Chapter 20: Good Morning

13.1K 243 3
                                    

Aaliyah Catarina Franco

Four days before the wedding

Maaga akong nagising kaya napagdesisyunan kong ipagluto ng almusal si Napoleon.

Noong chineck ko yung temperatura niya, mukha namang magaling na siya. Parang wala na siyang lagnat.

Apat na araw na lang at kasal na naming dalawa. Hindi ko maiwasang kabahan pero sana maging maayos ang lahat patungkol sa kasal namin. Baka kasi pumalpak kami kung kailan araw na ng kasal.

"Ang aga mo atang nagising mahal ko." Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Napoleon na topless at nakapajama lang. Agad akong napatalikod. Naiilang kasi ako.

Kahit naman kasi ikakasal na kaming dalawa, hindi pa rin ako sanay na nakatopless si Napoleon sa harap ko. Dyusmeeeh! Ang abs kasi kumakaway sa akin.

Nagsasabi sa aking, "hawakan mo ko Aaliyah. Hawakan mo ko. Touch me baby."

Ang hirap iresist ng abs niya.

Naramdaman kong may mga bisig na yumakap sa bewang ko. "Mahal ko, paano kapag kailangan mong iwan ang taong mahal mo dahil may kailangan siyang gawin?" Naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sa akin. "H-halimbawa, ako yung iiwan sayo mahal ko. Kung sakali bang bumalik ako, mapapatawad mo pa ba ako?"

Ang weird naman ng tanong niya. Ang aga-aga pero ganyan siya magtanong.

"Bakit naman ganyan ka magtanong?" Hininto ko ang ginagawa ko. Binitawan ko ang kutsilyo saka humarap sa kanya. "Nako ka Napoleon ah! Kung may plano kang iwan ako, sa umpisa pa lang, tigilan na natin to. Magiging isang kalokohan lang ang lahat ng ito."

"Grabe ka mahal ko. Hypothetical question lang naman. Sino ang may sabing iiwan ko ang maganda at sexy kong fiancé na soon to be asawa ko na?" Hinawakan niya ang baba ko saka dinampian ng halik ang labi ko. "Hinding-hindi mangyayari yun mahal ko. Hinding-hindi kita sasaktan."

Napangiti ako sa kanya. Ang sweet pala ni Napoleon. Kung magiging ganito siya, hindi magtatagal, mamahalin ko din siya. Hindi malabong mangyari yun.

"Dapat lang. Pero adik ka talaga sa halik no Napoleon? Kailangan laging halik ng halik?" Mukha kasing habit niya yun.

Ihahanda ko lang naman ang baga at nguso ko kung sakaling habit niya nga yun. Haha! Iipunan ko ng tone-toneladang hangin ang baga ko at ipapractice ko ang nguso ko sa halikan.

Why do I sound like a horny fiancé here? Ang sagwa. Jeez.

"Ganun talaga. Para maramdaman mong mahal kita." Nakangiting tugon niya. "Nga pala, papasok ako sa office ngayon mahal ko. May mga trabaho kasi akong hindi ko na nagawa dahil tatlong araw na akong hindi pumapasok."

Eh may sakit pa siya ah? Kaya niya na ba talagang pumasok? "Eh mahal ko, kaya mo ba? Noong pinakiramdaman ko kasi yung noo mo kanina medyo mainit ka pa."

Hindi siya sumasagot sa tanong ko. Mukha lang siyang tangang nakangisi habang nakatitig sa akin.

Sinasapian na ba ng masamang espiritu tong si Napoleon o nagdedeliryo lang? Mukhang may tama na tong fiancé ko eh.

"Hoy Napoleon! Mukha kang tanga diyan. Bakit ka nakatulala?"

"Ano nga ulit yung sinasabi mo?"

"Sabi ko kako mahal ko, kung kaya mo bang pumasok. Noong pinakiramdaman ko kasi yung noo mo kanina medyo mainit ka pa."

Pero imbes na sumagot, mas lumawak ang ngiti sa labi niya at mas nagningning ang mga mata niya.

Ano bang problema ng lalakeng to?

Saved by the GangsterDove le storie prendono vita. Scoprilo ora