Chapter Nine

4.2K 206 11
                                    

Abala ako sa pagse-cellphone nang biglang may bumato sakin ng sapatos. Putek! Ambaho! Sana man lang yung mabango ang ibato sakin ano?

Hindi ko yun pinansin at itinuloy ko lang ang pagse-cellphone. Bahala sila jan. Pake ko ba? Sila lang rin naman ang mapapagod.

Ilalagay ko na sana yung cellphone ko sa bag nang biglang may paparating na dagger sa harap ko. Syet! Agad-agad akong yumuko pero nauntog ako sa lamesa ko. Paksyet naman oh! Naiwasan ko nga yung dagger, di ko naman naiwasan yung lamesa parang pagmumura ko, pilit kong iniiwasan pero...

"Tangina ano ba! Letchugas ng mga 'to oh! Inaano ko ba kayo ha! Hindi na ba kayo nagsasawa?! Tang eners!!" Hindi ko mapigilan dahil sa mga punyetang mga 'to. Mga bata diyan, huwag niyo akong gayahin ha? Pakabait kayo para bigyan kayo ng baon ng nanay o tatay niyo. Oks ba? Balik tayo sa mga bakulaw na 'to.

"Umalis ka nalang kasi dito para matahimik na yang buhay mo" sabi nung Malditong Lalaki. Ilang beses ba nilang sasabihin yan sakin. Naman!!!

"Ayoko nga diba" edi kayo ang umalis kung gusto niyo. Sila ang mag a-adjust at hindi ako. Aba kala ba nila matatalo ako sa laban na sinimulan nila ha?!

"Hindi ka talaga nakakaintindi ano?" Masungit na sabi sakin nung Malditang Babae. Nyenyenye! Tsk.

"Bakit ba ayaw mong umalis dito? Hindi kaya.." Sabat naman nung Eklabukadang Babae

"Pinadala ka talaga nila JC dito?" Pagpapatuloy niya. JC? Sinong JC? Hayyy...ano ba yan

"Paano ako ipapadala nung JC na dito eh ni hindi ko nga kilala yan" sabat ko naman. Aba e rereto pa ako sa hindi ko kilala.

"Nagmama-angmaangan ka pa?" Malditang Babae sabay taas ng kilay. Bonga ka dai.

"Wala ka bang utak o mababa lang yang IQ mo? Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko?"

"Ang sabi ko, HINDI. KO. KILALA. YANG. JC. NA . YAN" makitid ba ang utak nito? Hindi nakakaintindi eh.

"What?! Excuse me!" Sigaw sakin ni Makitid ang Utak. Ayan may new nickname ka ulit sakin. Magsawa ka.

"Oh daan na. Ang lawak ng daan nage-excuse ka pa." at gumilid pa ako. Excuse me daw eh.

"May utak ako at mataas rin ang IQ ko for your information! At tyaka baka kasi humina na sila JC at ikaw ang ipinadala nila dito samin tsk" mataray niyang sagot sakin. Abaa! Mataas raw ang IQ tignan nga natin.

"Kung mataas pala ang IQ mo ate, bakit hindi mo parin naiintindihan ang sinabi ko ha? Hindi ko kilala yang putakteng JC na yan at mas lalong hindi ako ipinadala dito sa section na ito para manmanan kayo. Ano? Naintindihan mo na? Ateng Mataas Daw Ang IQ?" Pulang-pula na yung mukha na at parang handa na akong sapakin. Alam kong hindi lang sabunot at sampal ang alam nito. Alam kong may kakaiba sa section na 'to. At iyon pa ang isang dahilan ko kung bakit ayokong umalis dito.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong sinuntok. Napa-oww naman yung mga kaklase namin. Para silang natataya sa manukan nito. Ang lalakas pa ng mga sigaw nila. Typical type of boys when they saw a fight.

Akala niya lang ba siya lang ang marunong manuntok ha!? Hindi lang suntok ang kaya kong gawin sis!

