Chapter 24

2 1 0
                                    

Naging maayos naman ang pag sasama namin ni Pepa. Nag daan ang pasko at bagong taon na naging masaya naman kami. Namasyal kami sa kung saan saan at binilhan ko siya ng mga bagay na gusto niya. Kumain din kami sa gusto niyang kainan at nakapag laro din sa amusement park.

Maayos naman ang naging buhay namin. Pinayagan siyang pumasok sa eskwelahan sa awa ng diyos. Pinag exam ito at nakapasa naman sa pagiging kinder niya. Ako naman ay bumalik na sa trabaho. Hapon ang pasok ni Pepa kaya naihahatid ko siya ng tanghalian. Ipapasundo ko naman ito kay Mang Ramon ng alas tres ng hapon.

Sasama siya sa akin sa opisina ng umaga. Maaga rin naman kasi ito nagigising, hindi naman ito naboboring sa opisina dahil may laruan siya. Binilhan ko nga ito ng tablet upang makanuod habang nasa opisina ko. Pero pag dating sa bahay ay sa t.v nalang ito nakatutok at sa iba pa nitong laruan.

Wala naman akong balita sa mga taong umalis sa buhay ko. Nag tratrabaho nga ako sa kumpanya ni Christian pero simula nung trahedya ay ako na ang namuno. Hindi ako natutuwa dahil hawak ko halos ang lahat ng departamento. Ni ultimo board members ay tiwala sakin kaya tutok din ako sa gawain.

Hindi ako pumapayag na mag karoon ng meeting sa labas dahil ayaw kong iwan si Pepa sa opisina. Laging sa conference room para pag natapos ay mabalikan ko agad ito. Ang dami ng nag tatanong sakin patungkol kay Pepa. Sinasabi kong anak ko ito pero hindi talaga sila naniniwala. Sa puso ko naman ay anak na ang turing ko rito. Sa gustong tao ko lang naman gustong ikwento ang lahat at pili pa iyon.

Hindi kasi kami mag kamukha, kayumanggi ang kulay nito samantalang ako mapusyaw. Singkit ang mata niya tapos ako naman ay may kalakihan. Medyo pango ang ilong at manipis ang labi at lahat ay halos kabaliktaran sa akin. Prinoprocess kona din ang adoption papers niya. Gusto kong maging legal na ina at kahit papano naman ay pumayag na sila.

“ma’am andito napo si Mr. Ramos para sa meeting ninyo” inform ni Maggie sa akin.

“susunod ako. Ikaw na munang bahala kay Pepa pag dating”

“yes ma’am”

Sa opisinang ito ay naging bali-balita ako ng ako ay bumalik. Hinayaan kona sila dahil tapos na ako sa gulong iyon. May nag tangka nadin mag interview sakin pero hindi ko sila pinaunlakaan lahat. Binista din ako ng General at wala naman ng ibang sinabi patungkol sa iba.

Basta lahat sila ay nasa ibang bansa at malapit ng makabayad ang bansang ito sa China. Hindi narin naman sila nag pasabog pa. ang huli nilang gulo dito ay ang pasabugin ang maliit na airport sa South. Yun na ang huli dahil nakapag usap na ang pinuno ng bansang ito at ng bansa nila.

Natatawa pa ako pag naalala ko ang mga kalokohan ni Martina noon at kahit si Christian. Pero mukhang hanggang ala-ala na nga lang ata sila sa akin. Umaasa akong babalik sila pero nakakapagod mag hintay sa wala. Sabi nga nila ‘kung babalik ang taong nawala sa buhay mo ay mag pasalamat ka, dahil hindi lahat ay kayang gawin ito lalo na kapag sinaktan ka ng husto’

Sapat na siguro si Pepa sa buhay ko. Ayaw kona mag hanggad pa ng iba dahil baka mawala nanamn ito. Si Pepa nga ay minsan iniisip kong kukuhain din sakin, takot na takot ako ng kausapin ko ang gubyerno upanv makuha siya. Sobrang nerbyos dahil akala ko hindi sila papayag. Yun pala ay pirmado na at inaayos na ito at makukuha ko nalang din pag ka tapos.

Bantay sarado ko siya lagi at kahit sa eskwelahan ay pinababantayan ko ito ng husto sa guro at sa mga guard doon. Kaya ko silang bayaran ng triple maging ligtas lang ang anak ko.

“ma’am nasa lamesa niyo na po pala yung mga papel ng nag apply na mag babantay kay Pepa. Pinadala po kanina dito ng agency”

“thank you Maggie!”

