Chapter 5: The Santillan Family

18.9K 393 20
                                    

Aaliyah Catarina Franco

Napalunok ako ng ilang beses habang sinasalubong ng titig ang nanay ni Napoleon. Nakakamatay ang mala-laser eyes na titig niya.

Kung totoong nakamamatay ang tingin? Malamang bulagta na ako kanina pa.

"Who are you miss?" Nakataas pa ang isang kilay niya habang nagtatanong.

Nakakatakot naman siya! No wonder yung padre de pamilya lang nila ang humarap sa amin!

Sandali, di ba naging contestant sa I Do, Idol si Ate Amber? Ang bait tignan ng nanay niya dun ah. Bakit sa personal parang hindi naman?

"A-aliyah Catarina Franco po." Sagot ko sa tanong niya.

I saw a glimpse of shock in her eyes. Masasabi ko ring magaling magtago ng emosyon ang nanay niya. Napansin ko yung pagkagulat niya pero bago pa man magkaroon ng reaksyon ang mga tao sa paligid niya, naitago na niya ulit ang naramdaman niya.

"Kuya Napoleon." Napalingon ako sa likod ko kung nasaan nanggaling ang tinig ng tumawag sa lalakeng katabi ko.

OH MY GOD! Si Alvin Santillan ba talaga tong nasa harap namin? The famous car racer, Alvin Santillan?!

"Alvin Wyeth! Hindi ko alam na nandito ka pala. Kailan ka pa nakabalik bro?" Hindi maitago netong katabi ko ang saya niya na makita ang kapatid niya.

Nagman to man hug sila. "Syempre naman bro. Palalampasin ko ba naman ang birthday ni mommy? Di bale nang matalo sa isang race, wag lang maging absent sa birthday ng pinakamahalagang babae sa buhay ko." Nakangiting wika ni Wyeth habang nakatingin sa mommy niya.

Hindi ko talaga akalaing kapatid nila si Alvin! Grabe tong pamilyang to. Bigtime!

"Nasaan si Wade?" Tanong ni Napoleon.

"Looking for me bro?"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino si Wade! Wade is no other than Anton Ricafort! The hottest teen star in the Philippines right now!

Nalulula ako sa pamilyang papasukan ko. Achiever ang mga miyembro ng pamilyang to. Lahat sila kilala sa kanya-kanyang larangang pinasukan nila.

"Anton Wade! Long time no see bro! Kamusta shooting sa Paris?" Napoleon

"Paris pa rin bro. Nakakasawa ngang kasama si Christine." Wade

Si Christine ang kapareha niya. Kaloveteam niya. Sila ang pinakatinitiliang loveteam ngayon dito sa Pilipinas.

"Hindi ka pa ba sanay sa kaartehan nun? Lagi na lang." Napoleon

"Tss. Kahit siguro sino, hindi masasanay." Bugnot na sagot ni Wade. "By the way, sino yang magandang kasama mo kuya? Girlfriend mo?"

"Nope. My fiance." Simpleng sagot ni Napoleon.

Nagkatinginan ng may kahulugan ang magkapatid na Wade at Wyeth.

"I'll organize the Bachelor's Party!" Biglang anunsyo ni Wade na ikinagulat ko.

"For the first time in 26 years bro. Ngayon ka lang nagdala ng babae dito at talagang fiance mo pa." Pabirong sinapak ni Wyeth yung braso ni Napoleon. "You nailed it man! Tinupad mo ang pangako natin kay Dad."

Naguluhan naman ako sa pinag-uusapan ng pamilya nila. Anong pangako ang sinasabi nila?

"Wag kang mag-isip ng kung anu-ano. The promise is that the first person we would bring and introduce in this household should be our partner for a lifetime. Hindi lang namin inaasahang tutuparin ni Napoleon yun knowing him as a womanizer. Sorry Aaliyah ha pero babaero talaga yang kapatid ko." Paliwanag ni Ate Amber.

Saved by the GangsterWhere stories live. Discover now