Chapter 43: Perfectly Unmatched

15.3K 251 11
                                    

Aaliyah Catarina Franco

Nasa counseling room kami ng church na inaattendan nila Shanelle at Blake. Maraming mga couples ang ikakasal din pala kasabay nila.

May mga sobrang bata. 19 pa lang ata tong mga to. Meron ding mga nasa 40's na. In short, halo-halo ang dami ng taong gustong magpakasal.

At ngayon, nakaupo kaming dalawa sa harap ng isang maliit na mesang may dalawang papel. Magkahiwalay kaming dalawa at nakaharap sa mga kasabay naming magseminar.

"Okey Ms. Fortaleza and Mr. Santillan, itetest natin kung magkasundo na kayo sa maraming bagay. Ilang taon na nga ulit kayong magkakilala?" Tanong ni Ms. Agnes.

"Thirteen years."

"Six years."

Napakunot yung counselor sa magkaibang sagot namin ni Napoleon.

Epic fail naman kasi tong si Napoleon! Hindi naman kasi kami ang pinag-uusapan. Si Anton at si Shanelle.

Pinandilatan ko siya ng mata. "Mahal ko, THIRTEEN YEARS na tayong magkakilala. Baka naman hindi AKO yung sinasabi mo."

"Mahal ko. Six years pa lang. Nakahiwalay tayo for seven years di ba? No news kahit na ano kaya six years lang." Paliwanag ni Napoleon.

Pasalamat siya nagawan niya ng paraan yung sagot niya kundi malilintikan kami sa counselor.

"Sabi ko nga mahal ko." Ngumiti ako ng peke sa kanya.

"Akala ko naman hindi pa man tayo nag-uumpisa, mag-aaway na kayo. Haha." Ms. Agnes

"Hindi naman po mam. Start na po tayo?"

Ganito kasi ang siste niyan. Ms. Agnes will be asking some questions that would confirm our compatibility as a couple. Well technically, compatibility ni Shanelle at Blake dapat ang pinag-uusapan dito pero sigurado ako, 100% na kung sila ang nandito, babagsak ang dalawang yun sa compatibility test.

Back to the topic, kapag nagmatch ang mga sagot naming dalawa, therefore, match kami para sa isa't-isa. Kung hindi naman, we are not for each other. As simple as that.

"Okey. First question. Water or softdrinks?"

Napakunot ang noo ko sa tanong ni ms. Agnes. Ano bang klaseng tanong yan? Pang-elementary.

Sinulat ko ang sagot ko sa whiteboard na hawak ko. Pagtingin ko kay Napoleon, ganun din naman siya.

"Answers up." Ms. Agnes

Pinakita ko sa kanila ang whiteboard kong may nakasulat na water. I am not really a fan of softdrinks so water ako.

"Uhmm, medyo wala ata sa choices natin yan Mr. Santillan." Alanganing banggit ni Ms. Agnes.

Napalingon ako kay Napoleon at naningkit ang mga mata ko ng mabasa ang sagot niya.

Vodka.

Yan ang nakasulat sa whiteboard niya.

"Pangbakla naman kasi yung choices niyo miss." Saad ni Napoleon.

"Sabi ko nga Mr. Santillan. Anyway, next question. Ano ang paboritong gawin ni Ms. Fortaleza kapag wala siyang ginagawa?" Ms. Agnes

"Miss, ang labo ng tanong mo. Anong paborito niyang gawin eh wala nga siyang ginagawa tapos paboritong gawin." Napoleon

Utang na loob Napoleon! Sumagot ka na lang! Wag na maraming satsat ng matapos na tayo.

Gustong-gusto ko ng isigaw kay Napoleon yan. Sasagot-sagot pa kasi! Natatagalan kami lalo dito.

"Okey Mr. Santillan, let me rephrase my question. Anong paboritong gawin ni Ms. Fortaleza if she's not busy?" Ms. Agnes

Saved by the GangsterWhere stories live. Discover now