Chapter Ten

4.2K 225 24
                                    

Habang papasok ako sa school, ramdam kong may masamang mangyayari na naman. Ewan ko ba pero ang lakas ng pakiramdam ko.

Habang palapit ako sa classroom namin mas tumindin pa ang pakiramdam ko. May delubyo.

"What the fuck LJ?! Talagang dumayo pa kayo dito?! Ang lakas din ng loob niyo ha!" Nasa bungad pa lamang ako pero yan na ang naririnig ko. May gulo nga.

"Tama na yan Jon!" Sigaw nila. Tuluyan na akong pumasok sa room namin at nakita ko na ang nangyayari. Basag ang mukha nung isa sa kambal habang hawak siya ng kambal niya. Tapos si Malditong Lalaki naman basag din ang mukha. May gulo nga. Dumami ang tao dito eh.

Pumasok ako nang walang nakakapansin sakin. Masyado silang busy sa bugbugan. Yung dalawang babae naman, ayon, napansin pala ako at masama ang tingin nila sakin. Nang biglang sumigaw si Malditang Babae tapos itinuro ako. What the--!

"Ayan na ang ispiya niyo! Kunin niyo na dahil wala rin naman siyang kwenta!" What? Aba!

"Sino naman yan?! Bago niyong alagad?! Tss" sabi nung LJ. Ako? Alagad? No no no!

"Huwag ka nang magmaang-maangan pa LJ. Kunin mo na yang babaeng yan at umalis na kayo dito!" Sigaw ni Malditong Lalaki. Ako? Ni hindi ko nga kilala yang mga yan tapos ibinibigay pa ako. What the hell?

"What? Ni hindi ko nga kilala yang babaeng yan!" Sabi nung LJ. Tama ka pre, hindi rin kita kilala.

"Don't mess around LJ!"

"Duhh! Hoy Babaeng Maldita sabi na ngang hindi kilala diba? Walang utak beh?" Ayan sumabat na naman ako. Tumingin silang lahat sakin. Masama bang sumabat?

"What? Don't call me walang utak dahil ikaw ang walang utak satin!" Maldita talaga e 'no?

"Bakit ba sinasabi niyong ispiya namin yang babaeng yan? Hindi kami ganun kahina para magpadala ng ispiya tulad niyo" nakangising sabi naman nung isa sa kambal. Yung LJ daw.

"What? Kayo ang mahina. Mga duwag pa" sabat naman ni Malditong Lalaki. 'Tamo? Nawala na agad sakin ang eksena no? Hhayy. Kaya ang eksena ko naupo nalang ako dun sa dulong upuan na medyo malayo sa kanila. Malawak naman ang classroom namin. Bahala silang magbugbugan diyan. E video ko kaya? Tapos ibenta ko sa underground website? Hehe joke lang.

"Umalis na kayo dito!" Pakinig kong sigaw ni Malditong Lalaki. Aba palaban ha. Suntukin ka sana sa mukha at nang matabingi ng kaunti ang mukha mo tss. Nang kakasabi ko lang sa isip ko yan, hindi ko alam na nangyari na pala. Sinuntok siya sa mukha nung LJ daw kaya ayun nabingi na ata. Nagsimula na nga ang away na hinihintay ko. Saan kaya ako pupusta?

"Sinong pusta mo?"

"Taong gala oo!" Gulat na sambit ko. Kasi naman may tao pala sa likod ko tapoa bigla-biglang magsasalita. Jusko akala ko multo.

"Ba't ka nanggugulat?!" Sigaw ko

"Kanino ka pupusta?" Tanong ulit niya. Di pinansin ang tanong ko pre. Saklap.

"Sa sarili ko" sabi ko. Wala naman akong alam kung sino ang mas malakas sa kanila kasi ito lang naman ang unang pagkakataon na makita kong may rayot dito sa room namin.

"Kay Jon ako" sabi nitong multong lalaking 'to. Parang multo kasi manggulat.

"Ilan ba pusta mo?" Tanong ko

"1000" sabi niya habang nanonood mula dito. Nagkagulo na talaga sila. Kasama narin yung dalawang malditang babae na may kaaway na limang babae. Mga palaban pala ang mga babae dito. Akala ko parang sa ibang school din na puro maarte at puro bitch. Mas bitch pala ang mga babae dito. Di lang sampalan ang kaya eh.

