Chapter 32: Family Time

15K 285 4
                                    

It's been three months since Aaliyah gave birth and they are holding the baptismal ceremony of baby Ashton Noah at a church in the executive village where they are living.

Nasunod ang pangalang nais ni Napoleon na ipangalan sa anak niya dahil na rin sa pakiusap ng mga magulang niya kay Aaliyah. His son was named Ashton Noah Franco.

Kasalukuyang nasa simbahan si Napoleon at hinihintay ang pamilyang dumating. Gusto niyang makita ang anak niya. Sapat na sa kanyang masilayan ang anak niya kahit sa sandaling panahon.

"Bro! What are you doing here? Mapapatay tayo ni mommy kapag nalaman niyang nandito ka!" Sigaw sa kanya ng kakambal na si Antonov.

Tinapat niya ang hintuturo sa bibig niya para patahimikin ito. "Shhh. Bro naman. Gusto ko lang makita ang anak ko kahit sandali."

Nasuklay ni Antonov ang buhok niya gamit ang mga daliri niya dala ng inis at kaba. "Bro, alam natin pareho na hindi pwede!"

"Alam ko! Alam ko! Hindi ko naman sinabing hindi ko alam. Just please do me a favor bro. Gusto ko lang talaga makita ang anak ko kahit na sandali lang."

Napoleon doesn't care whether he beg to his brother. Mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang makita ang anak. Hindi bale ng mawalan siya ng pride kaysa sa hindi niya masilayan man lang kahit na sandali ang anak niya.

"Fine! Fine! I'll help you. But don't show yourself to anyone understand? Susubukan kong hiramin si Ashton kay Aaliyah. Pakikiusapan ko din si daddy kung pwede niyang idelay ng konti ang binyag para makita mo yung anak mo."

Mabilis na hinawakan ni Napoleon ang kamay ni Antonov. "Thanks bro! Thank you talaga. Wag kang mag-alala. Tutulungan din kita kay Shanelle. Promise! Promise!"

"No need." Lumingon sa likuran niya si Antonov. "Hide there." Tinuro niya ang gilid ng simbahan. Kasalukuyan kasi silang nasa main door ng simbahan. "Dadalhin ko ang bata mamaya pagdating nila mommy."

Agad sumunod si Napoleon sa utos ng kapatid habang bahagyang sumisilip-silip upang malaman kung nakadating na ba ang pamilya niya.

Napupuno ng antisipasyon ang pagkatao niya. Naeexcite siyang makita ang anak niya. Umaapaw sa kaligayahan ang puso niya dahil sa wakas. Makikita na rin niya ang anak niya.

Ilang minuto lang din ang dumaan at dumating ang isang honda civic. Mula doon ay bumaba si Aaliyah habang may karga-kargang bata.

Agad siyang nakaramdam ng lungkot ng makita niya si Aaliyah. Gusto niyang lapitan siya. Gusto niyang mayakap siya. Miss na miss na niya ang babaeng pinakamamahal.

Pero hindi pa pwede. Hindi pa iyon ang tamang panahon.

Nakita niya kung paano nilapitan ni Antonov si Aaliyah at kinuha ang anak niya. Naiwang nakatayo sa tabi ng sasakyan si Aaliyah habang pumasok ng simbahan si Antonov.

Lumingon siya sa likuran niya at nakita niyang papalapit sa kanya ang kakambal habang may buhat-buhat na bata.

Hindi pa niya tuluyang nakikita ang anak pero namumuo na ang mga patak ng luha sa mga mata niya. Kahit na labag sa utos ng mga magulang niya, masisilayan na rin niya sa wakas ang anak niya.

Maingat na iniabot sa kanya ni Antonov ang mahimbing na natutulog na si Ashton. Hindi niya maiwasang mamangha ng mapansin ang pagiging magkamukha nila ng anak niya.

"Baby. Ako ang daddy mo." Maluha-luhang wika niya saka hinalikan ng marahan sa noo ang bata. "Always remember that daddy loves you so much. So much." Hinalikan niya sa pisngi ang anak.

Saved by the GangsterWhere stories live. Discover now