Chapter Thirteen

4K 199 8
                                    

Dedicated to: imcassycassyp thanks for reading muaps

Hanggang ngayon para parin akong tanga na nagtatago kina Rionne at umiiwas kina malditong lalaki.

Kung makatingin kasi sila sakin para akong isang malaking kasalanan. Buti nalang hindi umiiwas sakin si Rhynee.

"Ate Jace! Tara kain tayo sa canteen!" Masaya na namang yaya nito sakin. Paulit-ulit nalang na ganyan ang routine namin sa araw-araw. Nakakasawa na ang katakawan nitong batang 'to.

"Tara na nga. Baka mamaya ako na naman kagatin mo." Binulong ko nalang yung huli. Kasi naman kahapon kinagat niya ako kasi ayaw ko siyang samahan na bumili ng Piatos. Kainis na bata. Sarap kutusan e.

Habang naglalakad kami, nadaanan namin yung isang makitid na space sa pagitan ng abandoned building at ng science club. Tila may nag-udyok sakin na dumaan doon kaya naman sinundan ako nitong batang to.

"Sabihin mo samin kung nasaan siya!" Rinig namin habang papalapit kami sa labasan ng makitid na space na ito.

"Ayoko!" Parang pamilyar yung boses

"Ate Jace parang classmate natin yun" bulong sakin ni Rhynee.

"Sigurado ka ba?" Tanong ko dito habang dahan-dahan na lumalapit sa mga taong nasa likod ng building na to.

"Oo. Parang si Jiyo" sagot nito

"Sinong Jiyo?"

"Luh? Hindi mo kilala classmates mo? Si Jiyo, yung magaling maggitara sa room. Barkada yan ni Jon" ahh...okay. Pasensya na. Wala akong pakialam sa kanila e.

"Tara tignan natin" sabi ko. Sakto naman na paglabas namin sa space na yun ay may matayog na halaman. Swerte.

"Siya nga Ate Jace" sabay takip nito sa bibig niya. Luh...bakla ba 'to?

"Para kang bakla" puna ko naman

"Heh!"

"Sabihin mo na kung nasaan yang Jon na yan!" Sabay sipa kay Jiyo sa tiyan nito.

"Ayoko" pagmamatigas naman nito sa mga taong nambubugbog sa kanya. Tibay rin ha?

"Ayaw mo talaga ha? Sige! Itayo niyo yan at nang maturuan ng leksiyon!" Galit na sigaw nito sa mga tauhan niya na mukhang asong gala. Hehe, sobra na talaga ako sa panlalait.

Nang maitayo na nila si Jiyo ay sunod-sunod na suntok ang natamo nito mula sa lider ng mga asong 'to. Hindi ko kayang tignan ang ganitong eksena kaya naman lumabas na ako sa pinagtataguan namin bago pa man ako mapigilan ni Rhynee.

"Hoy! Mga asong gala!" Tawag ko sa mga pansin nila. At hindi naman ako nagkamali dahil agad silang napatingin sakin.

"Sino ka?!"

"Inire ako pare, di ako sinuka" bagot na sagot ko dito at sinipa ang mukha nito. Ang bagal naman kumilos nito

"Gago ka ba?!"

"Hindi ako gago, mabait kaya ako" sabay suntok sa mukha niya. Dalawa na haha.

"Sugudin niyo yang pakialamerang babaeng yan!" Pagkasabi niya iyon ay sabay-sabay nga silang sumugod sakin. Hala ka! Lima kaya sila.

Unang sumugod sakin yung dalawang matataba kaya naman ang ginawa ko sinipa ko sa kaliwa at kanan nilang dibdib ng dalawang beses. Tapos sabay ko silang iniuntog sa muscle ko charot. Pinag-untog ko silang dalawa.

Sumunod namang sumugod yung tatlong payatot sakin habang may hawak na arnis. Aba pare! Maduga na kayo sakin a!

Akma na sana akong papaluin sa ulo nung isa pero naunahan ko siya at kinuha ang arnis mula sa mga kamay niya. Ipinalo ko ito sa ulo nilang tatlo bago pa man maitaas nung dalawa ang arnis na hawak nila.

Hindi pa ako nagsawa at pinagpapalo sila ng parang bata.

"Teka! Tama na! Masakit!" Awat nila sakin pero hindi ako tumigil.

