Chapter 13: Ang Trip ng ExO

17.8K 331 4
                                    

Aaliyah Catarina Franco

I hurriedly ran towards my room upon hearing the clicks of the door knob. Alam kong lalabas siya kaya minabuti kong bumalik na ng kwarto.

"Hindi ka iiyak Aaliyah. Wala ka pa naman sa buhay niya noong mga panahong yun. Hindi ka iiyak Aaliyah. No." I whispered to myself.

Naramdaman ko yung sakit pero wala naman akong magagawa di ba? Nauna silang magkakilala kaya wala akong karapatan right? I don't have any right.

Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto ko. "Aaliyah. Can we talk please?"

Hindi ako sumagot. I am not crying but I feel so empty inside. Alam kong may kulang. May nawala sa pagkatao ko.

Nakita kong gumalaw-galaw ang door knob ng kwarto ko. Malamang sinubukan niyang buksan ang pinto ko para malaman kung nandito nga ako.

"Son, nandiyan na si father sa baba. Nasaan si Aaliyah? Kailangan kayong dalawa ang umasikaso sa mga bisita niyo." Sigurado akong boses ni mommy Athena yung narinig ko.

"Nasa baba ata mommy. Tara na po?" Aya ni Napoleon sa mommy niya.

Nakarinig ako ng mga yabag palayo kaya nakahinga ako ng maluwag.

Lumapit ako sa dresser ko at inayos ang sarili ko. Inayos ko din ang summer dress na suot-suot ko pati na rin ang buhok ko. Huminga ako ng malalim bago ako lumabas ng kwarto.

Kailangan ko munang harapin ang mga tao at ngumiti sa harap nila na parang walang nangyari.

Pagkababa ko, nasa labas na pala lahat ng bisita. Ako na lang pala ang hinihintay nilang lahat.

"Nandito na si Aaliyah. Pwede na tayong magsimula father." Sigaw ni Ate Amber.

Inabutan ako ni Napoleon ng isang kandila na may blue na ribbon. Agad kong tinanggap yun at magkatabi kaming tumayo sa likod ni father.

Nagsimula na ang seremonya. Nagbanggit ng isang dasal si father bago kami pumasok sa loob ng bahay para mabendisyunan ni father ang loob. Lahat ng silid sa bahay ay pinasukan namin kabilang na yung mga kanya-kanya naming kwarto ni Napoleon.

Huling napuntahan namin ang garden. Doon na natapos ang seremonya at agad na nagsimula ang pagpapakain sa mga bisita.

Sa mesa namin, kasama ko ang buong pamilya ni Napoleon. Wala si daddy dahil may meeting daw siya.

Tumayo si Napoleon kaya napalingon ako sa kanya.

"Maraming salamat sa pagdalo ninyong lahat. Hindi mabubuo ang araw na ito kung wala kayong lahat kaya maraming salamat." Iniangat ni Napoleon ang wine glass niya. Iniangat din ng iba ang wine glass nila tapos uminom.

Naramdaman ko ang mahinang pagsiko ni Ate Amber na nakaupo sa tabi ko. Napalingon ako sa kanya saka siya tinignan na punong-puno ng pagtataka.

"Tumayo ka rin at magpasalamat sa mga bisita niyo." Mahinang bulong ni Ate Amber.

Napatayo ako katabi ni Napoleon. "Marami rin pong salamat sa mga kaibigan kong dumalo para sa espesyal na araw na to." Nilingon ko si Shanelle na katabi ni Blake. Binigyan niya ako ng pilit na ngiti.

"And I am proud to announce that this lovely lady beside me ..." He looked at me. "Has consented me to be her husband. Aaliyah and I are engaged." Anunsyo niya sa mga bisita namin.

Nagpalakpakan lahat ng bisita naming dalawa. Lahat sila masaya para sa inanunsyo ni Napoleon. Napalingon ako sa kinaroroonan nila Ysa. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya habang pumapalakpak siya.

Ganyan naman ata ang magiging reaksyon ng lahat lalo na at wala namang nakakaalam na ipinagkasundo lang naman kaming dalawa.

Matapos ang anunsyong yun, isa-isa naming nilapitan ang bawat mesa. Kinausap namin lahat ng bisita. Wala naman akong ibang narinig maliban sa "ang ganda ng bahay niyo", "congratulations" at "good job". Paulit-ulit ko na nga lang ding nasabi ang "thank you".

Saved by the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon