Chapter 19

2 1 0
                                    

Nagising ako sa bigat ng aking katawan. Nag pungas pungas pa ako bago tumihaya sa pag kakahiga. Nakayakap pala sa akin si Jacob kaya medyo nabigatan ako at nangalay. Hindi ko rin alam kung anong oras na dahil walang bintana sa lugar na ito. Ngayon ko lang din napagmasdan ang kapaligiran.

May bed side table at dun nakapatong ang mga lampshade na nag bibigay liwanag sa buong kwarto. Sa harap ng kama ay may kabinet lang at malinis naman ang ibabaw nun. Pinto sa kaliwa ay sa banyo at pinto sa may kanan ay ang pag labas rito. Ang bed sheet ay kulay puti at tulad sa kwarto ni Jacob sakanyang bahay ay ang kumot na makapal ay kulay gray.

Binalak kong alisin ang kanyang pag kakayakp ngunit nagising nadin ito bago ko pa man matanggal. Yumakap ito lalo at sumiksik sa aking leeg. Namayani tuloy sa aking alalala ang nangyari saamin kagabi.

Yun ay ang aking una. Nag sama man kami ng matagal sa iisang kwarto ay ramdam ko ang respeto nito sa akin. Laking pasasalamat ko roon pero kagabi ay sobra narin siguro sa panatag ng aming nararamdaman ay bumulusok nalang ang init sa aming katawan.

“morning sweetie” bulong nito sakin.

“morning baby” ganti ko rito na ikinayakap pa muli nito ng mahigpit.

“are you sore love?” namula naman ako sa tanong nito at napatakip ng mukha. “ngayon kapaba mahihiya?” biro nito sakin lalo at sumiksik sa aking leeg upang mangiliti.

“stop na!” pigil ko rito na ikinatawa niya.

“fine!” dampi nito sa labi ko. “I’ll take a bath na tapos ikaw naman” tango ko rito. “I have clothes in the closet, find some for you as well. A dark one please, I don’t want my friends ogling at you” natawa naman ako sa sermon nito saka na siya pumasok ng banyo.

Sinuot kona muna ang roba na suot ko kagabi saka tumayo at nag halungkat sa damitan nito. Kinuhaan kona din siya ng t-shirt at shorts saka ako nag hanap ng akin. Wala ako kahit na anong damit na dala. Ultimo underwear ay wala. Gustuhin ko man labhan ang gamit ko kahapon ay wala naman akong sasampayan. Ayoko itong isampay sa banyo at baka maasar lang ako pag napansin pa iyon ni Jacob.

Naupo lang naman ako saglit at natapos nadin naman agad si Jacob. Sumunod na ako agad bago pa man ito mang asar  buti nalang din at kumpleto ang gamit sa banyo. Hindi ito kalakihan pero kasya parin ang magarbong shower room.

Pag labas ko ay andun padin si Jacob at nag hihintay. Bakas ang pag kunot ng noo nito habang nag pupunas ako ng buhok.

“you don’t have under wear?!” nanlaki agad ang mata ko.

“yeah! Wala po akong spare remember??”

“fuck!” dali dali agad itong tumayo at lumabas ng kwarto. Naupo nalang ako sa may tapat ng lamesa at nilabas ang suklay sa may kabinet. Nang matapos naman ako ay dumating na si Jacob at may bitbit na paper bag.

“get inside and wear it! It’s a new pair” bakas parin ang galit sa mukha nito kaya sinunod ko nalang.

Pag kakita ko ay bago nga ito. Pinag tatakahan ko lang kung saan galing at hindi lang ito basta isang pares. Madami ang nandito at lahat ay sukat kopa. Nakakahiya kung sino man ang bumili nito. Tsk!

Pag labas ko naman ay naka pa mewang pa ito sa tapat ng kama. Humarap naman ito sa akin agad at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

“why are you mad?” tanong ko.

“because you wanted to go out if this room without anything behind those shirts of mine” frustrated nitong sagot.

“hindi naman po nangyari kaya pede wag na naka kunot yang noo mo?” hinilot ko naman ang noo nito at nginitian lang siya. Nag nakaw pa ako ng halik bago bumitaw.

Fall of the AutumnDonde viven las historias. Descúbrelo ahora