Chapter Thirty Seven

2.7K 161 5
                                    

Jemuel Clifford's POV

Sa bawat pagpatak ng oras. Sa bawat minutong lumilipas. Sa bawat paglaglag ng rosas sa kanyang tabi ay siyang paglaglag ng aming mga luha.

Hindi ito ang tagpong nais kong makita. Hindi ko inisip ang bagay na ito.

"A-anak" hindi ko na mabilang pa kung ilang beses na kaming umiyak sa mga nagdaang araw. Araw-araw kaming nagdarasal ni Kuya sa chapel nitong ospital.

"Veniz" sa mga araw na nandito si Jon, masasabi kong mahal nga talaga niya ang kapatid namin. Kahit nandito kami ay hindi siya nahiyang alagaan ang kapatid ko. Ipinakita niya kay Papa na totoo siya kay Jace.

"J-ja-ce" alam kong hanggang ngayon ay galit parin si Kuya sa sarili niya. Galit siya dahil hindi siya naniwala. Hindi lang naman siya e, pati ako. At sobra din akong nagsisisi dahil hindi ko siya pinaniwalaan at pinakinggan. Siya na mismo ang lumalapit sa amin. Siya na mismo ang nagbibigay sa amin ng kasagutan sa tanong namin pero hindi parin kami naniwala sa kanya.

Mula sa reaksyon niya noong hawak niya ang kwintas namin ni Kuya Lemuel hanggang sa pagbanggit niya sa pangalan ng kanyang mga magulang, pangalan ng mga magulang namin.

"I'm so sorry sister. I didn't believe you" lumapit ako sa kanya dahil ako ang naunang naka-recover

Lumuhod ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"Forgive your Kuya, Jace. I'm really sorry. I'm so stupid that I didn't believe you kahit na nagbibigay ka na ng clue sa amin" pumunta sa kanan niya si Kuya Lem at lumuhod din

"Ako ang patawarin mo Jace. Because I didn't believe you so my twin didn't believe also. I'm so stupid! Forgive you Kuya little sister. I promise, babawi kami sa'yo. Babawi sina Kuya sa'yo. Kahit hindi mo na ulit ako tawaging Kuya. Kahit si Jemuel nalang ang tawagin mong Kuya. Please little sister, wake up" umiiyak kaming dalawa na nakahawak sa magkabilang kamay niya.

Bumaba kaming dalawa kanina dahil bumili kami ng rosas na lagi naming inilalagay sa tabi ng kama niya. Iyon pala ay sinamahan din ni Jon si Papa na magpa-check kung pwede na siyang ma-discharge. Pagdating namin kanina ay sinabi na nila sa amin na tumigil ang pagtibok ng puso niya.

Hindi ko tanggap ang sinabi ng doctor kanina. Gigising si Jace. Gigising siya. Hindi niya kami iiwan.

"Anak gumising ka diyan! Hindi ito magandang biro anak, sige na, gumising ka na diyan. Parang awa mo na" niyakap ni Papa si Jace. Tulala lang sa tabi si Jon. Tinignan ko si Kuya at nakita rin niya ang reaksyon ni Jon.

"Anak, nandito si Jon oh. Lagi ka niyang binabantayan. Tanggap ko na siya bilang magiging son-in-law ko kaya gumising ka na diyan. Halika dito Jon. Gisingin mo si Jace, parang awa mo na. Alam kong mahal ka ng anak ko." Lumayo si Papa kaya inalalayan siya ni Kuya Lem. Nandoon parin ako sa pwesto ko na nakahawak sa kamay niya.

"Veniz...gumising ka please. Marami kaming naghihintay na gumising ka. Bukas makakalabas na sa ospital sina Shau. Kinakamusta ka nila kung nagising na raw ba? Please, wake up amor meu. I love you so much so wake up"

Habang umiiyak kaming lahat ay biglang may nagsalita. Para kaming nakakita ng bangkay na muling nabuhay. Napalayo kami ni Jon sa kama ni Jace.

"Poya naman. Hindi pa ako patay. Kung makapagbigay kayo ng speech para namang last night ko na tss" bored na sambit nito at naupo sa kama. Laglag ang panga namin na nakatitig sa kanya. I thought...

"Lumapit nga kayo rito Papa" tawag niya kay Papa at agad namang sumunod si Papa at tumabi sa kaya

"Payag ka talaga na magiging son-in-law mo yan?" She pointed Jon innocently. The wag she pointed him is like a kid who's just telling something to her father.

Ang Basagulera ng Last SectionWhere stories live. Discover now