Chapter 2

3 1 0
                                    

Nakarating naman ako ng matiwasay sa syudad. Sinamahan ako ni ate Leila kasi alam niya ang lugar na yun kesa sa ibang mga kasama namin sa norte. Tinuro niya sakin ang daan papuntang palengke, pati narin papuntang mall para naman daw makapag gala gala ako kahit papano.

Tumira ako sa isang apartment malapit lang din sa opisinang papasukan ko. Okay naman ito, pang saktuhan din sa pagiging mag isa ko kaya lang kasi dalawang kwarto kaya siguro pede akong makahanap ng makakashare doon. Sayang kasi yun kung tutuusin. Itinuro nadin sakin ang daan papuntang kumpanya para hindi ako mahirapan sa lunes.

Tutal naman ay nag bigay sila ng allowance ko ay pinang bili ko ito ng ibang kagamitan. Sa susunod na uwi ko ay dadalhin ko ang ibang gamit sa aking bahay. Para hindi sayang at hindi ito masira. Hindi naman kulang ang gamit na andito, kumpleto siya mula sala, kusina at kwarto, pero syempre may ibang kailangang idagdag pa.

Ngayong sabado ay nag grocery narin ako dahil walang stock man lang na kahit anong aking makakain. Kahapon kasi ay nagtake out lang ako pag tapos kong maihatid si ate Leila sa sakayan ng bus. Pag tapos ko mag grocery ay nag ikot ikot nadin muna ako sa department store at nag tingin tingin ng kung ano ano lang.

“She is! Right honey?!” Pinanlakihan naman ako ng mata ng lalaking bigla bigla nalamang akong inakbayan. Sa sobrang gulat at takot ko naman ay napa oo nalang din ako sa mga ito.

“Psh! I don’t believe you Jacob. You change girls every damn hour so how come you are committed to that girl?!” Inis na sabi ng babae sa harap namin.

“You don’t fucking care. You are one of them so shut the hell up!” Bakas naman sa mukha ng babae ang galit at kahihiyang inabot nito sa lahat ng nakakakita sa amin. Pero ang lalaking naka akbay padin sakin ay walang tigil padin sa pang aasaar dito. “Better leave or i’ll call security and bann you right here!” Napaluha nalamang ang babae saka naman ito umalis at hinawi ang mga taong nakikiusyoso.

Ng maka alis naman ang babae ay hinarap naman ako ng lalaki. Sa sobrang galit ko din sa ginawa niya rito ay ako na ang gumanti. Sinampal ko ito ng pag kalakas lakas at halos bumakat ang kamay ko sa pisngi niya.

“You deserve that slap! You don’t have any rights to treat any women like that. You’re just one of the guys who treat girls like trash. So better fuck off!!”

Dali dali naman akong umalis sa lugar na iyon at sumakay na ng jeep upang makauwi. Minsan lang ako magalit dahil kakayanin kong mag timpi pero kung ganun lang din naman ay hindi ako mag dadalawang isip na magalit sakanila. Hanggang bahay nag pupuyos ako sa galit dahil lang sa nangyari kanina.

Nadamay pa ako biglaan sa kalandian ng lalaking yun. At kung lokohin niya yung babae at ipahiya sa harap ng ganun ka daming tao, parang walang maayos na buhay. Kaya karapat dapat lang na makatikim din siya ng isang sampal galing samin mga babae. Kala niya ah!

Ng gabing iyon ay lumabas akong muli at nag lakad lakad sa nakita kong parke malapit. May mga taong nag jojogging, may nag yoyoga, may nag lalarong mga bata sa play ground at may mga kasintahang nag lalandian sa mga upuan. Nag ikot ikot lang din naman ako hanggang sa pauwi na sana ako ay may biglang humarang saking apat na lalaki na malalaki ang katawan.

“Sumama ka ng maayos para hindi ka masaktan Lady Ria” bakit nila ako kilala? Inalalayan naman nila akong makasakay ng van at saka namin binaybay ang lugar na hindi naman ako pamilyar na.

Hanggang sa puro puno nalang ang nakikita ko at sa dulo ng daan na iyon ay isang maliit na bahay pero luma na. Hindi ako nahilig sa teleserye pero ganto ang itchura ng lugar ng mga taong dinudukot o nakukuha ng mga sindikato.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now