Chapter 8: Untold Feelings

19.1K 420 4
                                    

Aaliyah Catarina Franco

Nandito na kami sa Subic at naghiwa-hiwalay kaming lahat para mabilis na matunton si Napoleon. Inisa-isa namin yung mga hotels para malaman kung may nagcheck-in bang Alicia Bermudez.

"Ilang oras na tayong naghahanap pero wala talaga."

"Kumalma ka lang. Kilala ko si Alicia. Hindi naman niya sasaktan si Napoleon." Blake

Pinaghahampas ko siya. "Siraulo ka kase. Kung hindi mo niloko yung baklang yun, hindi sana ako makikidnap! Hindi sana makukuha si Napoleon! Nakakainis ka!"

Sinasalo niya ang kamay ko para makasalag siya. "Hindi ko rin naman ginustong umabot sa ganito. Isa pa, hindi ko naman alam na magagawa ni Alicia to." Pagdedepensa ni Blake sa sarili.

Tinigil ko na rin ang pananakit sa kanya dahil wala akong mapapala. Kahit saktan ko siya, hindi naman makakatulong yun para mapabilis ang paghahanap namin kay Napoleon.

Maggagabi na rin kaya tinawagan na namin yung iba para makapagpacheck in sa iisang hotel. Bukas na lang daw namin ipagpatuloy yung paghahanap kay Napoleon.

Kailangan na talaga namin siyang makita bukas dahil hinahanap na siya ng mommy niya. May business trip siya sa isang araw kaya kailangan na namin siyang makita.

Habang nagchecheck in ang ExO, aksidente akong napalingon sa restaurant ng hotel. Pinigilan kong mapasigaw nang makita ko si Napoleon kasama yung Alicia.

Pinag-aralan kong maigi ang itsura niya mula sa malayo. Tinignan ko kung may galos ba siya o sugat. Mukhang wala naman.

"Eto ang card sa kwarto mo Catarina." Napalingon ako kay Blake saka tinanggap ang card para sa kwarto ko.

Nauna na silang umakyat pero pinili kong magpaiwan para masundan si Alicia at si Napoleon.

Nanatili akong nakaupo sa isang upuan malapit sa restaurant para matanaw sila. Kumakain si Alicia habang si Napoleon ay nakaupo lang sa tabi niya. Mukhang hindi ginalaw ni Napoleon yung pagkain niya.

Ilang minuto pa ang lumipas, tumayo na si Alicia. May lumapit na dalawang guards at inalalayan si Napoleon.

"Oh my god!"

Natutop ko yung bibig ko nang makita ko ang kalagayan ni Napoleon. Hindi siya makalakad ng maayos. Malamang binalian nila ng binti si Napoleon.

Pinipigilan kong maiyak habang pinagmamasdan ko silang lumakad palapit sa elevator. Kasalanan ko kung bakit nagkaganun si Napoleon.

Sinuot ko ang bull cap ko at shades bago nakisabay sa kanila sa elevator. Pagdating sa seventh floor, bumaba silang lahat kaya sinundan ko sila.

Umaayon lang sa akin ang pagkakataon dahil nasa seventh floor lang din yung kwartong nakuha para sa akin ng ExO.

Nakita kong pumasok sila sa room 708. Pumasok ako sa kwarto kong 711. Kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano maililigtas si Napoleon.

Kinuha ko ang bagong bili kong phone at tinext ang lahat ng ExO. Wala pa man ding limang minuto, dumating na silang lahat sa kwarto ko.

"Bakit mo kami pinapunta dito?" Harry

"Alam ko na kung nasaan si Napoleon. Nasa room 708 sila. Nakita ko sila kanina."

Ngkatinginan silang lahat saka sabay-sabay na tumungo. Tumayo silang lahat at nagtungo sa pinto.

"Sandali! Saan kayo pupunta?"

"Kukunin na si Napoleon." Royce

"WHAT?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.

Nginisian lang nila ako saka sila lumabas ng kwarto. Napasunod na lang ako sa kanila saka pinanood ang gagawin nila.

Saved by the GangsterWhere stories live. Discover now