Chapter Six

4.9K 211 8
                                    

Maaga akong nagising kaya natulala muna ako sa kisame. Kakalimutan ko muna ang nagyari kahapon. Kailangan kong pagtuunan ang pag-aaral ko sa ngayon. Mahirap nang mapunta ulit sa puder ni Mama. Ayaw ko sa kanya.

"JV? Gising ka na ba?" Tanong ni Tita sa labas ng pinto. Hindi naman yun naka-lock ba't di pa binuksan ni Tita?

"Opo Tita! Pasok po kayo. Di po naka-lock yang pinto"

Pumasok si Tita sa kwarto ko na may malungkot na awra.

"JV pasensya na talaga kahapon ha? Wala naman kasi akong kaalam-alam sa nangyari noon, pati ang Tito mo. Kung nalaman lang sana namin pero sinekreto niyo pala." Yun daw ang mas better sabi noon ni Kuya Ire sakin kasi noong mga panahong yun ay nangangamba na ang kompanya nila Tita.

"Okay lang po Tita tutal buhay pa naman ako hanggang ngayon" sabi ko

"Bata ka! Huwag ka ngang ganya mas lalo akong nakokonsensya eh!"

"Ma, huwag mo nang istorbohin yang si JV. May pasok pa yan" singit ni Kuya sa usapan namin ni Tita

"Oo na. May sinabi lang ako eh" sabay pout ni Tita. Ang kyut niya talaga. Para siyang teenager kung umasta. At yun nga lumabas na sila sa kwarto ko kaya dali-dali naman akong nagpunta sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Pagkatapos kong magritwal, choss haha, bumaba na ako para kumain ng almusal. Baka mamaya wala na naman akong makain.

Pagdating ko sa dining, nandito pala si Tito?

"Good morning po Tito, Tita, Kuya"

"Morning din JV. Kain kana bilis baka malate ka pa" sabi naman ni Tita

"A-ah...JV" tawag sakin ni Tito. Si Kuya Ire namam tahimik at nakikinig lang.

"Bakit po?"

"Pagpasensyahan mo na kami ng Tita mo ha kung wala kaming alam noong araw na yun. Bakit naman kasi di niyo sinabi samin noon?"

"Pa, baka makagulo lang kami noon sa inilalakad niyo sa Canada noon. Alam mo namang muntik nang lumubog ang kompanya diba?" Sabat naman ni Kuya

"Pero sana sinabi niyo parin samin yung nangyari Ire. Paano nalang kung dalawa kayong napahamak nung araw na yun? Talaga yang si Janiz!" Gigil na si Tito kay Mama. Di ko naman siya masisisi. Mismong kapatid niya pinapabayaan ang anak nito. Dalawa silang magkapatid ni Mama. Si Tito ang panganay.

"Huwag na po kayong maproblemahan Tito at Tita, okay na po ako ngayon at tyaka, kaya ko naman na po ang sarili ko" pagpapagaan ko sa loob nila. Ayaw ko nang mag-alala sila sakin. Buti pa sila, laging anjan para sakin, samantalang yung sarili kong nanay wala man lang pakialam sakin tsk.

"Oh sige na. Basta sa susunod magsabi na kayo sakin ha?" Sabi ni Tito

"Opo Tito" sagot ko naman

"Ire" tinignan ni Tito si Kuya. Di kasi siya sumagot.

"Hayy, okay"

"Oh sige na at baka malate pa si JV. Ihatid mo na Ire"

Pagkahatid ni Kuya Ire sakin sa school umalis din kaagad siya. May aasikasuhin daw siya sa kompanya nila. Pagdating ko sa classroom namin...

Bakit wala yung upuan ko kahapon? Bakit sakto nalang? Alam kong pakana ng mga kaklase ko ang pagkawala ng upuan ko.

"Bakit wala yung upuan ko?" Mahinahon pa ako niyan.

"Ewan ko. Baka nasa ibang section na" pabalang na sagot sakin nung malditang babaeng yun.

Ang Basagulera ng Last SectionWhere stories live. Discover now