Sinuntok ko rin siya sa mukha pagkatapos umaatras ako ng apat na hakbang then I did my favorite kind of kick. Whirlwind kick. Ayon...taob na...penis na. Nakatulog na siya hehe. Naasar na ako eh. Bigla namang tumahimik lahat ng kaklase namin habang nakatulala sila dun sa Malditang Babae na nakadapa ngayon sa sahig.

Nagulat nalang kami nang biglang may sumigaw.

"Dalhin na siya sa clinic!" Ayon. Nagising lahat sa katotohanan. Agad-agad namang nilang binuhat si Malditang Babae at ipinunta sa clinic. Hindi na ako magtataka kung paano makakarating 'tong gulong ginawa ko kay Kuya Ire. Hayy...magiging kawawa na naman 'tong tenga ko.

Pag-uwi ko sa bahay...

"Jace. Veniz. Cortez." Wee woo wee woo~ call 911 right now!

"Kuya! Aray! Masakit sa tenga! Tttiiittttaaaaaaaa!" Hinila ni Kuya Ire yung tenga ko habang kinakaladkad ako papunta sa living area. Masakit poya naman oh!

"Talagang masasaktan saking bata ka! Ano na naman ang ginagawa mo? Tumawag sakin yung doctor sa clinic niyo at sinabi niyang ikaw ang may kagagawan nang nangyari sa kaklase mo!" Sigaw niya sakin. Hindi ko naman kasi kasalanan eh. Sila naman ang makitid ang utak at hindi ako maintindihan na hindi ko talaga kilala yung JC na yun ih!

"Sila kaya ang nauna! Aray!" Sabat ko pero mas hinigit pa ni Kuya yung tenga ko. Masakit na huuaaaa!

"Jusmiyo Ire!" Sigaw ni Tita pagkakita niya sa amin ni Kuya. Agad niyang pinalo ang kamay ni Kuya na nasa tenga ko. Napa aray naman si Kuya. Agad akong tinabihan ni Tita at tinignan niya ang tenga ko. Masakit talaga ahuhu

"Tignan mo oh! Ang pula pula na ng tenga ni JV! Ire hindi naman ganyan tamang pangsermon mo sa pinsan mo.''

"Tsk. Paanong hindi ganyan eh hindi na nagtino. May ginawa na namang kalokohan sa school nila"

"Totoo ba yun JV?" Tanong ni Tita sakin. Agad namang akong tumango pero..

"Pero Tita sila naman nauna ih! Sumabat lang ako" giit ko.

"Haayy...ano bang gagawin namin sayong bata ka" iiling iling na sabi ni Tita. Madali lang Tita. Ilayo niyo sakin yung mga taong lumalapit sakin dahil lang sa gulo. Matatahimik kayo.

Nakakainis na talaga kasi lagi nalang akong tinatabihan ng gulo. Nakakasawa narin. Huwag na kaya akong makipag-away? Magpakabait na kaya ako?

Ah ayaw ko pala. Kahit naman iwasan ko, susundan parin ako ng gulo. Mahal na mahal ng ako ni gulo eh. Akalain mo kahit saan ako magpunta sinasamahan ako. May poreber kami. Naniniwala na ako sa forever~ Charot.

Nagpunta nalang ako sa kwarto ko at nilagyan ng cold compress ang tenga ko. Masakit parin. Pitikin ko kaya ilong ni Kuya tapos lagyan ko ng stapler. Kainis si Kuya arrghhh!

"Aww" daing ko nang mahagip ko ang tenga kong sobrang pula. Kawawa naman. Napingot na nga, nahagip ko pa. Hayy ano ba yan. Wawa naman bebe tenga ko. Tahan na bebe. Charot...wala pala akong bebe. Sana ol may bebe.

May tatlong bebe akong nakita. Marupok, may ugok, mga bebe. Charot ulit.

----

@UglyJollyMeee

Ang Basagulera ng Last SectionWhere stories live. Discover now