Chapter Twenty-Two

3.5K 193 16
                                    

Ire's Point Of View

Tatlong araw na siyang walang malay at sobra nang nag-aalala sila Mama kay JV. Nandito rin ang mga kaibigan niya at si Jon. Oo, kilala ko siya kasi kasama niya sa Second Division si JV. Alam ko ang grupong kinabibilangan ni JV at hindi ako tutol doon.

"Malakas ang naging impact nun sa ulo niya kaya hindi pa siya nagigising. Pero siguro, mamaya lang ay magigising na siya." At umalis na yung doctor.

"Tita, Tito, mauna na po muna kami kasi may klase pa po kami ngayon hapon." Paalam nung kaibigan ni JV na dinala niya noon sa bahay. Teka...

"Sinong magbabantay kay JV? Aalis din kami kasi may meeting pa sa kompanya" sabi ni Papa sa sasabihin ko sana.

"Maiwan nalang ako Pa" hindi pwedeng maiwang mag-isa dito si JV

"Ire k—"

"Maiiwan po ako para magbantay" he volunteered? Si Jon?

"Sure ka ba diyan Hijo?" paninigurado ni Mama. Siya rin ang tumawag sakin na nandito sila sa ospital ni JV. Kailangan ko siyang makausap.

"Yes po" gulat din na napatingin sa kanya ang mga kaibigan nila.

"O sige, babalik din kami ng 6 p.m." bago ako makaalis sa kwarto ay tinignan ko muna si Jon

"Take care of her. I trust you" at umalis na ako. Alam kong hindi niya pababayaan si JV kahit na sinabi nung mga kaibigan nila na para silang aso't pusa.

--

JV's Point of View

Nagising ako dahil sa isang amoy. Amoy Jjamppong, yung noodles na paborito ko sa Korea noon. Iminulat ko ang mga mata ko at kisame ang unang bumungad sakin. Agad akong bumangon pero bigla naman akong nahilo. Takte, napalo pala tong ulo ko.

"Oy! Wag ka ngang bumangon diyan!"

"Bakit nandito ka?!"

"Malamang binabantayan ka tss" at umupo na ito sa inuupuan niya kanina.

"Pahingi" sabi ko sabay lahat nung dalawang palad ko. Siya pala yung kumakain ng Jjamppong. Tinignan naman niya ako pero nagpatuloy parin siya sa pagkain. Gutom na ako.

"Pahingi" sabi ko ulit pero this time with puppy eyes with matching pout pa. Para sa Jjamppong gagawin ko lahat. Nagulat naman ito at nabilaukan. Mwehe effective siya mga par.

"Putek" sabi nito sabay ubo ulit.

"Pahingiiii"

"Oh!" abot sakin nung Jjamppong niya na agad ko namang nilantakan. Baka bawiin niya pa mahirap na. Napanganga naman siya noong sunod-sunod ang subo ko.

"S-seryoso ka ba? Chopstick ko yang ginagamit mo"

"Bakit? May sakit ka ba na nakakahawa?" sabi ko naman at itinuloy na ang pagkain ko.

"Bakit mo nga pala ako kilala?' agad na tanong ko pagkatapos kong kumain.

"Second Division, 0008 also known as Thana" nagulat ako sa sinabi niya. Sino ba talaga siya?

"Sino ka?"

Matagal pa bago siya nakasagot. Tumingin siya sa bintana ng kwarto ko bago siya nagsalita na siyang mas ikinagulat ko.

"I'm 0002" at tumingin ito sakin

"I-ikaw si..."

"Yes, I'm Azriel" maraming mga mura ang lumabas sa bibig ko. Unti-unti akong bumangon at tumayo sa hospital bed. Ngayon kitang-kita ko na siya habang nakapamewang pa ako. Hindi niya alam ang susunod na gagawin ko. He's in front of me with questionable look. Tumalon ako at dinamba siya kaya napahiga siya sa sahig. Nakadagan ako sa kanya at ang itsura ko naman ay parang mangangain ng tao.

"Putiki kang hayuf ka! Ikaw lang pala yun ha?! Putikiii!" sigaw ko na halos mabingi na siya. De bale, sound proof naman tong room ko.

"Bakit ba? Aray! Masakit naman oh!" angil nito nang sinabunutan ko siya.

"Ikaw lang pala yung sumusunod at nagmamanman sakin! Hayuf ka! Ikaw pala yung inutusan ni Master Henri!" this time hindi na sabunot kundi suntok ang inabot nito sakin.