Tinignan ko naman na muna si Pepa sa kanyang ginagawa saka ko inisa-isa ang papel na andun. Ang huli folder ay ikinagulat ko dahil ito ay anak ni Auntie Sita. Jennie Magbanua, mas matanda ito sakin ng dalawang taon at mukhang may anak na ito ngayon. Base sa files na pinasa niya ay may isang anak na ito na tatlong taong gulang na. Wala sa papel na kasala ito o kung nag sasama sila ng lalaki. Maayos naman ang record nito at naging yaya nadin sa limang pamilya na puro pa foreigner.

Binalak ko na kasing may mag bantay din dito dahil ayaw kong nahihirapan siya dito sa opisina at alam kong nabuburyo rin ito. Tuwing weekdays lang naman dahil kaya ko na ito kapag weekend. Hindi man umaapila ang bata pero gusto kong maging komportable ito. Ayaw ko din ng stay in dahil wala naman din itong pwe-pwestuhan sa condo.

Nag tanong na nga din ako ng mas malaking condo unit at may mababakante sa katapusan kaya duon kami lilipat. Fully furnish din naman kaya kagamitan lang namin ang aming hahakutin. Sagot ng kumpanya ang kalahating halaga ng bahay at ako naman sa kalahati kaya pumayag na akong lumipat.

Nang gabing iyon ay pinasyal ko si Pepa sa mall. Wala naman kaming gagawin bukas, pupuntahan ko lamang ang agency ng kukuhanin kong kasambahay at siguro’y mag iikot ikot muli sa kung saan.

Kumain kami sa isang restaurant at ang nakakainis lang sa media ay hindi parin sila tapos na kulitin ang buhay ko. Ang tagal tagal na ng pangyayari pero hindi parin sila matahimik. Ang gusto lang naman nila malaman ay tungkol sa mga taong nawala sa tabi ko. Kung sila ay nag hahanap malamang ako din ay gusto malaman kung kamusta na sila. Pero pare-parehas kaming walang makuha sa isa’t isa.

“mama tignan mo oh!” turo nito sa karosel sa gitna ng mall. “pede po ba akong sumakay dyan?” ngiti ko naman rito.

“syempre naman. Pero papanuorin lang kita huh? Nahihilo kasi ako sa ganyan” tango naman nito sakin saka nag tatatakbo papunta roon. Malapit na sana ito ng may dumaan ding lalaki at nag ka bungguan sila. Dali-dali ko naman itong tinakbo.

“are you okay Pepa?” suri ko naman sa katawan nito.

“yes mama!” thumbs up pa nito kaya natawa ako ng bahagya. Pagka tayo ko naman ay napa atras pa ako sa gulat sa nakita ko.

“Ria?!” gulat niyang sabi sa pangalan ko. “ahm… anak mo?”

“ah oo… mauna na kami huh!” iniwan naman na agad namin ito saka nag tungo sa karosel. Naka sakay naman agad si Pepa duon at naiwan lang ako sa barikada at pinapanuod ito.

Bumaling akong muli sa pwesto ng lalaki kanina at andun padin ito nakatingin sakin habang naka pamewang. At least kahit papaano ay isa man sakanila alam kong ligtas at maayos ang buhay.

Napapansin ko din ang tingin ng ibang tao rito dahil Dos really is a head turner. Wearing his long sleeves and black slux tas kahit nakatayo lang sa gitna ay talagang napaka gwapo pading tignan. Mas lalo pang nadepina ang katawan nito at halatang batak sa kaka ehersisyo. Nginitian ko nalang din ito saka tumango bago binalik ang tingin kay Pepa.

Masayang masaya ito kahit simpleng karosel lang. siya ang nag bigay kulay sa madilim kong mundo sa ngayon. Hindi ko naman siya itatangging anak ko dahil yun na talaga ang turing ko rito. Mahal ko ang batang to at handa akong ipagsigawan ito sa buong mundo.

Bumaling ako ulit sa pwesto ni Dos pero wala na ito ruon. Mukhang nakakuha lang naman ito ng impormasyon patungkol sakin. Pero nakita naman na si Pepa sa opisina kaya paniguradong nakarating na ito kay Christian. Siya parin naman ang may ari noon. Sana lang ay maka balik na sila, kahit papano ay namimiss ko din naman sila.

Hindi ko man mabanggit ang pangalan nito pero hindi parin naman ito naaalis sa isip ko. Mukhang pati puso ko ay dala niya rin sakanyang pag alis. Yelo narin naman ito kaya paniguradong mahihirapan narin itong matunaw.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now