"Seryoso ka?"

"Oo. Saan na pusta mo?" Tanong niya. Nakipagpustahan ba ako? Ang natatandaan ko nagtanong lang ako a? Pero sige na pagbigyan.

"Eto" sabay lapag ng

"Limang daan lang?" Aba kulang pa yan sa pustahan?

"La akong pera"

"Tss. Basta pusta ako kay Jon" sabi niya tapos nanood ulit.

"Edi dun nalang ako sa LJ na yun" buryong sabi ko. Ano pa ba? Ayokong pumusta don sa dalawang babae aba.

Habang nandito kami sa gilid at nanonood, hindi ko maiwasang tignan at isaulo ang mga galaw nila lalo na sila Jon at LJ.

Kapag kumilos si Malditong Lalaki, lagi siyang paibaba. Uunahin niyang puruhan ang mukha tapos sisikmurahin niya saka niya gagawin ang spinning kick.

Yung LJ naman pulidong-pulido kung kumilos. Para siyang nakikipaglaro sa hangin. Naiiwasan niya ang mga suntok at sipa ni Jon at gamit ang kaliwang paa nito, gagawin niya ang sakura kick.

May nalalaman na naman ako. Kasali sila sa taekwondo. Hindi lamang basta basta ang natututunan nila at hindi purong pang Pilipino ang mga galaw nila. Marami na akong nalalaman patungkol sa mga ganyan dahil lagi akong palipat-lipat nga bansa at paaralan. Ini enroll din ako nila Tita sa iba't ibang paaralan ng taekwondo. Ang pinakamatagal kong paaralan ay sa China, Japan at Canada. Dito ko natutunan ang iba't ibang klase ng sipa, suntok at iba pa. Ang pinakahigit kong paboritong sipa ay ang whirlwind kick. Tatlong sipa sa iisang tira. Itinuro mismo sakin iyang ng pang lima kong guro, he is from China.

Tapos na pala ang laban nila at ang bagsak ay si--

"Oh" abot sakin nitong Manggugulat na Multo iyong isang libo. Syempre nanalo yung pinustahan ko. Oh diba edi naka isang libo ako.

"Tsk naka tyamba lang naman siya" pakinig kong sabi nitong Multong Lalaki. Teka matanong na ngalang ang pangalan nito.

"Ano bang pangalan mo?" Nagulat ata siya. Aba ako ang nauna niyang ginulat tapos sa tanong ko lang siya magugulat? Aba matindi.

"Tsk. Rhynee" wait lang. Parang siya yung--

"Ikaw yung biglang sumigaw noon noong pinabagsak ko si Malditang Babae!" Naalala ko na. Kaya pala parang familiar ang mukha niya siya pala yung biglang sumigaw noon na ipunta na sa clinic si Malditang Babae .

"Shau pangalan niya" bored nitong paalala sakin

"Ah ShauNga"

"Shau lang"

"ShauNga?"

"Shau"

"ShauNga? Ah Shaunga"

"Kabobo mong kausap!" At ayun nga po umalis na siya sa harapan ko. Atleast may isang libo akooo! Yes may pambili ako ng ice cream.

Shau, parang...

Shaunga hahahaha lol.

Nang natalo na sila Malditong Lalaki, agad namang umalis yung sina LJ daw kasama yung kambal niya na for sure yun ang JC. Yung dalawang babae naman dito sa room tumingin ng masama sakin. Luh? Anong ginawa ko? Nakipagpustahan lang naman ako ah?

Hindi parin mawala ang tingin nila sakin kaya ang ginawa ko...

"Oh! Say cheese!" Sabi ko sabay click ng camera ng phone ko. Hahahaha epic yung pagmumukha nung dalawa. Nang tignan ko sila ayun mas lalong sumama ang tingin nila sakin. Nainis ata yung isa ayun binato ako ng libro na makapal. Buti nakaiwas ako.

Hindi talaga ako pwedeng umalis dito. May gusto pa akong alamin. Medyo iwas muna sa gulo para hindi ako paalisin na naman ni Kuya dito at baka ibalik pa ako sa Beijing. Aba! Ayokong kasama si Mama ano! Pinapabayaan rin naman niya ako doon tss.

-----

@UglyJollyMeee

Ang Basagulera ng Last SectionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant