Chapter Twenty-One

3.5K 201 10
                                    

Nang nakapasok ako sa ice cream shop ay agad naman akong nag-order. Bahala silang kumuha ng mga gamit ko doon.

"hello ma'am"

"strawberry ice cream, large" gutom ako eh. Umupo nalang ako dun sa isa sa mga upuan sa gilig sa tabi ng bintana ng shop habang hinihintay ang order ko. Nakita ko naman yung apat na nakatingin sa mga cell phone nila.

Nagderetso lang sila sa counter at nag-order. Nang maka-order na sila ay agad naman silang umupo sa tabi ko. Busy parin sila sa pagtuktok sa mga cell phone nila. Ano bang pinagkakaabalahan nila? Hawak nung dalawa naming chaperon ang mga gamit namin. Mabuti naman at kinuha nla angb gait ko. Dumating na yung order ko at sinimulan ko nang lantakan. Busy parin sila kaya tinanong ko na

"ano ba ang pinagkakaabalahan niyo?" tanong ko at napatingin naman sila sakin. Sabay-sabay nilang ini-off yung mga cellphone nila.

"ano?" tanong ko ulit

"wala" sabay-sabay nilang sagot. Iba ang kutob ko sa mga to.

"Ano bang pinagkakaabalahan niyo jan sa mga cellphone niyo?"

"naglalaro ako" sagot ni Jiyo

"Nagtitingin ako ng dress sa Lazada" sagot naman sakin ni Zia

"May ka text ako" si Shau naman

"Tinitignan ko picture mo hehe" sabay-sabay naman kaming napatingin sa kanya

"Burahin mo yan" banta ko dito

"ayoko e-sesend ko pa to sa kanila" napansin kong pinanlakihan siya ng mata nila Shau. Sabi na e, ma balak tong mga to sakin.

"at bakit mo naman e-sesend sa kanila picture ko ha?"

"Para daw magsisi si Jon dun sa sinabi niya kanina" sani nito tapos ngumiti na parang bata.

"Rhynee!" sabay-sabay na sigaw nung talo sa kanya. Ah! Kaya pala. Ako naman ngayon ang napatingin sa kanila.

"Anong binabalak niyo ha?" pagkatanong ko pa lamang yun ay parang may dumaang hangin sa shop. Tinakbuhan nila ako pati si Rhynee. Napailing nalang ako at itinuloy ang pagkain ko ng icen cream. Mga buang.

Pag-uwi ko sa bahay, yung mga mukha nila parang nakakita ng multo. Tapos si Kuya naman may paturo-turo pa sakin habang nakatakip ang kamay niya sa bibig niya.

"Sino ka?!"

"Luh Kuya! Para kang timang. Tita oh"

"JV, ikaw ba yan?" seriously? Ah, alam ko na. Naalala ko na.

"Change mood lang po" iyon nalang ang sinabi ko at umakyat na sa kwarto ko

--

Saturday ngayon kaya walang pasok pero maaga parin akong nagising kasi magjo-jogging ako. Baka balikan ulit ako nila Rionne at ganun na naman ang mangyari sakin.

"Tita, jogging lang po ako"

"Mag-ingat ka ha"

"Opo" ang galang ko ano? Ganyan talaga para payagan.

Now listening: Seesaw by Suga

Nagsimula na akong magjogging at marami din akong nakasabayan. May iba pa na ngumiti sakin kaya nginitian ko din. Nagtaka ako nang biglang tumigil yung music.

"Ni hao, Thana" sila lang ang tumatawag sakin ng ganyan.

"kamusta ka na? balik ka na daw"

"Anong trip niyo at namiss niyo ata ako?" sabay ngisi ko at ipinagpatuloy na ang pagtakbo.

"haha text mo nalang kami kapag babalik kana. We miss you, Thana. Bye" balik na ba ako? Wag pa ngayon, may ipinapaasikaso pa sa akin.

Ang Basagulera ng Last SectionWhere stories live. Discover now