Chapter Eleven

4.2K 198 8
                                    

Hinihintay ko ngayon dito sa labas ng school si Kuya. Ang tagal naman kasi. Mas inuna pa ang girlfriend niya kaysa sa pinsan niya tsk. By the way, yung gf niya is our school doctor. Kaya talagang may magsusumbong kay Kuya kapag napaaway ako pero close naman kami ni Doc Yssy short for Yssylyn Hisea. Ang cute nung name niya kaya tinatawag ko siyang Doc Yssy. Tawag naman ni Kuya Ire sa kanya ay Lynsea.

Kanina pa ako tinitignan nung dalawang babae malapit sakin. Wait...sila Malditang Babae yun ah! Sila nga! Si Shaunga!

Tinignan ko sila kaya tinaasan nila ako ng kilay. Problema nila? Tumingin naman ako sa kabila ko at pagtingin ko may tatlong babae naman ang nandoon na may kasamang dalawang lalaki na mukhang..err..gangster? May nakalagay sa ulo nila e!

Tumatawa sila tapos biglang titingin sakin. Bakit ba pinagtatawanan nila ako? Maybe they thought that I'm waiting for someone. Actually yes, hinihintay ko naman si Kuya pero yung tingin kasi nila ay iba. Para bang hinihintay ko ang boyfriend ko at inaabangan nila kung anong hitsura.

Tumingin ulit ako kina ShauNGA at ayun tinaasan na naman ako ng kilay. Pasalamat yang dalawang yan at hindi ko alam magtaas ng kilay. Daig pa ako ni Kuya Ire na marunong magtaas ng kilay.

Kuya ano na?! Asan kana?! Text ko kay Kuya Ire. Sinend ko yun ng paulit-ulit. Bahala siyang magbasa diyan! Ang tagal-tagal niya kainis.

Bigla namang may pumaradang motor sa harap ko. Kilala ko na ata ang may-ari nito.

"Ba't ngayon ka lang?" Pagtataray ko. Naiinis na ako e!

"Oy! Asan na ang Kuya ha? Batang 'to!"

"Aba! Kasi naman po ang tagal mo. Mamamatay na ata ako bago ka pa dumating tss" ayan nagsasagutan na kami.

"Alam mo namang hinatid ko pa si Lynsea diba?"

"Puro ka 'Lynsea, Lynsea, Lynsea' tss"

"Tara na nga. Makapagtampo 'tong bata na 'to kala mo naman chix" aba!

"Ire Reian Alvarez" seryoso kong sambit

"Oh?" Sagot niya

"Ang pangit mo!" Sigaw ko at patabog na umangkas sa motor niya

"Mas pangit ka Jace Veniz Cortez!" Sigaw niya pabalik sakin tapos pinaandar na ang motor niya. Tinignan ko sila ShauNGA at ayun...tulala silang dalawa kay Kuya o baka naman sa sagutan namin. Tinanaw ko muli yung tatlong babae at yung dalawang lalaki na kasama nila at ayun din...nganga at tulala.

"Sabing 'wag akong tatawaging Veniz e!" Asar na sigaw ko habang bumabyahe kami. Ayoko talaga nung Veniz. Napakapambabae e.

"Veniz Veniz Veniz Veniz Veniz" paulit-ulit na sambit ni Kuya Ire habang nagdadrive. Asar!

"Kuya Ire!! Magbreak sana kayo ni Doc Yssy!" Asar na sigaw ko na agad nakapagpatigil sa motor ni Kuya Ire kaya naman sumubsob ako sa likod niya.

"Ano ba naman yan Kuya!"

"Baba" eh? Hehehe lagot ka JV. Nagalit ata si Kuya Ire.

"Ayoko" wala akong pampamasahe.

"Baba" ulit niya

"Ayoko"

"Bwisit ka talagang bata ka! Wala sanang manligaw sayo!" Hahahaha naasar pala si Kuya.

"Aba! Pake ko kung walang manligaw sakin? Hindi sila kawalan no!" Pasensya na. Ganito lang kami maglambingan ni Kuya Ire. Asaran.

Pagdating namin sa bahay masama parin ang tingin ni Kuya sakin. Binelatan ko naman siya kaya mas lalong nangunot ang noo nito. Bahala kang maasar diyan tanda.

"Titttaaaa!" Salubong ko kay Tita pagpasok ko sa loob ng bahay. Well, I'm happy because I finally teased my very OLD cousin. Si Doc Yssy lang pala ang katapat nun e.

