Chapter Four

5.6K 247 9
                                    

JV's POV

Hindi lang simpleng sagutan at sampalan ang nangyari sa first day ko sa bago kong school.

Dahil sa tingin ko'y sumusobra na ang ilan sa kanila, lalo na iyong dalawang babae, gumanti na ako.

Hinayaan ko silang sa una ay pagtripan at saktan ako. Pero nang mapagtanto kong may mali, idagdag mo pa na asar na ako sa kanilang lahat, hindi ko na napigilan ang sarili ko na iniuntog ang lalaking nasa likod ko sa kanyang lamesa. Agad namang nagdugo ang ilong niyang tumama.

Sumunod ang nasa magkabilang gilid ko kaya ang ginawa ko naman sa kanila ay pinagbuhol ko ang necktie nila tyaka ko pinag-untog.

Iyong dalawang babae naman ay hinila ang buhok ko at senyales ko iyon para gamitin ang kamay ko para sapakin ang mukha nilang dalawa. Sumusobra na sila e. First day na first day ko pa naman.

Kaya naman paguwi ko sa bahay ay sermon agad ni Kuya Ire ang sumalubong sa akin. Hindi lang simpleng sermon, naging kawawa din ang tainga ko sa kanya dahil sa walang tigil na pitik nito.

Dahil nga ang sakit sakit na ng tainga ko at tinawag ko si Tita na nagluluto pala sa kusina.

"Bakit? Anong nangyayari?" Tanong nito. Muntik na akong matawa kung wala lang ako sa sitwasyong ganito. Lumabas kasi si Tita Itana sa kitchen na dala-dala pa ang kaldero.

"Pinapagalitan ko lang 'to Ma. Sige na po, magluto na po kayo doon sa kusina," nagtatakang tumango nalang sa amin si Tita. Napasimangot naman ako dahil muling pinitik ni Kuya Ire ang tainga ko. Kuryentihin ko kaya 'to? Wag na, kawawa naman. Baka mangisay bigla. Pffttt.

Pagdating ko sa kwarto ko, humilata agad ako. Nakakapagod ang araw na to. First day pa lamang nabully na agad ako ano ba yan. Tapos nasermonan pa ako ni Kuya.

May kumatok sa pinto.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay si Kuya lang pala. Anong kailangan nito?

"Oh, Kuya bakit?" Tanong ko kay Kuya Ire. Di pa ba tapos manermon to?

"Magpalit ka ng mas desenteng damit. May pupuntahan tayo nila Mama" saan naman?

"Okay" yun nalang ang naisagot ko. Baka kakain lang siguro kami. Sosyal talaga kapag mayaman e. Pero teka, diba nagluto si Tita? Bakit pa kami pupunta sa restaurant?

"Bilisan mo!" Sigaw niya sakin. Tss makasigaw e

"Oo na po!"  sabay sarado ko ng pinto.

•••

Sa Resto kami nagpunta at ang suot ko ay,

Skinny jeans, black round neck t-shirt, nike na sapatos.

Pagkakita ni Kuya na ganyan ang suot ko ay binatukan agad niya ako. Ano bang mali sa suot ko ah?! Desente naman to ha!

"Huwag mo na ngang ganyanin yang pinsan mo. Hayaan mo na. Atleast di nagtsinelas" gatong naman ni Tita. Yieee kakampi ko talaga siya

"Tss" para siyang ahas.

Umupo nalang kami dun sa dulong table na naka reserve na pala samin. Mukhang may kameet na naman sila Tita na kasosyo nila sa trabaho.

"Tita may kameet po ba kayo?" Tanong ko kay Tita

"Ah oo. Yung business partner namin ng Tito mo sa Japan." Sagot naman niya. Hmmm gutom na ako...

"eh Tita san na yung pagkain? Hehe" gutom na ako eh. Akmang aambahan na naman ako ni Kuya Ire ng batok nang inunahan siya ni Tita. Tawang tawa naman ako dahil yung mukha ni Kuya dismayado putek na yan. Dismayadong di ako ang nabatukan.

"Ma! Ba't mo naman ako binatukan?!" Inis na sabi ni Kuya kay Tita. Maka angal kala mo 'di lalaki.

"Paanong di kita babatukan eh babatukan mo na naman yang pinsan mo? Naku Ire baka mabagok na yang pinsan mo!" Sabi ni Tita sa kanya. Hahaha nakakatuwa talaga si Kuya Ire. Habang nagsasalita kasi si Tita may paamba-amba pa siya ng batok kay Kuya. Si kuya naman iiwas-iwas lol.

"Mabagok? Eh di nga nababagok yan kapag nakikipagbugbugan tss" sabat naman ni Kuya. Ayan...natahimik tuloy ako. Bakit ba? Sila naman ang gumagalit at lumalapit sa akin eh! Hinahabol ako ni disaster. Isn't she love me🎶 lol

"Sila naman naghahabol sakin" sabat ko naman. Makapagsabi ng naghahabol ah!

"Ano ka, chix?" Sabi ni Kuya na nakataas ang kilay. Parang bakla.

"Ano ka, unggoy?" Kontra ko naman

"Di ako unggoy, gwapo ako" sabi niya sabay pogi sign

"San banda? Sa paa?" Kontra ko ulit. Tahimik lang si Tita Itana sa tabi ni Kuya pero medyo natatawa na.

"Hindi sa mukha" sabat naman niya. Di talaga to papatalo eh no. Teka nga.

"Ah! Di halata"

"Kahit di halata basta nakikita. Eh sayo, di halatang babae ka" abat! Excuse me?

"Di porket nambubugbog na di na babae. Sadyang bakla ka lang Kuya"

"What? Ako bakla? Ma oh! Bakla daw ako" sumbong niya kay Tita. Talo eh no

"Kapag di ka pa tumigil diyan talagang aaminin mo na na bakla ka"

Tinawanan ko naman siya bago ako nagsalita.

"Bakla pala talaga si Kuya eh" gatong pa JV!

"Aba't--"

"Oh sasagot ka na naman diyan sa pinsan mo ah! Ipapakasal na kita sa bakla sige ka" ang cute ni Tita parang teenager lang din kapag pinapagalitan si Kuya Ire. Dahil sa sinabi ni Tita tumahimik tuloy si Kuya. Takot atang maikasal sa bakla pfftt.

Wait, is that

"Morana?" Sambit ko sa sarili ko. Anong ginagawa niya dito?

"Sino JV?" Biglang tanong ni Kuya. Narinig pa niya yun? Lakas ng pandinig ah?

"Wala Kuya. Nakita ko lang yung classmate ko" Sus, classmate ko yung baitang yon? Pftt, baka matawa lang yon kapag sinabi kong gano'n.

---

Ang Basagulera ng Last SectionWhere stories live. Discover now