Chapter Fifteen

4K 198 17
                                    

Hindi ko talaga maiwasang tanungin iyon sa sarili ko. Sino ba talaga kayo? Anong kinalaman mo sa kanya Shau? Bakit ba gustong gusto nila akong paalisin dito? Hindi pa ba sila naniniwala na hindi ko kilala ng LJ at JC na yun?

"Ate Jace!"

"Hik! Ba't ka ba nanggugulat Rhynee?!" Sigaw ko sa kanya.

"Kanina ka pa nakatulala diyan sa harap ng locker mo. Wala ka bang balak na magpalit? May tatlo pa tayong subject."

"Ah Oo nga pala. Teka hintayin mo nalang ako dito"

"Correction, NIYO" ah may kasama pala si Rhynee. Hindi ko napansin si Jiyo ha.

"Oo na. Mabilis lang ako." Tapos tumakbo na ako papunta sa CR. Ba't naman kasi ako natulala hayyy.

Pagkatapos kong magbihis, dali-dali naman kaming pumunta sa classroom. Nandito na pala si Ma'am.

"Good morning Ma'am. Sorry we're late" paumanhin ko.

"Go to your sits" English class pala ngayon. Manonose bleed na naman ata ako. Sa likod ko nakaupo si Jiyo at sa harap ko naman si Rhynee. Yung style ng upuan namin mala Japan lang eh. Sosyal. Sa kanan ko si Shau na ngayon ay may band aid sa kanang pisngi. Natamaan siguro kanina hehe. Katabi niya si ZiaNGIT. Sa kaliwa ko si ano, sino nga ba to? Basta kaklase ko. Oo kaklase ko. Lol.

"Today, I want you to get a one fourth sheet of paper and spell what I am going to tell. Understand?"

"Yes Ma'am" Naglabas naman ako ng one fourth pati narin ng ballpen.

"At Jace penge ng papel" bulong ni Rhynee kaya binigyan ko naman siya agad ng papel. May kumakalabit sa braso ko kaya naman tumingin ako sa likuran ko, si Jiyo.

"Papel, penge" parang bata na sabi nito. Aba daig pa si Rhynee. Dahil naawa naman ako eh binigyan ko siya. Tumingin naman ako sa harap para makinig na. Sayang naman kapag wala akong puntos dito sa English Class ko. Recorded pa naman.

"Bakit hindi pa kayo naglalabas ng papel?" Tanong ni Ma'am. Tinignan ko naman ang nga kaklase ko at wala ng silang papel. Ballpen lang meron. Ano bang klaseng estudyante tong mga to?

"Wala po kaming papel ma'am" sagot ng isa kong kaklase sa likod. Tinignan naman ako ni Ma'am dahil ako lang ang may papel. Mauubos ata one fourth ko ngayon ha? Wala akong pagpipilian kundi ang i-alok ang papel ko. Kumuha nalang ako ng tatlo para may extra ako. Agad naman silang nag-agawan sa papel kaya sinita sila ni Ma'am.

"Let's start!" Nagikot-ikot si Ma'am sa klase

"Number one, Bologna (pronounced as balony)" na encounter ko nayang word na yan sa America noon kaya alam ko na ang spelling.

"Number Two, Colonel (kernel)" Ang astig ng accent ni Ma'am ha. Para siyang hindi Pilipino.

"Three, Jeopardy (Jeperdy)" sambit nito sabay pitik sa tenga ng isa kong kaklase na nangongopya.

"Four, Asthma (azma)" alam naman na siguro nila yan

"Five, Salmon (samin)" ang sosyal talaga ng accent ni Ma'am. Kainggit. Nakakanose bleed ngalang hayy

" Six, Pneumonia (namonia)"

"Seven, Champagne (shampain)"

"Eight, Genre (Janra)"

"Nine, Queue (Cue)" ano na nga ulit spelling nito? Hala!

"And lastly, Mortgage (mogage)" teka ma'am! Di ko pa tapos yung 9! Sayang yung ten points!

Ang Basagulera ng Last SectionWhere stories live. Discover now