Chapter Thirty Nine

2.6K 130 2
                                    

I met different types of people along my journey. They became part of me as time goes by.

Noong nasa puder pa ako nila Tita Itana, kaunti pa lamang ang nga hinahabol kong mga problema noon. Until folded secrets revealed. I am petrified before to face things but I learned how to deal with those along the way.

"JV"

"Namiss ko po kayo" I hug Tita Itana ang Tito Julius.

"Sorry po kung umalis ako"

"It's fine. Laking pasasalamat nga namin dahil ligtas ka at nahanap mo na sila" at ngumiti siya kila Papa.

"Nasaan po si Tita Janiz?" Tanong ko

"Pabalik narin siguro yun. Pumunta kasi sa supermarket" sagot ni Tita at iginayak na kami sa loob ng bahay nila na dati ring naging bahay ko.

"Namiss ko mukha mo Kuya" sabi ko kay Kuya Ire

"Namiss ko rin ang pakikipagbasag-ulo mo" sabi niya at ginulo ang buhok ko. Asar.

"Hindi naman ako yung nagsisimula" sagot ko naman gaya ng dati kong sinasabi sa kanya tuwing napapaaway ako.

"Wala ka paring pinagbago" naiiling na sabi ni Kuya at sumunod na kay Tita.

Pagpasok ko sa loob ay nakita kong kausap ni Kuya Ire sina Kuya tapos kinakausap naman nila Tita si Papa. Pumunta nalang ako sa kusina nila ay kumuha ng Chuckie. Feel at home haha.

Kung titingnan sila, parang matagal na silang magkakilala lahat. Ang saya nilang tignan. Sana ganito nalang lagi.

"Waaaaa!" Bigla kong sigaw kaya napatingin sila sa akin. Agad kumaripas ng takbo sa akin sila Kuya pati si Kuya Ire

"Bakit Jace?" Tanong ni Kuya Lem

"Ahuhu Kuya!"

"Bakit nga?!"

"Nakalimutan kong may lakad pa kami ni Nathan! Waaaaa" sigaw ko ulit. Halos maglupasay na ako dito. Natawa nalang sila Tita sa akin.

"Pucha ka Jace! Wag ka mag-alala, sinabi ko sa kanya" sabi ni Kuya Lem kaya tumingin ako sa kanya

"Talaga?"

"Oo sabi" sagot niya at umalis na

"Tatawagan ko nalang siya mamaya para sunduin ka" sabi naman ni Kuya Jemuel bago umalis at sumunod kay Kuya.

"Kayo na ba ni Jon?" Tanong ni Kuya

"Hindi pa Kuya ah"

"May 'pa' na. Wag ka lang iiyak sa kanya" at umalis na din siya. Ahihi. Kinikilig tuloy ako sa kanilang tatlo. May tatlo na akong Kuya na sobra pa sa hiniling ko.

Biglang bumukas yung pinto kaya naman napatingin kaming lahat doon. Si Tita Janiz.

"Tita!" Tawag ko at niyakap siya. Nasanay naman na din ako na Tita na ang itawag sa kanya.

"JV! Kamusta kana?" Tanong niya habang yakap ako

"Okay lang po. Nandito po pala sila Papa"

"Si Sir Ian?"

"Wag mo na akong tawaging Sir, Janiz. Mataas na ang naabot mo at hindi Kana katulong. Kung nabubuhay lang siguro si Veniz ngayon ay sobrang proud niya sa'yo" at ngumiti si Papa sa kanya

"Maraming salamat"

"Ako ang dapat magpasalamat sa'yo at kina Julius at Itana sa pagkupkop sa anak ko noong wala ako"

"Walang anuman ang lahat ng yun Ian. Minahal ko rin naman si JV na parang totoong anak ko na."

"At naging mabuting bata naman si JV sa amin" dagdag ni Tita Itana. Talaga ba Tita? Haha

Ang Basagulera ng Last SectionWhere stories live. Discover now