Chapter Thirty Two

2.5K 141 6
                                    

Dahil sa nalaman ko, agad akong kumilos. Ayokong may mawala ulit sa pamilya ko.

"Thana sigurado ka na ba talaga?" Kabadong tanong sakin ni Morana..bakit ba to kinabahan? Agent ba talaga to?

"Oo sabi" sabi ko at muling sumilip. Baka kung anong iniisip niyo diyan ha?

"Bakit di mo nalang tanungin si Azriel kung saan ang bahay nila? May gagawin pa ako e!" Reklamo nito sakin.

"Ayoko. Gusto kong ako ang makaalam"

"Nobita! May klase ka pa!" Sabay batok sakin. Aba! Sumusobra na tong babaeng to e

"Aray! Ano ba?!"

"Kanina ka pa e" sabay tingin sa kanya ng masama tutal hindi ko nga alam ang umirap. Kung bakit naman kasi grr.

"Shit!" May exam pala kami ngayon! Patay!

"Oh ano? Napano ka?"

"May exam kami! Retreat!" Sabi ko at nauna nang umalis. Bawi-bawi nalang Morana.

Todo tingin sakin ang mga estudyante sa bawat silid dahil sa takbo ko. Para akong hinahabol ng aso nito.

"So class, you have thirty minutes more" rinig kong anunsyo ni sir sa room namin. Ahuu! Ba't ko ba to nakalimutan? Busy naman kasi akong nagmamanman kina LJ at JC. Kaya pala sila busy'ng busy. Bakit kasi ngayon ko lang naalala?! Kaasar!

Nagulat silang lahat sa biglaang pagbukas ng pinto.

"You're late Ms. Cortez" Sabi ni sir

"Alam ko sir ahe" tinignan ako nito ng masama

"Alam mo pala e bakit ngayon ka lang?!" Napakamot nalang ako sa batok ko. Kasi naman JV eee

"Oh siya, heto ang test paper mo. You only have thirty minutes to answer that"

"Yes Sir. Thank you ser" at agad-agad akong pumunta sa upuan ko at nagsangot.

Pagtingin ko sa test paper ko, napatulala nalang ako. HINDI AKO NAGREVIEW!

Gusto ko na tuloy maglupasay dito at punitin ang test paper na to. Paano na ngayon yan? Paano ako papasa? Malaki pa naman ang percent nito sa grades ko. Grrr, kasalanan to ng mga problema ko. Wakubet.

Dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa mga nasa unahan, inuna kong sagutan yung panghuling number. Tamang hula nalang kapag hindi ko na alam yung sagot.

Nasa kalahati na ako ng test paper ko at tapos narin ang iba kong kaklase. Tapos narin yung apat na krung-krung.

"You still have five minutes to finish your test" anunsyo ni Sir. Ahuhu nasa kalahati palang ako oh!

Dahil wala na akong choice...

"Ini mini maynimo" bahala na kung may makuha ako. Pwede naman akong pumunta sa ibang school kapag bumagsak ako ahe. Tamang palit nalang ganun.

"Ano na?"

"Bakit ka na-late?" Tanong ni Shau nang makarating ako sa cafeteria. Ibinagsak ko ang ulo sa mesa kaya nagsinghapan silang apat.

"Oy gaga ka! Kami mapapagalitan kay Jon neto e! Baka kami pa sabihan niya kung bakit ka nagkakaganyan" gago talaga to.

"Ba't nadamay ang gunggong na yun?" Bored na tanong ko at nangalumbaba. Maggragraduate na ngalang, bagsak pa grrr. Sabagay, may last quarter pay naman. Babawi ako.

"Noon gago, ngayon naman gunggong. Ano ang susunod?" Napatuwid ako bigla ng upo. Putek. Bakit hindi nila sinabi na nandito siya sa likod ko? Tinignan ko yung apat pero patay malisya lang sila. Nagsusubuan na yung dalawang 'babe' tapos yung dalawa naman naglaro sa mga phones nila.

Ang Basagulera ng Last SectionWhere stories live. Discover now