Chapter 28: The Girl Who Can't Break Up

14.4K 255 6
                                    

Aaliyah Catarina Franco

I opened my eyes and stared on the place where I am right now. Puro puti lang ang nakikita ko. Lahat ng gamit dito kulay puti.

Napatingin ako sa kaliwang kamay ko. May suero na nakalagay sa kamay ko. I don't know what the hell happened but I know that I am currently at a hospital.

Hindi ko maalala kung paano ako nakarating dito. Basta naalala ko lang, pinababa ako sa rooftop ng Santillan Empires. After that, wala na.

"Oh! Gising ka na Aaliyah. Kamusta ang pakiramdam mo?" Alalang tanong ni mommy Athena.

How come she's here? Bakit nandito siya?

Seeing her worried face, gusto ko tuloy isipin na sana siya na lang ang naging mommy ko. Bakit yung ibang tao sobra kung mag-alala para sa akin pero yung ...

"Stop crying Aaliyah. Ano bang nangyari sayo at nasa rooftop ka ng opisina? Nakita ka lang nung janitor na walang malay doon kaya tinakbo ka namin dito sa hospital." She touched my cheeks. "What happened to you?"

Dapat ko bang sabihin kay mommy Athena? Matatanggap pa kaya nila ako kapag nalaman nilang buntis na ako at ibang lalake ang ama?

"Mommy, si Napoleon po?" I need to see him. I need to talk to him. Kailangan kong ipaalam sa kanya kung bakit hindi ako nakarating sa araw ng kasal namin.

"Aaliyah ..." Her face has this expression that would kill me. Malungkot ang mukha niya na mas nagpapalala sa kaba at takot na nararamdaman ko. "Wala na si Napoleon. Umalis siya noong araw ng kasal niyo."

Iniwas ko ang tingin ko kay mommy Athena. I know he's hurt. Alam kong nasaktan ko si Napoleon. Siguro matiyaga siyang naghintay sa simbahan noong araw ng kasal namin.

Umasang darating ako pero wala. Hindi ako dumating. Hindi ako nakarating.

And I can't blame him if he does that. Kung iniwan niya ako.

Mommy wiped away my tears. "Noong hindi ka dumating sa simbahan, umalis na siya ng bansa. I'm sorry."

Masakit. Sobrang sakit. Nagtagumpay si mommy na kunin lahat ng bagay na nasa akin. Wala na akong dignidad. Wala na yung taong mahal ko. Wala ng natitira sa pagkatao ko.

"But I just want to know one thing Aaliyah. Based sa medical records mo, buntis ka daw." Natigilan ako sa tanong ni mommy. Mukhang alam ko na kung saan patutungo ang tanong niya. "Si Napoleon ba ang ama ng pinagbubuntis mo?"

Kung tutuusin, napakadaling sagutin ng tanong ni mommy pero natatakot akong sagutin. Hindi ko alam kung matatanggap niya ang sagot.

Gustuhin ko mang magsinungaling, alam kong wala ding mangyayari. Alam kong balang-araw, malalaman din nilang hindi si Napoleon ang ama nitong dinadala ko.

"M-mommy ..." I controlled my tears as the painful memories of those night came into my mind. "Mommy, I was raped. I was kidnapped and raped on the day of our wedding." Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. "NIRAPE AKO MOMMY! BINABOY NILA AKO MOMMY!"

Mommy Athena hugged me tightly. "Calm down baby. Oh my god. I never knew. I'm sorry." She continuously patted my back as she consoled me.

I continued crying on her shoulders. Lahat ng sakit na naranasan ko at naramdaman ko binuhos ko sa mga luha ko. Ilang araw akong nagtiis. Ilang araw akong nanahimik.

Ang magkaroon ng taong masasabihan ko ng problema ay nakakapagpagaan ng loob ko.

Athena Ricafort Santillan

"How is she?" Tanong ni Enrico. Ang ama ni Aaliyah. Nabanggit ko sa kanya ang nangyari sa anak niya.

Ayaw siyang makita ni Aaliyah kaya minabuti na lang naming papuntahin siya dito habang natutulog si Aaliyah para masilip niya kahit papaano yung bata.

Saved by the GangsterWhere stories live. Discover now