Chapter 41

2 1 0
                                    

Tambol ng dibdib ang tanging naririnig ko ng bitawan niya ang salitang iyon. Paniguradong namumula ako sa kahihiyan pero hindi ako makaiwas sa titig niya at para na akong tuod sa harap nito. Sa mata niya ko lang din nakita ang sinasabi nilang kalungkutan. Kahit itanggi ay bakas na bakas ito.

Matagal din kami halos hindi nag kita kaya ngayon ko lang siya muling natitigan. May tumutubo na siyang bigote at pati balbas niya meron nadin. Samantalang napaka linis niya noon at wala kang makikitas bakas ng buhok sa kanyang mukha. Magulo din ang buhok niya ngayon at ang mata niya nga ay napaka lungkot.

“sorry kung natakot kita” tingin nito sa kamay kong hawak hawak niya. “I just… mahal kita Ria… mahal na mahal kita” naluha ako pag ka sabi niyan nun. Halong gulat at pag ka bigla kaya naluha ako. Yun ang tanging reaksyon na nabigay ko.

“dito ka talaga nag tapat?” loko ko rito saka naman pinunasan ang aking luha. Napa ngiti lang din ito sakin saka narin pinunasan ang aking luha sa pisngi.

“I just want you to know… I won’t push you Ria… i’ll wait…” ngiting tipid nito sakin.

“hindi kana iiwas?” natawa naman ito sa sinabi ko.

“it was a mistake babe… but no… I won’t do it again. And I’m sorry about Jewel… she’s engage actually” nagulat naman ako. Sus pa iyak iyak pa ako nun tapos ikakasal na pala sa iba. Sayang lang pala iniyak ko.

“anong drama mo naman kay Jacob?” asar ko muli rito na ikinailing lang niya.

“akala ko lang naman po” lambing nitong sagot sakin.

“sus! Lika na nga! Trabaho muna!” tango nito sakin. “pero pwede paki ayos tong sasakyan mo?! Hindi ako makalabas!” tumawa lang ulit ito sakin saka nadin naman lumabas.

At least kahit papano natapos na lahat ng problema ko. Lahat ng pain sa mga tao nanakit sakin. Usap lang talaga ang kailangan para sa ikakapanatag ng lahat. Sana wala ng pumasok pang gulo. Nakakahilo ang problema sa mundo kaya wag na sanang dagdagan pa ng ibang tao.

Pag pasok naman namin sa kumpanya ay panay bati lang samin ng tao. Lalo na ang iba dun ay mga nakasama ko din ng matagal na panahon. Napapahinto lalo na pag kinakamusta nila ako. Pero nahihiya din pag hinihintay ako ni Christian sa tabi.

Napag tagumpayan naman nila ang presentation. Nagustuhan ito ng cliyente kaya pumirma din ng kontrata pag ka tapos. Christian is actually impress dahil may potensyal ang lahat ng andun. Samantalang sa main company halos ilang beses munang i-aadjust bago pumasa.

“thank you Christian. Your team is really that great. Noon pa man!” tuwang puri ng cliyente samin.

“your welcome sir. It’s good doing business with you” nag paalaman nadin naman ang mga ito at nag pa iwan na muna kami sa may conference kasama ang manager at staff ng marketing team.

Panay papuri ang sinabi ni Christian sa mga ito. Kinikilig kilig pa nga ang dati kong boss. Medyo paminta din kasi ito at mukhang bumigay ito sa harap ni Christian ngayon. Umikot naman kami sa opisina nila para matignan ni Christian ang ayos ng mga ito. Nan libre pa ito ng lunch dahil sa husay ng lahat. Kinamusta ko din ang iba doon habang siya ay nag iikot ikot lamang.

“grabe ka LeRia! Araw araw mong nakakasalamuha ang boss natin! Pagka swerte mo talaga!” loko ng isa sakin. Di ko naman close ito ngayon kaya nagulat ako at nakihalo dito sa mga kausap ko.

“hindi rin naman ganun kadali. Strikto parin yan at talagang ayaw ng simple lang. gusto niya ay mas angat sa lahat” sagot ko rito.

“kahit na girl! Paka gwapo naman niyan kaya ayos na sakin kahit maarte siya” kilig na sabi pa nung isa.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now