon ay nabubuhay na silang dalawa ng matiwasay.
Hindi pa sila kasal dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpopropose si Napoleon kay Aaliyah. Hindi rin naman nagtatanong si Aaliyah kaya pumabor lang kay Napoleon ang lahat para sa plano niya.
"Daddy, may ihihingi pa nga po pala ako ng tawad. Ayos lang kung madapa ako paglabas ko ng musuleo ninyo. Pero masaya naman ako ng dahil dito." Napangiti si Napoleon ng maalala ang bagay na iyon.
Pumunta si Napoleon sa kwarto ni Aaliyah para sana tanungin kung sasabay ito sa kanya para dumalaw sa puntod ng lolo at lola niya pero wala na ito sa kwarto. Lalabas na sana siya ulit ng may makita siyang pregnancy test kit sa bed side table niya.
Dahil nacurious si Napoleon, lumapit siya doon at tinignan ang kit. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang may dalawang linya sa kit na nakalapag sa bed side table.
Wala pang nasasabi si Aaliyah sa kanya kaya sobra ang tuwa niya ng makita ang bagay na iyon. Hindi niya itatanong kay Aaliyah ang patungkol sa bagay na iyon dahil hihintayin niyang sabihin nito ang patungkol sa bagay na yun.
"Magiging dalawa na po ang anak namin ni Aaliyah kaya po mamadaliin ko na ang kasal. Pasensya na po kung nadagdagan ang apo niyo ng hindi pa kami kasal ni Aaliyah. Mahal naman po namin ang isa't-isa kaya nauna na ang regalo kaysa sa kasal."
Napakamot na lang sa likod ng ulo si Napoleon ng dahil sa pinagsasabi niya. Mukha na kasi siyang tanga.
"Mahal ko, kanina ka pa ba nandito?" Tanong ni Aaliyah ng makapasok ito sa musuleo ng pamilya nila.
"Hindi naman. Kadarating ko lang din."
"Daddy!" Sigaw ni Ashton at nagpabuhat kay Napoleon.
"Waaah! Ang bigat na ng baby ko."
"Daddy naman. Hindi na ako baby." Nakangusong sagot ni Ashton.
"Alright." Ginulo niya ang buhok ng anak.
Hinintay lang ni Napoleon na matapos si Aaliyah sa pagdarasal saka sila sabay na lumabas ng musuleo.
Ipinagpasalamat na lang ni Napoleon na hindi siya nadapa ng makalabas siya ng musuleo. Ibig sabihin hindi galit sa kanya ang pamilya ni Aaliyah.






A/N: I kinda regret updating my wattpad app. -.- Ngayon nalilito na ako ng sobra although I liked the big typing space pero ... Argggh! Nasanay na ako sa dati eh.
Siguro you've noticed that there are missing chapters. (Halata naman yun) Yung mga chapters na nakafocus lang sa kanila ang nandito. Well, everything has a reason. *winks*
Anyway I am announcing that I am extending SBTG. EXTENDING po. Hindi na ako maglalagay ng BOOK 2. Ibubuhos ko na lang sa manu yung pang-book 2.
Hindi ko alam pero baka 10-20 chapters ang idagdag ko. =) Haha. Alam kong gusto niyo ding masilayan ang pagiging dugong Ricafort-Santillan ni Napoleon. HAHAHA.
Okey. Last na mahabang author's note na to. Yun ang regalo ko sa SBTG readers dahil 2 years na ako sa watty sa sabado! 🎉🎉🎉
Tandaan niyong mahal ko kayong lahat. Sadyang brutal lang ako dito sa watty. HAHAHA!

Saved by the GangsterWhere stories live. Discover now