"Hoy Rhynee! Tulungan mo kaya ako?" Nakatayo lang kasi siya sa gilid habang inaalalayan si Jiyo. Aba naman! Tinulungan yung isa pero hindi ako tinulungan. Bata ka talaga.

"Aray naman JV!"

"Kung huwag ka kayang gumalaw diyan!?" Pagsusungit ko dito. Ginagamot kasi namin siya ni Rhynee matapos yung laban doon sa anim na ASOngot na yun kanina.

"Masakit naman Rhynee" angil nito kay Rhynee na nasa kanan niya.

"Tawagin niyo na ngalang yung doktor! Baka kayo pa ang maging dahilan ng pananakit ng katawan ko"

"Tss. Tinutulungan na nga e. Tara na nga Rhynee" tapos nauna na akong lumabas sa kwarto nito sa clinic. Nagpunta ako sa designated sit ni Doc Yssy. Siya ang personal doctor ng school na 'to kaya naman nirerespeto siya dito.

"Doc Yssy!" tawag ko dito habang nagsusulat siya sa board niya.

"Why JV? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong nito sakin kaya naman ngumiti ako sa kanya at sinabing may pasyente sa Clinic Room 2 kaya agad naman siyang nagpunta doon.

Pagdating namin doon ay agad niyang tinanong si Jiyo kung anong nangyari tapos yong Jiyo naman na yun sinabi lang na napagtripan siya sa kanto. sinungaling!

Bago ko pa man masabi ang katotohanan umalis nalang ako. Sumunod naman sakin si Rhynee. Dahil sa inis ko binatukan ko ang batang 'to. Nakakainis eh. Tinulungan yung isa samantalang ako hindi aba!

"Aray Ate Jace! pangalawa na yan ha!"

"pangalawa na ba?" pagmamaang-maangan ko tapos nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad.

"Maang-maangan ka pa diyan. Ang galing mo palang makipagbasag-ulo no?" Dun ako natigilan

"Basag-ulo agad? Anong gusto mong gawin ko? Panoorin nalang na mamatay yang Jiyo na yan kanina?"

"Eh diba sabi mo naman na hindi mo siya kilala, bakit tinulungan mo parin?" Ang kulit!

"Kung gusto mo, samahan mo ako sa Jiyo'ng yan at bubugbugin ko. Ayaw mo pala na tulungan ko eh"

"Hehe joke lang Ate Jace. Sige na. Punta ka na sa pupuntahan mo. Bye ingat ka madapa ka. Tanga ka pa naman Ate Jace hehe" madapa pala ha

"Aray!" Ayan. Sinipa ko ang paa mo kaya ikaw ngayon ang mag-ingat.

--

Pagdating ko sa bahay, may narinig akong nag-uusap kaya naman lumapit ako sa pinto kung saan nanggagaling yung boses. Kwarto nila Tita.

"Bakit 'di nalang natin sabihin?" Sabihin ang alin?

"Hindi pa sa ngayon Ma" Si Kuya naman ang sumabat.

"Pero kailangan na niyang malaman!" Sigaw ni Tita. Ano ang kailangan na malaman?

"Ma! Baka ma-trauma pa ulit siya!" Trauma? Ako lang naman ang may trauma dito.

"Hon, hayaan na muna natin yung bata. Tyaka nalang natin sabihin kapag kaya na niya." Rinig ko ang mga yapak nila palapit sa pinto kaya naman dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Hoo! Muntik na ako dun ha.

Ano ang ibig sabihin nila Tita? Bakit hindi ko pwedeng malaman? Anong trauma?

Hayyy...makagawa na ngalang ng assignment. Mahirap ang mabagsak. Pepektusan ako ni Kuya.

Habang nagsusulat ako, biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Pasok"

"JV" si Tita pala

"Bakit po Tita?"

"Kamusta naman ang pag-aaral mo? Wala bang umaaway sa'yo?" Tanong nito. Actually Tita, lahat ng kaklase ko. Eh except pala dun sa isa, si Rhynee.

"Okay naman po Tita. Wala naman pong umaaway sakin" sinungaling!

"That's good to hear. Sige na, tapusin mo na yang assignment mo tapos bumaba ka na para kumain ng dinner ha?"

"Opo Tita. Sunod na po ako. Malapit ko narin pong matapos ang assignment ko."

"Sige"

Ayoko munang itanong sa kanila yung mga narinig ko kanina. Baka malaking rebelasyon yun. Baka hindi ko kayanin char.

@UglyJollyMeee


Ang Basagulera ng Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon