Chapter 5

1 1 0
                                    

Paalis na sana ako ng condo ng may humarang sa aking mga lalaki. Maaga sana akong papasok pero heto sila’t nakaharang sa daan ko. Hindi sila yung mga guard ni Jacob, napa atras pa ako bago ngumiti ang isa. Pare-parehas silang naka tingin sakin. Lagpas sampu ang mga taong nasa harap ko. Ke dudungis pa.

“so you’re the season that Jacob wants now huh?!” naguluhan naman ako sa sinabi nito sa akin.

“I’m sorry?!”

“tell him about the car that he owes me okay?” tapik niya sa balikat ko saka sila umalis lahat sa aking harapan.

Shit! May panibago nanamang mga lalaki sa harap ko! Tsaka anong season ba yung sinasabi nila?! Pati yung asawa ng kapatid niya yun din ang sinabi. Naguguluhan tuloy ako sa season na yun.

Ng mawala na sila sa paningin ko ay dahan dahan naman nadin akong nag tungo sa elevator. Tinignan kona din muna ang paligid dahil baka mamaya ay andyan pa sila.

Lahat sila mga nakasuot din ng itim na damit. From shirt to pants up to their shoes. Pero halata mo silang parang goons dahil nakakatakot ang mga itchura nila. Lagpas sampu pa silang naka akyat dito akala ko ba hindi sila ng papaakyat ng kung sino sino?!

Not like Jacobs’ men, ganun man din ang attire nila pero they are neat and clean. Mag tataka ka kasi marami sila pero sa itchura nila they won’t harm any one else in public. Matatakot kalang kasi ilan silang naka bantay para sa yo.

Ng makarating ako ng lobby ay nag dere-deretcho ako sa front desk. Nag bubulong bulungan ang mga ito pati narin ang guard.

“excuse me?!” tigil nila saka lumapit sakin “sino yung mga lalaking pumasok kanina?! Kala ko ba bawal mag papasok ng kung sino sino dito?”

“I’m sorry ma’am! Pero tinutukan po kasi kaming lahat ng baril kaya wala na po kaming ginawa! Tumawag na po kami ng pulis pag ka alis nila kanina! Ginulo po ba nila kayo?!” shocked was written in my face. Sabi kona masasamang tao yun eh.

“Autumn!” sigaw ng kung sino sa likod ko saka ko nanaman nakita ang mga guard nito at si Jacob. “did they hurt you?!” iling ko rito.

“sino sila?!” hinawakan naman nito ang balikat ko saka ako hinatak at niyakap ng mabuti.

“thank God!...” hinayaan ko nalang ito sa ginawa sakin saka kumalas din naman “I’ll send you to your office” saka na ako nito isinakay sa kanyang sasakyan.

“teka si mang Ramon-“

“he already know” saka na ito inalalayang makasakay at saka naman siya umikot papuntang drivers’ seat.

Hindi narin naman pa ito nag salita habang binabaybay namin ang daan papuntang opisina. I was clueless on what’s happening pero hindi na ako na ngulit pa rito. Bakas sa mukha niya ang takot pati narin ang galit sa nangyari kanina. Hindi ko sila kilala at base sa reaksyon niya ay mukhang may gagawing masama sa akin ang mga taong yun.

I might not know who the real him is pero mukhang kalaban niya ang mga ito sa kung saan. Sabi narin naman ng lalaki kanina na may utang na kotse si Jacob dito. Pero bakit kaya kotse?!

Nakarating kami ng opisina pag ka lipas ng tatlumpung minuto. Maaga pa kasi kaya ma traffic padin ang daan. Huminto lang ito sa tapat habang hindi parin ako kinikibo.

“are you okay?” umiling ito sa akin pero ang tingin niya ay nasa manibela parin.

“I can’t eat lunch with you today so might as well wait for the food that will be delivered from you” tango ko rito.

“I have to go” tumango lamang siya saka narin ako lumabas. Pag sara ko ng pinto ay pinaandar narin naman agad nito ang kanyang sasakyan. At bumuntot naman ang mga guard nito sakanya.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now