Chapter 41: Can You Feel The Love Tonight

14.5K 256 6
                                    

Aaliyah Catarina Franco

Kahit na pagod ako dahil sa napaagang bedtime story telling namin ni Napoleon, sumama pa rin ako sa kanya dito sa bahay nila Ysa para sa pagplano ng kasal nila Blake.

Grabe. Naiinggit ako kay best. May surprise wedding pang hinanda si Blake para sa kanya. Halatang sabik na sabik na si Blake na pakasalan siya.

Samantalang tong gunggong na nasa tabi ko mukhang wala ata akong balak pakasalan.

Noong sinabi niyang nagbabalak sila ng kasal, agad pumasok sa isip kong baka ako yung isusurpresa niya pero agad kong inalis sa isip ko yun dahil hindi pa nga nagpopropose si Napoleon kaya impossibleng para sa akin yun.

Nakakainggit talaga si best!!

"Oh Aaliyah!" Gulat na sambit ni Ysa pagkabukas niya ng gate nila.

"Hindi ko alam na kasama ka pala ni Cup-I mean Napoleon." Hindi siya sa akin nakatingin pero kay Napoleon siya nakatingin.

Hello? Ako ang kausap niya pero kay Napoleon siya nakatingin.

"Hindi na ako pwede dito?" Tanong ko sa kanilang dalawa. "Kung ganun pala, uuwi na lang ako."

Aalis na sana ako ng hawakan ako ni Napoleon sa kamay. "No mahal ko. Pwede ka dito. Hindi ko lang nabanggit kay Ysa na isasama kita ngayong gabi. Di ba Ysa?"

May diin yung pagkakabanggit niya ng Ysa kaya nakahalata akong pinipilit niya lang na um-oo tong si Ysa.

"Oo nga. Wala kasing nabanggit tong si Napoleon. Anyway, tuloy na kayo."

Agad kaming pumasok at namangha ako sa bahay nila. Ang ganda ng loob ng bahay nila. Napakaelegante.

"Wow. Ang ganda naman ng bahay niyo." Saad ko habang tinitignan ang kabuuan ng bahay nila.

"Salamat. Si babylove kasi ang nagdisenyo nito." Nakangiting sambit niya.

Sigurado akong kung si Ysa ang nagdesign ng buong bahay, malamang naglalaro sa pink ang kulay ng mga gamit dito.

Nakakuha ng pansin ko ang malaking portrait ng isang babaeng nakatalikod habang nililipad ng hangin pakanan ang nakaponytail nitong buhok na nakablack sports bra at black sweat pants. Base sa background mukhang sa rooftop ng isang mataas na building kuha yung litrato. Sa likod pa lang nung babae, alam kong si Ysa yun.

Bigla akong nakaramdam ng insecurity ng makita ko ang katawan niya. Sexy si Ysa kahit nakatalikod. Hindi na ako magtataka kung bakit nainlove si Napoleon sa kanya noon.

"Ikaw yan Ysa?" Tanong ko habang tinuturo yung portrait.

Napalingon si Ysa sa portrait at napatawa.

"Haha. Oo. Dati pa yan. Kay Zane yang portrait na yan. Nasa condo niya yan dati tapos nilagay niya dito noong kinasal kami." Ramdam na ramdam ko ang kilig sa boses niya habang kinukwento yun. "Ilang beses ko na ngang pinagsabihan yun na tanggalin na yan diyan pero ayaw eh. Hinayaan ko na lang pero nakakailang kasi kapag may bisita. Haha. Stalker ko kasi yun noon."

Meron kayang picture ko si Napoleon? Nah. Wala yan malamang. Yan pa? Kukuha ng litrato? ASA.

"Anyway, so natapos na kasi namin yung ibang plano Aaliyah, we just have to do the food tasting and choose the design of the wedding cake. Since yung restaurant naman namin ang magcacater sa kasal ni-la, pinadala ko na lang dito sa bahay yung mga pagkaing titikman niyo." Paliwanag ni Ysa.

"Nasaan si Blake? Di ba dapat siya ang nagfofood tasting?"

"Nasa business conference sa Thailand si Antonov kaya hindi niya maasikaso to." Sagot ni Napoleon.

Saved by the GangsterWhere stories live. Discover now