Chapter Twenty-Four

3.6K 176 3
                                    

Nakahilata na ako ngayon dito sa kama ko. Hindi na nagawa pang magtanong kanina nila Shau sakin dahil sandamakmak ang inihabol ko kanina. Amp, deadline na pala bukas kaya naman halos hindi narin ako kumain kanina ng tanghalian. Gutom na gutom tuloy ako ngayon. Speaking of gutom,

"Miss JV, baba na daw po kayo. Kakain na po kayo" ayan na naman yung Miss. Ang girly!

"Opo bababa na" mamaya nalang ako magpalit. Gutom na ako e.

"Halika na JV, kain ka na. Oh, ba't hindi ka pa nagpapalit ng damit?" sabi ni Tita. Umupo muna ako bago ko siya sinagot.

"Maya na po Tita, gutom na ako e" at ngumiti ako sa kanya. Masama na naman tingin sakin ni Kuya kaya naman nag belat ako sa kanya.

"Okay, let's pray" yan na ang tradisyon nila Tita. Ang mag pray bago kumain. Pagkatapos naming magpray, kumuha agad ako ng rice tapos yung ulam na sinigang na lapu-lapu tapos adobong manok.

Tuloy lang ako sa pagkain ko kahit na masama tingin ni Kuya. Alam ko na naman nasa isip niyan. Matakaw!

"Tapos nap o ako. Balik na po ako sa kwarto ko."

"Magpahinga ka na pagkatapos mong mag-aral ha?"

"Opo Tito"

Pagdating ko sa kwarto ko ay kinuha ko agad yung twalya ko. Maliligo muna ako bago ko gawin yung gagawin ko. Para naman mas refreshing ahe. Nagbabad muna ako sa tub para naman ma restart ang utak ko.

Itinigil ko na ang pagbabad sa tub nang medyo nangulubot na ang balat ng mga daliri ko. Lumabas akong nakatuwalya lang. Pake mo ba? Nakalock naman pinto ko ahe.

Hinanap ko yung paborito kong suotin. Hoodie na hanggang tuhod ko bale kay Kuya 'to noon denekwat ko lang kaya malaki, tapos cycling. Nagsuot pa ako ng medyas na bunny tyaka ako nagsuklay. Nang matapos ko na lahat ng rituals ko, umupo na ako sa harap ng computer ko at sinimulan nang hagilapin ang iba pang information sa kanila.

Kung e-fishing ko nalang kaya? Ahe tama tama! Pero tinatamad ako kaya yung main nalang na ginagawa ko.

Pindot lang ako ng pindot sa computer ko. Marami akong ini-install dito na antivirus. Nag create din ako ng trap para kung sakali man na may magtangkang e-hack ang computer ko.

"Ayan!" Nahanap ko din

Current location: Philippines
Destination: Mountain Area of Santol (lol)

Bakit sila nakatago sa liblib na lugar? May humahanap din ba sa kanila? Agad kong tinawagan si Master Henri para masagot ang tanong ko.

"Oh?" Ganda ng bungad insert sarcasm. Tsk.

"May iba din bang humahanap sa kanila?"

"Ang sabi lang sakin, bawat lugar dito sa Pilipinas ay hinahanap na sila. Malaking danyos na ang naidudulot nila sa bawat bansa. Bakit mo pala naitanong?"

"Nahanap ko na ang exact location nila"

"Then we'll go now bago pa sila makatakas ulit"

"Ngayon na talaga? As in? Seryoso ka Master Henri?"

"Oo" at pinatay na niya ang telepono. Galing ha, kakabihis ko lang tapos magbibihis ulit ako ganun?

Nagpalit na ako ng damit na katulad nung mga isinusuot ko tuwing may misyon kami. Hindi naman siguro kami matatagalan kaya hindi na ako nagdala ng extra'ng damit.

"Tita, Tito may urgent po pala akong pupuntahan" paalam ko sa kanila nang makababa ako.

"Gabi na ha?" Sagot naman ni Tito sakin kaya napakamot ako sa ulo ko. Ano ang gagawin kong palusot?

Ang Basagulera ng Last SectionWhere stories live. Discover now