52: do your best

57.1K 2.9K 982
                                    

52: do your best #DWTDWP

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

52: do your best
#DWTDWP

Pi


"Ang kapal din naman talaga ng mukha," I sort of said in a low voice but enough for Flavio to hear me say it. Napatigil siya sa tangkang pagsindi ng kanyang sigarilyo at tumingin sa sa akin. Sinigurado niya munang nakalalayo na si daddy na tulak-tulak ng kanyang nurse sa wheelcahir. It's been three days mula nang makalabas siya sa ospital and this guy has the guts to come here, drink coffee and laugh with my dad?! The audacity!

"Pi," umayos siya ng upo at nag-angat ng tingin sa akin. "I'm always aware of your hatred towards me ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung ano ang rason."

"Aside from you have an ugly face that is enough reason to hate you, you're a dickhead who betrays people. Cut out the drama Flavio, alam kong ikaw ang mastermind sa tangkang pagpatay kay daddy." If I didn't wake up nice today, malamang halos mapugto na ang mga ugat ko sa labis na galit ngayon. Wala na nga akong amor na makipagplastikan sa kanya at tawagin siyang Uncle.

He smirked at me and now my day's ruined. Not all people look good with a smirk! "Pi, kung sakaling hindi mo alam, nasa Miami ako at inaasikaso ang negosyo nang mangyari ang sinasabi mo."

"You don't need to drag your ugly ass physically just to kill dad."

Tumawa siya, the one without remorse. "Wala akong alam sa sinasabi mo. And if you will insist on that, ako pa rin ang paniniwalaan ng daddy mo. What a stupid man, he's so gullible. Sooner or later ay magpapaalam ka na sa kanya."

He grinned like a mad man and now I lost it. I lunged towards him at ilang beses siyang kinalmot sa mukha. How could he... How could he do so! Pinagkatiwalaan siya ni Daddy and this is how he will repay him!

I am going to kill him!!!

Biglang nagkagulo sa bahay at napuno iyon ng mga bayolenteng sigaw ko. The guards tried to mediate us at maging si Juan na kagigising lamang ay bumaba na rin upang hilahin ako palayo kay Flavio.

Now he looks uglier with that scratch marks on his face. Mayamaya ay bumaba ulit si Daddy, looking distress as ever.

"Anong nangyari rito?" tanong niya sa amin. "Oh my God Amigo, anong nangyari sa'yo? Pi?"

"He deserved it! Papatayin ko siya--"

"Go to your room Pi."

"Dad, he--"

He looked at me with pleading eyes. Tinapik naman ako ni Juan sa balikat at hinila paakyat sa hagdan. "Come on Sis, inisturbo mo ang tulog ko."

I was still shaking in anger gayunpaman ay hinayaan ko na lamang si Juan na hilahin ako paakyat. Dinala niya ako sa silid niya at kumuha ng bottled water sa kanyang mini-fridge at inabot iyon sa akin.

DEALING WITH THE DEVIL (Vander #1-COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu