Chapter 7

2 1 0
                                    

Maaga parin ako nagising kahit umaga na ako naka tulog. Sanay nga ata talaga ang katawan ko na magising ng maaga kahit walang pasok. Titihaya sana ako ng mapansin kong nakayakap ang kanang braso ni Jacob sa aking bewang. Dahan dahan ko naman itong inalis saka ako dahan dahang tumayo.

Nag hilamos na muna ako saka lumabas nadin ng kwarto pag ka tapos. Lulutuan ko nalang muna si Jacob ng almusal tutal ay maaga pa naman bago ko ito gisingin. Pag baba ko at pumuntang kusina ay wala halos tao.

Sinilip ko naman sila sa mga pinto at andun silang lahat sa likod nag lilinis. Ang mga guard naman ay nakapalibot na nag babantay. Binuksan ko nalang ang ref nito saka napag pasyahang mag luto ng almusal.

Nag titimpla na ako ng juice saka naman ako napansin ng isang kasambahay.

“nako ma’am kami napo dyaan!” aagawin na sana nito ang hinahalo ko.

“hindi na ate! Kaya kona po! Naka handa narin po ang almusal ninyo” ngiti ko rito.

“may maitutulong po ba ako??” dagdag pa nito.

“ahm… hinahanap ko kasi kung may tray po kayo. Aakyatan ko nalang ng almusal si May- Jacob” tango naman nito saka may kinuha sa kung saan.

“eto po ma’am” kuha nito sa kung saan saka inabot sa akin.

“salamat po!” nag ligpit ligpit naman ito sa kusina kahit naka ligpit nadin ako.

Nag ayos na ako ng almusal na iaakyat ko saka kona binuhat ang tray na iyon. Humarang na agad ang guard sakin pag labas ng kusina at kinuha ang tray na aking hawak. Hindi na ako nag reklamo pa at mabigat nga talaga ang aking dala. Pinag buksan ko nalang ito ng pintuan at saka ko ulit kinuha ito sakanya.

Umabot ako ng dalawang oras sa pag luluto at pag aayos pero si Jacob ay tulog padin. Napag masdan ko naman itong mabuti at talaga namang napaka gwapo ng lalaking ito.

Matangos ang ilong, mapupulang labi, makinis na mukha. Napakahaba din ng pilikmata nito at katamtamang kapal ng kilay. Paniguradong maraming nahuhulog na babae sa pag titig palang ni Jacob sakanila. Kaya nga tulad ng sabi niya ay kusa na ang mga babaeng lumalapit rito.

“staring is rude sweetie” puna nito agad sakin na may kasamang ngiti saka nag inat. Napa ngiti nalang din ako rito. Tumayo naman na ito sa pag kakahiga saka lumapit sa may coffee table kung saan din ako naka pwesto.

“breakfast in… room?” loko pa nito saka humalik sa aking ulo. “mag hihilamos lang ako” tango ko naman.

Naka boxer shorts lang ito at t-shirt na puti. Napakatangkad talaga ng lalaking ito. Six footer siya samantalang 5’8 lang ang height ko. Halata kasing may lahi ito kaya pati height ay ganun nalang din kataas.

Pag kalabas niya ay itinabi niya sa aking ang upuan saka na ito umupo.

“morning!” natawa naman ako sa bati nito.

“morning” sukli ko rito.

“nakatulog kaba ng maayos?” inayos nito ang buhok sa aking leeg at ipinalikod ito. “ang aga mo atang nagising?”

“maaga talaga akong nagigising kahit puyat. Nakatulog naman din ako ng maayos” tango nito sakin.

“ikaw nag luto nito?” tingin niya sa nakahain sa lamesa. Pancakes, toasted bread with butter and jam on the side. Scrambled eggs, bacon and melon and banana fruits. May Coffee din tsaka orange juice akong hinanda.

“we have to finish this dahil parehas tayong hindi kumain kagabi” tango ko naman rito saka na kami nag simulang kumain.

Imbis na pag silbihan ko ito kapalit ng pag sagip sakin nito kagabi ay ako ang halos sinubuan niya ng kung ano ano. Kumakain din naman ito pero kasabay din nun ang pagsubo niya sakin.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now