"Tapos sinabihan mo pa akong stupid!" at sinapak ko ulit siya

"Tapos nung pasukan, inutusan mo pa yung mga alagad mo na paalisin ako sa room ha?!" sinabunutan ko ulit siya pero this time napigil na niya ang kamay ko

"Can you just listen to me first?" at tumingin ito sa mga mata ko.

"Una, sinusunod ko lang ang utos sakin. Pangalawa, 'Act like you didn't know her' at panghuli...wala. Trip ko lang noon na pahirapan ka. Para naman makabawi din" at ngumisi pa ito kaya sinapak ko ulit sa mukha. Nagdudugo narin ang bibig nito at gulo-gulo narin ang buhok niya. Tumayo ako sa pagkakadagan sa kanya. Para siyang ginahasa kaya napangiwi ako. Bawal muna ang tumawa. Pft—

"Oh? Ano? Tawa na"

"Bwahahahahaha!" hindi ko na nga napigilan pa. Hawak ko pa yung tiyan ko habang tumatawa ako.

"Bwhahahaha—"

"Miss hala bawal pa po kayong tumayo sa hospital bed!" tarantang sabi nung nurse habang inaalalayan akong bumalik sa kama. Sumunod naman yung Doktor na nagulat ata sa nangyari. Ikaw ba naman, makita mo yung pasyente mo na tumatawa ng malakas samantalang may head injury.

"Ms. Cortez, bawal ka pang umalis diyaan sa kama pero—Hijo! Anong nangyari sayo?" gulat na napatingin yung Doktor sa lalaking nasa gilid na nagdudugo ang labi. Tumingin siya ng masama sakin bago sumagot sa Doktor

"Napagtripan lang po" pilit kong itinatago ang tawa ko. Napatango naman yung Doktor at bumaling na ulit sakin ang atensyon nito. Tinignan lang nito ang ulo at binigyann ako ng gamot bago sila tuluyang umalis.

Kinuha ko yung unan sa tabi ko at tyaka ko itinakip sa mukha ko bago ako tumawa. Nauutas na ako dito hahaha.

"JV!" nandito na pala si Kuya kaya naman itinigil ko na ang pagtawa ko.

"Mabuti naman at gising kana" sabi nito tapos napatingin kay Nathan. Gulat si Kuya sa itsura ngayon ni Nathan.

"Anong nangyari sayo Jon?"

"Tanungin mo yang pinsan mo tsk" close sila ni Kuya? Tinignan ako ni Kuya pero napabuntong-hininga nalang siya

"Follow me" sabi nito kay Nathangit. Ano kaya pag-uusapan nila?

Ire's Point of View

Hindi mawala sa isip ko yung itsura kanina ni Jon kaya medyo natatawa ako. Napansin ata nito kaya umismid ito.

"ehem" sabi ko nalang at humarap na sa kanya. Nandito kami sa rooftop ng ospital. Marami ding tao para magpahangin pero dumistansiya kami. Mahalaga ang sasabihin ko sa kanya.

"Sino sila?" alam na niya kung sino ang mga tinutukoy ko. Oo nga't hindi ako tutol sa kinabibilangan ni JV pero ang kaligtasan niya ang iniisip ko sa ngayon. Alam ko namang malakas yun pero dahil sa nangyari sa kanya ngayon ay nagkaroon ng pag-aalala sa isip ko.

"Ako ang habol nila peo siya ang naging target nila para makuha ako. Sila ang minamanmanan ko noon sa Korea. Nalaman ata nilang konektado siya sa akin kaya ayan..." tumingin siya sa ibaba bago niya ipinagpatuloy ang sinasabi niya

"Sila ang matagal nang hinahanap ng mga pulis. Pero magaling lang talaga silang magtago. Sa ngayon, mabubulok na sila sa kulungan at salamat kay Veniz" the fuck? Veniz tawag niya kay JV?

"Himala at natatawag mong Veniz yang si JV" at tumawa ako. Minsan nganung trinay kong tawagin siya sa pangalan nay an, inis na inis siya. Ang feminine daw masyado tsk. Napatawa rin siya at umiling.

"Inaasar ko lang talaga siya nun noong Taekwondo Class namin pero dahil tinawag niya akong Nathan, ayan di ko na binawi." Mga baliw tong mga to.

"Mga buang" sabi ko at nauna nang umalis.

"maybe" huling sambit nito bago ako makababa.

Ang Basagulera ng Last SectionWhere stories live. Discover now