Chapter 36: Closure (Part 2)

13.6K 251 3
                                    

Aaliyah Catarina Franco

"WHAT THE HELL?! Anong kasal na ako?" Hindi ko napigilang isigaw yun ng marinig kong sinabi niya yun.

"Eh yun ang sinabi ng daddy mo. Pati na rin ng parents ko. Kaya nga pinikot kita eh."

Tumalim ang tingin ko sa kanya. "Ako ba Andrew Napoleon ay pinaglololoko mo?"

Kumunot ang noo niya. "Why would I do that? Nagmamakaawa na nga akong magkaayos tayo at magkabati, lolokohin pa kita?"

But I never remembered to be married nine years ago. Technically, kung bibilangin mo nine years ago dapat kasal na ako pero hindi naman.

Hindi naman kaya?

Binatukan ko ng malakas si Napoleon. "Uto-uto ka talaga! Hindi totoo yung sinabi ng daddy ko!"

"I know." Simpleng sagot niya sa akin na ikinagulat ko.

"Alam mo naman pala bakit 'pinikot' mo pa rin ako ha?"

"No. Nalaman ko lang yung totoo three years ago. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit nagsinungaling si Mr. Franco. Pati parents ko nagsinungaling din." Seryosong sabi niya.

Alam kong hindi siya nagsisinungaling dahil alam ko kung kailan siya nagsisinungaling. Nakikita ko sa kanyang naguguluhan din siya.

"Let's just ask your parents. Malamang alam nila ang dahilan kaya pati sila ay nagsinungaling sayo."

Tumango siya bilang sagot.

"So ano na ang nangyari pagkatapos-" I was about to ask him about what happened next when I suddenly remembered something.




"And by the power vested in me, I now pronounce you man and wife." Nakangiting anunsyo ng pari sa kanila. "You may now kiss the bride."

Mabilis ang kabog ng dibdib ni Aaliyah habang inaangat ni Jin ang belo niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang hinihintay na masilayan ang mukha ni Jin pagkaangat nito ng kanyang belo.

"Are you ready wifey?" Nakangiting tanong ni Jin kay Aaliyah. Hindi sumagot si Aaliyah ngunit tumango siya.

Dahang-dahang lumapit si Jin kay Aaliyah saka naglapat ang labi nilang dalawa. Mabini at puno ng respeto ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa.

Napatigil sila sa paghalik sa isa't-isa ng marinig ang palakpakan ng mga taong nakasaksi sa kasal nilang dalawa.

"I now present to you. Mr. and Mrs. Dela Vega." Anunsyo ng pari matapos nilang maghalikan.

Muli, narinig nila ang hiyawan at palakpakan ng mga bisita.

"I love you wifey." Jin wholeheartedly told Aaliyah.

"I-I love you too hubby." She answered back hesitantly.




"Bakit natigilan ka?" Nag-aalalang tanong ni Napoleon sa akin.

I felt the sudden rush of tears on my cheeks. How could I forget? Paano ko nagawang kalimutan ang bagay na yun?

"N-Napoleon ..." Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang totoo. Hindi ko kaya.

Pero alam kong dapat niyang malaman at may karapatan siyang malaman yun.

"It's Tyler Jin Dela Vega." She hesitantly uttered.

Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. "Ha? Hindi kita maintindihan."

Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko alam kung matatanggap niya. Aaminin ko, natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

Saved by the GangsterWhere stories live. Discover now