Chapter Thirty Five

2.6K 139 2
                                    

(Thank you for the endless support my Peniboos. Hayahae!~~)

Jace Veniz's POV

Sa bawat yapak ko paalis sa kinaroroonan nila ay nagbibigay sa akin ng sakit. Hindi dahil pinaalis ako ni LJ kundi sakit sa akin na papanoorin lang sila mamaya.

Ayokong may masaktan na kahit isa sa kanila pero ito ang utos sa akin. Ito ang iniutos sa akin.

Nang makausap ko si Morana sa telepono ay binigyan ako ni Master Henri at Azriel (Nathan) ng utos. Hinding-hindi ako magpapakita hangga't hindi lalabas ang tatlong target namin. Dito nga sila nakatago at boss nila si Johnny.

"Don't dare to hurt them, Johnny" wala na ulit kayong mapapatay ni kahit isang tao. Marami nang buhay ang nawala dahil sa inyong tatlo, lalo na sa'yo Johnny.

Si Morana ay nasa likod lang nila kanina, sa likod ni Pete. Magaling nga silang mandaya dito sa Underground pero mas nadaya namin sila ngayon.

Sa oras na sinabi ko ang pangalan ni Mommy ay alam kong nagulat sila LJ at JC. Pagkakuha ng mga kasamahan namin sila Johnny ay lumapit sakin ang kambal kaya hinayaan kami ni Nathan at sinamahan na sila Master. Kaming tatlo nalang ang natitira dito.

"What did you say a while ago?" Tanong agad sa akin ni LJ

"Hindi ba kayo naniniwala?" Tanong ko na hindi sila sinusulyapan.

"How did you know that name?" Tanong naman ni JC

"I know that name because she's my mother" tumingin ako sa kanila. Pansin kong naguguluhan sila.

"That necklace of yours, that's my gift to both of you before you went abroad."

"W-hat the f---how did you know?"

"Nobita" sabi ko nalang

"Okay lang naman sakin kung hindi niyo accept na kapatid niyo ako. It's fine as long as you'll tell me where is my father?"

"Hindi kami naniniwala hangga't walang proweba" sabi nilang dalawa at umalis. Sabagay, mahirap naman na kasing magtiwala sa panahong ito. Maraming manloloko isa na don ang ex mo. Joke lang. Jowala ka naman diba?

"Proweba" nasabi ko nalang sa sarili. Kung kailangan niyo ng pruweba, pwes, ibibigay ko sa inyo.

"Morana! Pahiram ng motor mo ha?" Paalam ko sabay paharurot ng motor niya na naiwan niya.

"Gago ingatan mo yan!" Sabi niya sa earpiece

"Oo. Ako pa." Pupunta ako kay Gisèle. Siya lang ang tanging tao na makakapgpatunay na anak ako ni Mommy. Wait...May isang tao pa na makapagpapatunay...

"Nana" bulong ko. Itinigil ko muna sa gilid ng kalsada ang motor tyaka tinawagan si Shau.

"Ven! Okay ka lang ba? Ayos ka lang?"

"Mamaya na tayo magkamustahan. Saan ang bahay niyo?" Diretsahan kong tanong sa kanya. Sawa na akong maghanap nang maghanap. At ngayong nahanap ko naman sila, hindi naman sila naniniwala.

"Third village ng sa inyo"

"Geh. Dalawin ko nalang kayo diyan kapag tapos na ako sa gagawin ko. Tatapusin ko lahat ngayon." At ibinababa ko na ang tawag. Ti-nurn off ko din ang phone ko.

"Nandito po ba si Gisèle?" Tanong ko doon sa isang babae na lumabas sa building nila. Para lang itong ordinaryong building pero sabi nga nila, don't judge a book by its cover.

"Who are you?"

"I'm Thana from Second Division" pakilala ko

"How are you related to her?" Tanong niya ulit. Ano to? Q and A?

Ang Basagulera ng Last SectionWhere stories live. Discover now