Chapter Twenty-Eight

2.9K 144 5
                                    

Dedicated to: byang_suvastre

Sa bawat araw na dumadating, iba ibang mga suliranin ang dumadating. Minsan gusto na nating sumuko pero hindi maaari.

Now, I am here in front of them. Asking many questions.

"Ano na? Bakit nila pinatay si Mommy?!" Umiiyak na naman ako pero wala ngayon sa tabi ko si Nathan para patahanin ako. Hindi ko naman kailangan lagi ang sandalan. Kaya ko, kakayanin ko.

"JV, maniwala ka. Wala talaga akong alam kung bakit nila iyon ginawa sa Mommy mo. Wala akong kaalam-alam noon. Isa lamang akong hamak na kasambahay" sagot ni Tita Janiz

"M-may mga k-kapatid ba talaga ako?" Tumingin ako sa kanya at tumango ito

"Minsan lang sila umuwi sa inyo noon kasi sa ibang bansa sila nag-aaral. Kaya naman hindi ko sila masyadong natatandaan. Sorry, sorry JV"

"Ikaw Kuya, paano mo nalaman na kasali ako sa isang organisasyon?" Tanong ko dito at umiwas siya ng tingin.

"Aksidente kitang nakita na may hinuhuli noon. Akala ko tinutulungan mo lang pero may isang lalaki noon na sumulpot. "Job well done, Thana." Iyan ang sinabi niya sa'yo kaya nagtaka ako kung bakit Thana. Hanggang sa nalaman ko na kasali ka pala sa Second Division." Hindi na ako magtataka dito kay Kuya kasi magaling naman talaga siya mag-obserba ng tao.

"Paano mo nalaman ang Second Division?" Tanong ko ulit kaya napakamot ito ng batok niya

"Pinilit kong magsalita yung kaibigan ni Yssy" kaibigan?

"Sino?"

"Rayne" aba't---

"Kaibigan siya ni Doc Yssy?!" Gulat na napatingin sakin si Kuya Ire

"Kilala mo si Rayne?"

"Oo" takte. Si Morana yan e

"Lagot sakin yan pagbalik ko doon" sabi ko at tumingin muli sa kanila

"May tanong pa po ako" tumingin naman silang lahat sakin. Napatungo ako kasi nagbabadya na naman ang nga luha ko. Ang babaw ko na ata ngayon putek.

"Buhay po ba si Papa?" Napatahimik sila sa tanong ko pero nagulat ako nang biglang nagsalita si Tita Janiz

"Oo"

"Bakit hindi mo sinabi sakin?"

"Sabi niya sa akin noon, babalik nalang daw siya kapag kaya na niya kayong protektahan" doon na ako napaupo sa sahig.

Niyakap ako ni Tita at Tito at pinatahan pero ayaw ng mga luha ko.

"Miss na miss ko na po siya, sila ni Mommy. Gusto ko na pong makita ang mga kapatid ko. Gusto ko na po silang mahanap"

"Tahan na JV. Hahanapin natin sila" sabi ni Tita

"Nandito lang kami para sa'yo. Tutulungan ka namin." Sabi nan ni Tito

"Patawad JV" sabi ulit ni Tita Janiz. Pumunta ako sa kanya at niyakap

"Salamat po kasi kinupkop niyo ako kahit na hindi niyo ako tunay na anak." Tumingin ako kila Tita

"Salamat po sa lahat Tita Itana at Tito Julius sa pag-aalaga sakin dito. Sa ngayon po, gusto ko pong hanapin sila Papa. Huwag po kayong mag-alala kasi babalik parin naman po ako dito. Pamilya ko parin kayo."

--

Sa bawat tapak ng paa ko dito sa lobby ng Second Division, lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Inip na akong malaman kung saang debisiyon kabilang si Mommy. Kailangan ko ang tulong ni Master Henri.

Ang Basagulera ng Last SectionHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin