Chapter Twenty-Nine

2.7K 147 2
                                    

(New cover is up!)

Dedicated to: @my_own_mind_01142000

In every arduous problems, there will always be a ravishing solutions.

Marami nang mga pagsubok ang dumating sakin pero nakayanan ko lahat ng iyon. Hindi dahil malakas ako, hindi dahil may mga sumuporta sakin pero dahil meron Siya na laging umaagapay sa bawat yapak ko.

"Ventot!" Salubong sakin nung apat

"Sabi nang tigilan niyo yang Ventot na yan e!" Hanggang ngayon ba naman?

"Bakit ba? Cute naman e" Sabi ni Shau kaya napailing nalang ako.

"Peram ng mga notes niyo." Isa isa naman nilang ibinigay ang mga notes nila sakin. Dalawang notes kay Rhynee, isa kay Jiyo, isa kay Zia, at tatlo kay Shau. Buti talaga at sinunod nito ang utos kong magsulat siya ahaha.

"May performance daw tayo ngayon sa Taekwondo" sabi nung isa naming kaklase. Kakapasok ko palang performance agad? Ang sinasabi ditong performance ay hindi yung sasayaw kami ha lol. Yung maglalaban kaming lahat na by two's. Kung sino ang natalo sa inyong dalawa, may 7 points. Tapos yung nanalo ay perfect points.

"Anong time Taekwondo Class natin?" Tanong ko. Sorry naman nakalimutan ako e.

"After lunch" sagot ni Jiyo na busy sa paglalaro sa cellphone niya. ML pa.

Busy si Shau at Zia sa pagfe-facebook habang si Rhynee ay naglalaro ng...

"Ano yan? Jack stone?" Nasa sahig siya at naglalaro kasama yung isa naming kaklase.

"Ano? Sali ka Ate Jace?" Namiss kong laruin yun kaya naman

"Sige" mamaya na kayong mga notes mwahaha

"Una na ako tapos si Pao then ikaw Ate Jace ahihi" nakaabot siya hanggang sa seven at sumunod naman si Pao daw na nakaabot hanggang sa eight.

"Madaya. Malaki naman kamay ko ah" sabi ni Rhynee habang nakapout. Bata talaga. Natapos ko kasi sa ten at sa second level na ako. Laro namin to noong bata ako e.

"Veniz, can we talk?" Eh? Ano na naman ba kailangan nito?

"Hoy! Balik din ako ah! Wag kayo madaya"

Jonathan's POV

Nasa room na ako bago pa man siya pumasok. Sinalubong siya nila Shau. I'm happy for her. Hindi na niya kailangan pang lumayo sa mga tao.

"Ano? Sali ka Ate Jace?" Tanong ni Rhynee sa kanya at pumayag naman siya. Isip bata.

I'm proud of her. Nagagawa parin niyang ngumiti behind those obstacles she's facing. I want to hug her so bad. Before she could met me as Jonathan, I already met her as Thana. Thana who never give up. Thana and JV is different.

Thana is brave. JV is a weak hearted. Noong nasa misyon siya, kapag may nadadamay na sibilyan ay lumambot siya. A brave woman and at the same a kind weak hearted woman. That's why I fall for her.

"Veniz, can we talk?" Agad naman siyang sumunod sakin.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"Here" sabi ko nang makarating kami sa mini forest ng school. I hug her so tight. Ramdam ko naman na yumakap siya pabalik sakin.

"I miss you"

"Gago! Magkasama lang tayo kahapon e" magmura na naman. Kababaeng tao palamura.

"Mura pa. Gusto mo atang ulitin ko sa'yo--"

"Hep hep hep! Hindi na nga oh!" Sabay takip nito sa bunganga ko at tumawa. I love seeing her laughing and smiling.

"Stop staring" Sabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

Ang Basagulera ng Last SectionWhere stories live. Discover now