Chapter Seven

4.4K 194 7
                                    

Third day ko ngayon sa school at pinaghandaan ko ang araw na ito. Bakit? Malamang magiging mas impyerno pa ang buhay ko ngayong araw. Dahil nga narinig ko ang usapan nila kahapon, edi nakapaghanda ang lola niyo. Kala nila ah! Girl Scout ata to pre!

Pagpasok ko sa classroom, bakit walang tao? Nang biglang may lumilipad na kutsilyo na paparating sakin. What the hell? Seryoso nga sila. Naiwasan ko yung isa pero yung sumunod na kutsilyo, namuntikan ako. Dumaan kasi yun sa gilid ng tenga ko. Buset talaga tong mga to eh!

Pagtapak ko pa ng isang paa ko may lumipad ulit sakin na bread knife. WTF? Tapos may lumanding na timba na may mga uod sa ulunan ko. Agad-agad naman akong umiwas. Jusmeee ayoko sa mga uod! Mga pisting yawa kayo!

Talaga bang ginagalit ako ng mga to? Hindi ko namamalayan na may padating na palang kamao sa mukha ko. Hindi ko iyon napansin kasi umiwas ako sa mga uod. Buset na to oh! Kawawa yung mukha ko. Mukha na nga akong bruha tapos gusto pa nilang maging tabingi mukha ko ganun? Aba't sumusobra na 'tong lalaking 'to ah! Nakadalawa na ng suntok eh! Kala mo ah.

Bumawi rin ako sa kanya ng suntok. Apat na beses. Doble sa ginawa niya sakin. Kala neto di ko siya papatulan porket lalaki na? Tinignan ko ang mga nakapaligid samin, yung nga gagong kaklase ko, naka ngisi silang lahat even those two shitty girls. Oh pak ka sa english ko! Iniinis niyo talaga ako ah!

Habang nagsasapakan kami ay may tumitira rin ng mga kutsilyo. Eto namang kalaban ko eh nagpa-parkour. Tunguena nila! Tuloy ako todo iwas. Buti nalang pinaenrool ako noon ni Kuya sa taekwondo at judo.

"Ano ba? Bakit niyo ba 'to ginagawa?!" Pagod na ako. Pagod na akong umiwas sa mga kutsilyo at suntok! Nang bigla silang tumigil.

"Kasi hindi ka pa umaalis dito." Sabat nitong Demonyong Lalaki

"Sabihin mo nalang kasi na ispiya ka nila sa first section" sabat ni Malditang Babae. Ispiya? Eh?

"Anong ispiya? Ni wala nga akong kakilala dito buset" ang shu-shunga nila enpernes.

"At nagmamaang-maangan ka pa?" Sabi naman nung Malditang Babae Part Two

"Uh?" hindi ko na napigilang tumawa. Tawa lang ako ng tawa sa harapan nila.  Adik ba sila? Habang tumatawa ako biglang may nanghagis sakin ng kunai pero nasalo ko. Wala sila aba! Hindi lang ako basta-basta taekwondo at judo student mga pards!

"Gusto niyo bang gilitan ko kayo sa leeg gamit ito?" Tanong ko sa kanila habang hawak ko ang kunai. Kabanas sila jusme

"Haha kaya mo ba? Ni puro ka nga iwas kanina tss" sabat nung kalaban ko kanina. Aytt ganun? Hindi ko kaya? Weh? Di nga?

"Babae ka lang" sabat nung Malditang Babae. Ay ganun? Babae ka rin teh pero hanggang sampal ka lang rin naman ah! Ako, babae ako pero nanununtok ako bes!

"Oh really?" Tapos lumapit ako sa kanya. Tahimik lang na nagmamasid si Malditong Lalaki sa pwesto niya. Para siyang boss ha? Pero wakobet parin.

"Babae lang ako? Oo babae ako pero kaya kong gawin to!" Sabay hila sa lalaking kalaban ko kanina at sinugatan ko kaunti ang leeg niya. Kala nila ah! Kung hindi ko lang kasi kailangang mag-aral e. Nakakainis na.

"Oh fvck!" Mura nila nang pumatak ang dugo nung lalaking kaaway ko kanina. Konting dugo lang naman yan e. Ang OA nila. Donate ko pa sa kanila dugo ko e.

"Sht"

"Hey!" Sabi nung lalaking sinugatan ko. Ano ngayon? Babae lang pala ako ah! Di porke't babae na ako di na ako marunong lumaban.

"Ispiya ka nga talaga!" Sigaw nung Malditang Babae Part Two. Ispiya? Ispiya talaga? Bakit naman ako magiging ispiya ng first section eh ni wala nga akong kakilala dun?! Please, isa lang talaga. Isang sipa lang sa mukha nitong babaeng to ayos na ako.

"Ispiya ka ng ispiya! Kaladkadin pa kita hanggang sa first section eh!" Nakakaasar! Sabi nang wala akong kakilala dun eh! Ang kukulit nila.

"Pwede ba, tigilan niyo na ako. Wala kayong mapapala sakin dahil hindi ko kilala ang mga first section at isa pa wala akong balak umalis dito malilintikan ako kay Kuya"

"Bakit naman ayaw mong umalis dito? Ha?" Hakdog.

"Kasi malilintikan ako kay Kuya...wala lang"

"Anong wala lang eh may ibinulong ka?!" Ang maldita talaga ne'to eh. Penge naman po ng kamalditahan lol.

"Ano namang pake mo kung may ibinulong ako?" Nakakaimbyerna ka na promise.

"Aba--" be bi bo bu mo

"Tama na nga" sabi ni Demonyitong Lalaki

"Kung ayaw niya talagang umalis dito, hayaan niyo na. Siya na ang lumalapit sa disgrasya niya" oh! Edi maganda. Ni si kamatayan nga takot sakin eh. Minsan na akong kinalaban ng disgrasya at kamatayan mga bro!

Kala ata ng mga 'to magpapatalo ako sa kanila. Aba ilang eskwelahan na ang napasukan ko dito pa ba ako aatras? No way! Hinding-hindi niyo matatalo ang tulad ko ng basta-basta.

---

@UglyJollyMeee

Ang Basagulera ng Last SectionOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz