Chapter Seventeen

3.9K 192 10
                                    


"Who are you?" sino nga ba ako? Matagal ko narin yang tinatanong sa sarili ko mula pa noong nawala si papa dahil parang nawala narin ang sarili ko. My father is myself. He knows me well and he trust me in my decisions.

"Unang tanong mo palang ay mahirap na para sakin haha" pagbibiro ko pero sinagot ko parin siya sa tanong niya sakin.

"Sino ako? Siguro para sa ibang tao kilala nila kung sino talaga sila. Confident silang sabihin kung sino sila pero ako, natatakot ako. Natatakot ako sa posibilidad na hindi ko kilala ang sarili ko. Natatakot ako na aminin na hindi talaga ako matapang. Sino ako? Isa lang akong ordinaryong babae pero marunong lumaban ng patas. Ayokong maging mahina sa harap ng ibang tao pero tuwing mag-isa nalang ako, dun ako nagiging mahina. Hay wag na nating pag-usapan kung sino talaga ako baka madamay kita haha" tinignan lang niya ako. I can't read what's on her eyes.

"You know what, hindi masama ang maging mahina."

"Yeah haha so, ako naman magtatanong...who really are you?" tatlong minuto ko siguro na hinintay ang sagot niya sakin bago siya nagsimula na magsalita.

"Back then, I prefer to work alone then I met them. They made me realized that no matter how I strong, I still need someone by my side. They know me as a fearless one. They know me like a bitch. But little did they know that I'm a fragile one inside. I can't stand alone. I'm weak JV." Takte nahiya yung tagalog ko kanina. Sana pala nagKorean nalang ako hay.

"You're not Shau. You are just afraid to show who really you are. I understand you. We're in the same boat yah know" akala niya siya lang marunong mag-english ha

"Second question, are you involve in a gang? Because your action shows it all. No offence girl ha"

"Yeah haha no worries. Hmm...about your question, yes pero noon lang. Hindi na ngayon." Nagulat siya sa sagot ko

"What gang?" curious na tanong nito

"breeve" mas lalo siyang nagulat

"You mean...the group of Rionne?" she knows him? How?

"How did you know him?"

"Yes. Totally know him. He's my brother" shenme?! Jinjja?!

"H-how?" ako naman ngayon ang nagulat.

"He's my bother but I hate him. Bakit ka pala nasali sa grupo niya?"

"He knows that I can fight well. Noong umayaw na ako sa grupo dahil nalaman ko ang ginagawa nila ay kinidnap niya ako sa China. Nawala ako noon ng apat na buwan pero walang nakapansin. Pero ang hindi ko malilimutan na ginawa niya sakin ay noong muntik na niya akong nagahasa" nangitngit uli ako sa galit. Hayop siya. Tama lang sa kanya ang nagawa ko noon kahit na parang hindi ko kilala ang sarili ko noon.

"What?! That fucking jerk just-- oh shit that dumbass man!" gigil na sigaw nito

"OA teh? Okay na ako ano ba haha tyaka kung makamura ka naman sa kapatid mo"

"I hate him and I don't care at all. Ba't di mo pa pinatay tsk" seryoso ba siya? Patay agad?

"Huwag muna, may balak pa ako sa kanya."

"I'll support you then" sabi nito kaya naman napatingin ako sa kanya

"Balak mo ba akong tulungan sa kanya dahil gusto mong mahuli niya uli ako para mawala na ako sa landas niyo sa room? O isinubo ka ni Jon na makipag-usap sakin tapos—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla siyang sumingit

"Gaga! Kahit bitch ako hindi ako ganyan. Yes, we hate you at gusto ka na naming umalis sa room pero para sakin, nag-iba na ang pananaw ko."