"Ma!!" Sigaw naman ni Kuya pagpasok niya sa loob ng bahay. Masama parin ang tingin nito sakin kaya natatawa na naman ako. Takot hiwalayan ni Doc Yssy e.

"Ano ba? Bakit kayo tawag ng tawag sakin?" Tanong ni Tita pagkalabas niya ng kusina

"Tita si Kuya kasi!"

"Ma yang batang yan kasi!" Sabay naming sumbong ni Kuya. Ano ba yan. Parang bata talaga si Kuya Ire. Daig pa ako jusko naman.

"Ano ba naman yan Ire. Nakikipag-away ka pa sa pinsan mo. Para kang bata" sabi ni Tita pagkatapos bumalik na siya sa kusina. Hahaha epic yung mukha ni Kuya Ire. Hindi ba naman kampihan ng sariling nanay lol.

"Tita!!!" Sigaw ko habang tumatakbo pataas papunta sa kwarto ko. Kikilitiin na sana ako ni Kuya kasi alam niyang kahinaan ko yun kaya tumakbo na ako. Pinaka ayoko ang nakikiliti. Malakas ang kiliti ko sa katawan aba!

Pagtapak ko sa kwarto ko ay hingal na hingal pa ako. Ano ba yan. Hihikain pa ata ako. May hika ako pero minsan lang naman umatake kaya keri lang.

Magbibihis na sana ako pero biglang tumunog yung phone ko. Sino ba 'to?

"Hello?"

"Ba't mo kami tinatakasan? Akala mo ba hindi namin alam ang lugar mo?"

"Shit ka! Pakyu!" Sabay baba ng phone. Pa'no nila ako nahanap? Masama 'to. Sunod-sunod talaga kayong dumadating? Naman e.

Dali-dali akong nagbihis pagkatapos bumaba ulit ako para nagpaalam. Paano ba kasi nila ako nahanap? Akala ko nakatakas na ako sa kanila noon sa Japan, hindi pa pala.

"Tita may nakalimutan po pala akong bilhin sa labas para sa project ko" it's a half lie. Totoong bibili ako ng gamit at alam niyo na ang isa.

"Sige basta bumalik ka ng maaga ha para makapaghapunan ka"

"Opo" dali-dali akong lumabas sa bahay at kinuha yung big bike ni Kuya Ire. Bahala na kung makita ni kuya na nawawala ang big bike niya basta makalabas ako dito sa village. Mahirap na baka malaman pa nila kung saan ako nakatira.

Paglabas ko sa village ay dumeretso agad ako sa isang shop. Alam kong nasusundan na nila ako ngayon. Bakit ba kasi nandito sila? Ano na naman ba ang kailangan nila sakin?

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng jacket ko.

Kamusta na JV? Gumanda ka ata?

What the--? Hanggang ngayon ba may pagnanasa ka parin sakin? Yawa ka! Hindi kita type bro. Dahil sa inis ko isang malutong na 'tanginamo' ang inireply ko. Nagmadali tuloy akong lumabas sa shop pero paglabas ko ay may nakabunggo ako. Malas.

"Oh? Nagmamadali ka ata JV?" Pisting yawa. Malas talaga ako kahit kailan.

"Paano niyo ako nahanap?" Tanong ko dito sa mokong na 'to na kung makangisi ay halatang may masamang binabalak na naman.

"Simple lang" tapos inilapit niya ang mukha niya sakin. Yuck! Amoy yosi!

"Walang sinumang tao ang makakatakas sakin" Natakasan ko nga kayo sa Japan diba?

"And then?"

"Makukuha ka rin namin JV" tapos umalis na sila. Tanginamo talaga Rionne. Hinding-hindi niyo na ako makukuha, hinding-hindi na.

Dali akong nagpunta sa big bike ni Kuya para umuwi na. Naiinis ako. Kung pwede lang silang patahimikin ng tuluyan, ginawa ko na. Nakakainis! May araw din Rionne na ako mismo ang sasapak sa pagmumukha mong gago ka. Kamuntik na ako sayo noon, hinding-hindi mo na ako magagalaw ngayon.

Pag-uwi ko sa bahay tinanong agad ako ni Tita kung bakit nakasimangot ako kaya ang sinabi ko nalang ay may nakasalubong lang akong asong may cancer. Tumawa naman si Tita kaya mas napasimangot ako. Mga ngulngul naman talaga yung mga yun tsk.

---
UglyJollyMeee

Ang Basagulera ng Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon