Chapter 21: In Danger

12.8K 249 2
                                    

Aaliyah Catarina Franco

Papunta na kami ni Napoleon sa opisina niya. Kanina ko pa hinahatak pababa tong suot kong skirt na binigay ni Napoleon kanina.

Pakiramdam ko kasi ibebenta niya ako sa casa sa iksi ng skirt na to! Tapos tong pang-itaas ko pa. Parang ano ...

"Napoleon, may balak ka bang dalhin ako sa bar o sa prostitute den? Bakit ganito ang suot ko?"

Saglit siyang lumingon sa akin habang nagdadrive. "Anong problema sa suot mo? Medyo maiksi yung skirt mo pero okey lang. Makinis ka naman. Yung tshirt mo naman, ayos lang din."

Anong ayos dito?! Eh halos wala na akong itago sa suot ko!

Ang skirt ko, maiksi na nga, may slit pa sa kanang hita! Ang tshirt ko naman fitted. Parang sinadya niya talagang ipasuot sa akin to para maemphasize yung ... yung dibdib ko.

"Napoleon naman, alam ko sa opisina ang punta natin. Bakit ganito ang suot ko. Hindi naman kaya mapagkamalan akong call girl na nakuha ng maaga?"

Pasalamat na lang ako at binigyan niya ako ng jacket na nakatali naman sa bewang ko.

"Hindi naman siguro mahal ko. Ang sexy mo nga eh."

I know right. Mga showy ang tipo mo eh. Halata naman sa pagkamanyak mo.

Pagkalipas ng isang oras, nakarating na rin kami sa opisina nila Napoleon. Huminto siya sa mismong entrance ng building. Akala ko naman sa parking area siya didiretso.

"Good morning sir Napoleon." Hindi sumagot si Napoleon. Tumango lang siya sa sumalubong sa kanya.

Dire-diretso kaming naglakad papasok sa building. Halos lahat ng empleyadong nakakasalubong namin binabati siya. Mukhang mataas ang posisyon niya dito sa kompanya nila.

"Napoleon, anong posisyon mo dito sa kompanya ninyo?" Pabulong lang yung tanong ko dahil nakakahiya naman kung sisigawan ko si Napoleon.

"Ako ang presidente ng kompanya."

What?! Siya ang presidente ng kompanya nila? Grabe! Bigtime tong si Napoleon.

Pero kapag nandito talaga sa building na to, kailangan sinasapian? Back to being masungit na naman siya eh. Bipolar pala tong si Napoleon. Nakakatakot.

Nakasakay na kami sa elevator pero hindi pa rin sumasara yung pinto.

May hinihintay pa ba kami?

Mula sa entrance, natanaw ko si Blake. Mukhang maganda ang gising niya base sa lawak ng ngiti sa mukha niya.

Papunta rin siya dito sa elevator kaya malamang siya yung hinihintay namin.

"Good morning bro." Masiglang bati ni Blake kay Napoleon. "Good morning Catarina."

Ngumiti ako sa kanya. "Good morning Blake. Maganda ang gising?"

"Naman. Sobrang ganda." Pumasok na siya sa elevator at nagulat ako ng makita kung sino ang kasunod niyang pumasok.

"SHANELLE?! Bakit kasama ka ni Blake?" Tinignan ko ang suot niya. "At bakit ganyan ang suot mo?"

Nakaoffice attire kasi si Shanelle kaya nagtataka ako. Nagtatrabaho na ba siya dito sa kompanya nila Napoleon?

"Magandang umaga sayo best. Tsaka ko na lang ipapaliwanag. Wala ako sa mood eh."

Hindi ko na pinilit si Shanelle. Alam kong kapag galit si Shanelle, hindi talaga siya magsasalita.

Tahimik lang kaming apat habang umaakyat ang elevator. Mukhang sa top floor ang opisina nilang dalawa.

Pagdating namin sa 23rd floor, bumaba na kaming lahat. Isang malawak na lounge ang sumalubong sa amin. May tatlong office desk na nakapwesto sa tabi ng mga pinto. Malamang mesa ito ng mga secretary nila.

Saved by the GangsterWhere stories live. Discover now