"eh?" zammina mina eh eh

"You know what JV"

"Hindi ko pa alam dahil di mo pa sinasabi" kontra ko naman kaya napatawa siya

"That's why I like you haha" niyakap ko naman ang sarili ko

"Pre di tayo talo" sabi ko kaya naman hinampas niya ako sa braso

"I mean I like you as a friend and yes, I want to be your friend JV. Noong nakita ko na close kayo ni Rhynee, parang nainggit ako. Hindi masyadong malapit sa tao si Rhynee. Tahimik lang siya sa tabi pero mula noong dumating ka, nag-iba na siya. Naging madaldal narin haha at dumagdag pa sa inyo si Jiyo na loyal kay Jon. And about that jerk, siya ang nagrerestrict sa akin para makipagkaibigan sayo. He's insisting that you're up to something." About that girl, maybe yes, I'm up to something. Gusto kong malaman kung sino talaga kayo.

"Gusto mo akong maging kaibigan?" turo ko sa sarili ko

"Yes if you will allow me"

"Teka iisipin ko lang" tapos tumalikod ako sa kanya. Sabi naman niya na napipilitan lang siyang awayin ako dahil kay Jon diba? Tapos siya na ang nagsabi na gusto niya akong maging kaibigan diba? Hindi naman siguro niya ako ipapahamak diba? Kahit kapatid niya si Rionne at sabi naman niya hate niya si Rionne.

"hehe sige na nga" napangita naman siya sa sagot ko.

"Pero ang payo ko lang sa'yo ay pagtyagaan mo ako ha? Haha kasi minsan iba-iba ang takbo ng isip ko. Minsan badtrip, minsan naman laging gutom, at laging nasa away haha"

"It's fine. Pareha kayo ni Zia na laging gutom"

"Si ZiaNGIT?"

"What? ZiaNGIT? Hahaha oh darling haha magkakasundo nga kayo" HUH??

"She loves giving names to people" sabay tawa na naman nito

"Paano pala kapag...kapag nalaman ni Jon na kinakaibigan mo ako? Paano nalang kung bugbugin ka niya dahil sakin?"

"Seryoso ka ba? He won't do that. May tiwala siya sakin kahit na ayaw niya kaming mapalapit sayo." May tiwala. Big word.

"okay, sabi mo eh" narinig kong may nag-uusap na sa baba kaya naman alam ko na dumating na sila Kuya

"Tara muna sa baba, ipapaalam lang kita kina Tita. By the way, hindi ko bahay 'to haha" at hinila ko na siya papunta sa living room. Nasa hagdan pa lamang kami ay nakikita ko na sila Kuya na seryosong nag-uusap. Tungkol siguro sa business nila.

"Tita! Tito!" tawag ko sa pansin nila at hindi naman ako nagkamali kasi tumingin sila samin nang makababa na kami

"Oh JV may bisita ka pala" sabi ni Tito at tinignan si Shau

"Who's this beautiful girl JV?" wow beautiful sabagay maganda naman talaga si Shau

"Shau Garcia Ma'am" tapos nagbow ito ng bahagya

"Cut that 'Ma'am' thing hija total friend ka naman ni JV and this is the first time na nagkaroon siya ng kaibigan" sabi ni Tita kay Shau

"Tita hindi na po kailangang i-mention hehe" alam ko naman na ni kahit isa wala akong kaibigan noon

"Haha sorry JV nakakagulat lang kasi and I'm happy for you"

"Thank you Tita sige po akyat na kami" tinignan ko naman si Kuya Ire at masama ang tingin sakin

Pagdating naming sa tapat ng kwarto ko ay may kumalabit sakin sa likod. Si Kuya Ire pala kaya naman pinauna ko na sa loob si Shau. Ano kayang sasabihin ni Kuya? Naman ih gusto ko na matulog.

"Kaibigan mo ba talaga yan?" tanong ni Kuya habang nginunguso pa ang pinto ng kwarto ko

"Oo nga Kuya"

"oh eh ba't nandito?"

"Tinulungan ko lang siya kanina at basing-basa narin siya kaya ditto muna siya matutulog. Nakapagpaalam naman na siya eh."

"Tinulungan?" chismosong pinsan "oo sabi!" tapos tumakbo na ako papunta sa kwarto ko. 


UglyJollyMeee


Ang Basagulera ng Last SectionWhere stories live. Discover now