Chapter Twenty-Three

3.6K 178 9
                                    

Ano kaya ang pinag-usapan nila Kuya? Curious na curious tuloy ako amp. Dahil hindi na ako mapakali ditto, tumayo na ako at pumunta sa ibaba para bumili. Gutom parin ako. Gusto kong kumain ng sushi. May naamoy kasi ako kanina sa kabilang kwarto kaya naman sigurado akong may benta silang sushi dito sa ospital.

Pagkarating ko sa ibaba, agad na nahagilap ng mga mata ko ang sushi. Here I come my babies!

"Pabili po ng 100 pesos na sushi" sabi ko sa nagtitinda.

"E take-out mo ba eneng?" tanong nito sakin habang hawak ang tong na pangkuha sa sushi

"Opo" tinignan ko ang bulsa ng jacket ko para kunin na sana yung perang pambayad ko pero wala pala akong nakuha. Ulyanin!

"Eto na Eneng" sabay abot sakin nung mga pinakamamahal kong sushi.

"Manang, ano po ahm..."

"Wala ka bang pambayad eneng?" tanong nito sakin pero hawak-hawak ko na yung sushi.

"Pwede pong paki-abangan nalang ditto yung Kuya ko? Siya po magbabayad ahehe"

"Naku eneng, hindi pwede kasi hindi ko naman alam kung nagsasabi ka ng totoo o hindi" mukha ba akong sinungaling? Minsan lang naman ah.

"Manang hindi po ako nagsisinungaling ah! Abangan niyo nalang po na bumaba ditto yung Kuya ko. Promise po, babayaran ko ahehe" sabay takbo ko papunta sa fifth floor kung saan naroon ang kwarto ko.

"San ka ba naggaling bata ka?!" nakapamewang na sermon sakin ni Kuya. Ahuhu pati ba naman dito sa ospital?

"Bumili lang naman ako ng sushi e. sermo-sermon pa" bulong ko sa huli. Kainis.

"Ano?"

"Wala ang sabi ko pakibayaran poi tong sushi sa baba Kuya" sabay ngiti ng malawak sa kanya. Napakamot nalang siya sa noo pero bumaba parin. Ahihi love niya talaga ako.

Sinimulan ko nang buksan ang pinamili ko. Wala na yung maldito ngayon sa kwarto ko. Salamat naman. Binuksan ko muna yung TV dito sa kwarto ko bago ko sinimulang lantakan ang sushi ko.

"Nahuli na ang grupo nila Bryan Yu na matagal nang hinahanap ng batas! Ayon sa sulat na naiwan kung saan sila nakita ay isa rin pala silang membro ng Human Trafficking sa South Korea at Iran! Nahuli sila sa isang abandonadong bahay na nakahandusay." Natatawa ako dito habang pinapanood ko ang balita. Kayo pala yung ayaw ipatrabaho sakin ni Master Henri. Ang dami niyo palang kaso.

Siguro nagtataka na kayo kung sino talaga ako at kung saang grupo ako nabibilang.

I'm Thana from Second Division of Evigheden. I am known as Agent 0008 when we are inside our headquarters. They call me Thana if we are in mission.

Our organization is known for justice. Sumali ako dito kasi gusto kong malaman kung ano talaga ang ikinamatay ni Papa o kung namatay ba talaga siya.

"Hoy JV!"

"Putiki!" ano ba 'tong si Kuya nanggugulat.

"Kanina ka pa po kasi nakatulala diyaan tapos dinudukdok mo yang mangkok kahit wala nang laman. Para kang baliw" sinamaan ko tuloy siya ng tingin sa huli niyang sinabi. Anong baliw?

"Nabayaran mo?"

"Aba matapos kong bayaran yang kinain mo, wala ka nang galang?" nagbelat nalang ako sa kanya

--

"Ventot! Namiss ka namin!" kahapon lang ako nadischarge pero pumasok parin ako ngayon. Okay naman na ako e.

"Oh? Talaga lang?" pang-aasar ko sa kanila kaya naman pinalo ako sa braso nitong dalawa.

"kamusta?" sabi ko sa kanila at umupo sa upuan ko. Madami yata akong ihahabol na lessons ahuhu.

Ang Basagulera ng Last SectionWhere stories live. Discover now