21: business is business

58.1K 2.9K 960
                                    

21: business is business#DWTDwp

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

21: business is business
#DWTDwp

Pi


"Ouch ano ba don't tie me, as if naman tatangkain kong tumakas, kung gusto ko edi kanina pa!" I glared at the guy with a braided hair. Syempre hindi ako tatakas. Kidnapping like this is a blessing in disguise, duh.

Lumuwag ang hawak nito sa braso ko at tila nagtatanong na tumingin sa kasama na gaya niya ay naguguluhan din.

"Ano, bababa ba tayo dito sa sasakyan or hindi?" tanong ko. Naiinip na ako, gusto ko ng makita si Cooler.

"Don't try to scream or do anything foolish Miss," sabi ng isa, I guess his name is Eros.

"K."

Muli silang nagtinginan at binuksan ni Hermes ang pinto ng sasakyan. Tahimik na sumunod naman ako, not making it too obvious that I am so excited for this. Hindi iyon warehouse, in fairness pero mukhang basement iyon ng gusali.

I'm positive Cooler is here. As if on cue, a phone rang at sinagot iyon ni Eros.

"Zeus..." He listened for a while at nang pinatay niya ang telepono ay naglabas siya ng panyo mula sa bulsa at ipiniring iyon sa akin.

Oh, a blindfold.

It would be romantic, I guess. Cooler will be surprised to see me instead of the Congressman's daughter. Thanks girl, thanks.

“Eros,” narinig kong tawag ng isa. “Isn’t this girl weird? She neither shout nor tried anything to escape.”

“Iyon din ang iniisip ko,” sagot naman ng isa.

If I wasn’t blindfolded, I would have rolled my eyes. Thank goodness, hindi nila binusalan ang bibig ko kaya kahit papaano ay makakasagot pa rin ako. “Bakit, sa tingin ninyo kapag sumigaw ako palalayain ninyo ako?” Plus, ayaw kong palayain nila nang hindi man lamang nakikita si Cooler. I experienced a traumatic event last night dahil sa mga walanghiyang mga man of steel na iyon, the only way to cheer me up is to see Harry or Cooler.

Right now, Cooler is feasible.

“You have a point. Did you check her? Paano kung may ginawa pala siya para masundan tayo ng mga bodyguards ng congressman?”

“Nothing, I checked and found nothing. At isa pa kung nasundan man tayo, malamang naramdaman na natin kanina pa. I don’t think someone followed us.”

Well, that is possible if Zero hasn’t found out I was kidnapped. Sana ay walang CCTV sa malapit ng parking lot na iyon dahil kung meron malamang hinahanap na ako ni Zero. He knew it when something’s not right at kahit saan man ako dalhin ay mahahanap niya ako. These guys shouldn’t underestimate Zero’s protective abilities which applies to me.

Pero sana naman ay huwag niya akong iligtas sa kidnapping na ito.

I heard a door opened and I was pushed towards a chair. Ramdam ko ang mesa na nasa harapan ko. And I almost melted when I heard the voice I long to hear.

DEALING WITH THE DEVIL (Vander #1-COMPLETED)Where stories live. Discover now