Chapter Forty

3.1K 130 5
                                    

Noon sabi ko sa sarili ko, 'Anong pakialam ko sa love love na yan?'

Noon ang gusto ko lang ay makatapos ng misyon na ibinibigay sa akin. Yung gusto ko lang na makipagbasag-ulo gaya ng sabi ni Kuya Ire sa akin. Yung gusto ko lang kumain ng ramen maghapon. Yung walang inaalala. Yung walang iniisip na kung ano-ano.

Pero ngayon, tinatawanan ko na ang sarili ko. Minsan, ang iba sa mga sinabi natin ay hindi rin natin nagagawa dahil sa 'pagbabago'. Hindi lang sa paniniwala natin kundi pati sa kung ano ang nangyari sa buhay natin. Kahit sabihin mong hindi mo gagawin yan kahit kailan, hindi ka nakakasigurado.

Maaaring magawa mo yan sa panahong gipit kana o pwede rin sa panahon na puso mo na ang sumikat sa'yo.

"Now, will you allow me to court you?" Sa bawat halos ng alon ay mga braso niya ang promuprotekta sa akin.

"Paano kung sabihin kong hindi pwede?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Then I will still court you"

"Wow ha? Nagtanong ka pa sa akin kung pwede mo akong ligawan samantalang desidido ka na pala" sabi ko tyaka ako tumawa.

"Yes" pagpapatuloy ko na siyang nagpagulo sa kanya.

"Huh?"

"Wait...what? Talaga?" Paninigurado niya kaya natawa ako

"Edi kung ayaw mo--"

"Yes! Finally!" Sigaw niya at binuhat ako. Aba!

"Ibaba mo nga ako"

"Thank you" sambit niya

"Thank you for letting me court you" sabay ngiti niya at sumabay pa na nailawan ang ilong niya ng init ng araw. Tumingkayad ako at hinalikan ang ilong niya na siyang paborito kong gawin sa kanya.

"Thank you din dahil ako ng napili mo"

--

Bumalik na kami sa bahay at heto siya ngayon, nagpapaalam kina Kuya at Papa.

"Seryoso ba talaga sa kapatid namin Jon?" Tanong ni Kuya Lemuel sa kanya

"Bawal umiyak si Jace simula ngayon" sambit naman ni Kuya Jemuel

"Welcome to our family, Jon" si Papa naman ang nagsalita kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Pa!" Sigaw nung kambal kong Kuya

"Haha don't worry mga anak. Kapag pinaiyak niya ang kapatid niyo, papa-ambush ko nalang siya sa First Division" napatampal nalang ako sa noo ko at sila Kuya naman ay sobrang proud sa sinabi ni Papa. Bakit ang weird ng pamilya ko?

"Hinding-hindi ko po siya papaiyakin."

"Weh?" Pangontra ko sa sinabi niya

"Papaiyakin lang siguro kita sa saya" bulong niya. Natulala lang ako pero siya natawa. Gago!

"Ano bang nasa isip mo?"

"Tungnumo" bulong ko nalang sa kanya dahil baka pagalitan pa ako nila Kuya kapag nagmura ako. Nandito pa naman si Papa.

"Sige po Tito, alis na po ako" paalam niya kila Papa. Ngumiti at tumango nalang si Papa at itinuloy na ang paglalaro sa cellphone niya. Anong nilalaro niya? Candy crush!

"Sige." Sabi nalang ni Kuya Jemuel sa kanya

"Join us tomorrow if you want" sabi naman ni Kuya Lemuel sa kanya. Seryoso ba si Kuya?

"Alam kong nasa States pa sila Tita kaya dito ka nalang magchristmas" ngumiti si Kuya sa kanya. Natutuwa ako kapag hindi nagsusungit si Kuya.

"Kuya! Pwede ko rin bang imbitahan sila Shau?" Sabi ko naman

Ang Basagulera ng Last Sectionजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें