Chapter Thirty Four

2.5K 155 2
                                    

(A/N: Wag po kayo masyadong magmadali HAHA. Hindi lang po ako dito nagsusulat.)

Shau's POV

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasuntok si LJ. Nagulat sila sa ginawa ko.

"Wala kang karapatan para pagsalitaan ng ganun si Ven. Wala kang alam sa kanya para husgahan siya. Wala kang karapatan para sabihan siya ng pabigat" nanggigigil na sambit ko sa kanya. Pinigilan naman ako ni Jiyo pero masama parin ang tingin ko kay LJ

"Noon galit na galit kayo sa kanya pero bakit ngayon? Haha siguro may kailangan lang kayo sa kanya ano?" Nakawala ako sa pagkakahawak sakin ni Jiyo kaya nasuntok ko muli sa pagmumukha niya si LJ

"Hindi namin siya ginagamit kung yan ang iniisip mo. Sabi ko nga, wala kang alam!" I yelled at him

"Wala akong alam pero alam kong magiging pabigat lang siya tulad ng ginagawa niya kay Nathan! Akala niyo ba wala kaming alam na first section? Alam namin na dahil sa kanya ay puntirya kayo ni Rionne! Alam namin na dahil sa kaniya nagiging mahina na si Jon!" A kick suddenly appear to his face that makes him fall in the ground. Serves you right jerk!

"Before you speak those words to her, think twice. You don't fully know her"

"Tumatawag na sila!" Biglaang anunsyo ni Ron, isa sa first section.

"Tsk, let's go" sabi ni LJ at tumayo na.

--

"Welcome to my territory, little kids" bungad sa amin nung medyo katandaan na lalaki. Little kids? Duh! We're not kids anymore old hag!

"You are fifteen minutes late huh. But, it's okay. So let's start?" Tanong nito at tumayo sa upuan niya. Nasa taas siya ngayon at nakatingin sa amin.

"For this fight, once you lose, you will have me your lives. You'll be my minions." At ngumisi pa ito sa amin. Sumenyas siya at lumabas ang singkwentang tao mula sa apat na pinto. Putek, bakit ang dami?

"Kakayanin ba natin ang mga to?" Tanong ni Zia na nasa tabi ko

"Laban kung laban" sagot ko naman

"Please go in the middle" sabi nung katabi niya. He sat again with smirk on his face.

Bente lang kami bawas ng isa. Paano yan?

"Don't let your partner die here" paalala ni LJ sa amin. Magkatalikuran kami ni Zia at dahil kami lang ang babae dito ay nasa gitna kami. Kami ang huling alas. Pinalibutan nila kami.

"Start!" Sigaw nung katabi ni Tanda at nagsimula nang umatake ang mga minions nila.

Puro kalansing ng mga bakal ang maririnig dahil sa pag-iwas. Madumi nga sila. Halata rin na nakagamit sila ng droga.

Nagkanya-kanya na kami ng laban. Hindi kami pwedeng mamatay dito. Sana man lang ay May tumulong sa amin na organisasyon. Sana makarating ito sa fourth division, ang humahandle ng underground fights.

"Shau! Sa likod!" Sigaw sa akin ni Zia at sakto naman na dumapa ako. Tatama na sana sa akin yung chain na hawak nitong matabang lalaki.

Tuloy lang ang laban dito sa kwartong ito. Hindi tumitigil ang pagpatak ng dugo sa bawat sulok ng ring. May tama narin kami ni Zia pati narin sila Rhynee at Jiyo. Galos sa mukha ang mayroon kina LJ, JC, at Jon.

"Zia!" Sigaw ko nang may tumamang bala ng baril sa tagiliran niya. Tumingin ako sa taas at nakita ko doon ang nakangising kasama ni Tanda. Buset ka.

"Okay lang ako Shau" sabi nito pero kita ko ang sakit na namuno sa ekspresyon niya.

"Aahhh!" Gigil na sigaw ko at pinagsusuntok at sipa sila. Pinuntirya ko ang leeg nila. Wala na akong pakialam kung may mapatay man ako.

Ang Basagulera ng Last SectionWhere stories live. Discover now