Chapter 6

0 1 0
                                    

Nagising ako sa isang magulong lugar. Ang daming nag kalat na kahoy at kung ano ano pa. another abandon building for me, pero ngayon kabado ako ng sobra dahil alam kong hawak ako ng masasamang tao.

I was tied up, my hands at the back of my chair at ang paa ko ay naka tali sa paanan ng upuan din. Nakabukas lahat ng ilaw at sa may kanang parte ay ang mga lalaking nanunuod ng kung anong palabas habang nag babantay sakin.

“boss gising na!” sigaw ng isa sakanila saka sila tumayo at hinintay na makalapit sakin ang tinawag nilang boss.

“pano ba yan?! Hawak kana namin!” ngisi pa nito sakin. “tawagan niyo siya!” sigaw nito sa kung sino saka naman may lumapit sakanyang lalaki na may hawak na telepono.

“Levigne!” sigaw nito.

‘haup ka Chuck! Ibalik mo sakin si Autumn!’ sigaw ni Jacob sa kabilang linya.

“we made a deal you fuck!” sigaw din nito.

‘at natalo ka! Accept the defeat you jerk!’

“hahaha, I loose?! No way Jacob! Hindi pa ako natatalo!” patay nito sa kanyang phone pero nag simula naman ang barilan sa labas ng gusali.

“bantayan niyo yan!” sigaw nito sa kung sino saka naman ako tinapalan ng panyo sa bibig at tinutukan ng baril sa sentido.

Takot na takot ako sa nangyayari ngayon. Hindi ko kilala ang mga taong to at sa totoo lang dawit lang ako. Saglit ko palang kilala si Jacob pero eto na agad ang nangyari sakin.

Ngayon na ata ako mag sisisi kung bakit pumayag pa ako sa promotion kung ganto naman ang kapalit ng lahat ng karangyaan sa aking buhay. Trabaho ang ipinunta ko sa lugar na ito hindi masangkot sa kahit na anong gulo.

Si Jacob ang puntirya nila at kaninang umaga ko lang nakita ang mga lalaking ito tapos ngayong gabi eto na agad?! Akala koba naka bantay siya sa kilos ko pero nasa panganib ang buhay ko!

“isang hakbang Levigne at sasabog ang utak ng babaeng ito!” sigaw ng lalaki sa aking tabi.

“pakawalan mo siya at ibibigay ko ang gusto mo pati na ang pamilya mo” naka tutok din ang baril ni Jacob sa lalaki pati narin ang ilang mga guard na kasama nito.

“wag mong idamay ang pamilya ko!” sigaw nito at diniin pa lalo ang baril sa akin.

“mmmmm!” yang tunog nalang na yan ang lumabas sa aking bibig. Masakit ang pag kakadiin niya kaya hindi ko napigilan ang pag sigaw.

“ipasok mo ang anak niya!” utos ni Jacob sa isa saka pumasok ang isang guard na may bit bit na sanggol. Lumuwag ang pag kaka diin niya ng baril sa akin at halatang nagulat sa bit bit ng mga kasama ni Jacob.

“sumuko kana lang. ikaw nalang ang natitira sa kasamahan mo” sabi pa ng isa sa mga guard nito.

Paanong nagawang kunin ni Jacob ang anak nito?! makapangyarihan siya at kaya niyang gumanti laban sa mga mahal sa buhay ng mga ito?! Sino sino pa ang kinuha niyang pamilya kapalit ng pag suko nila?!

Dahan dahan namang kumilos ang lalaki sa tabi ko at binaba ang baril na hawak sa sahig. Nag taas nadin ito ng dalawang kamay at sumuko na. dali dali naman nag lapitan ang mga guard rito at si Jacob ay tinakbo ang aking pwesto.

May nag tanggal ng tali sa paa ko at sa aking kamay at si Jacob naman nag tanggal ng tela sa aking bibig. Inalalayan ako nitong tumayo at dun na ako humagulgol sakanyang bisig.

Ang sakit sakit ng dib-dib ko sa sobrang takot sa nangyari sa akin. Ang daming pumasok sa isip ko kanina habang hawak nila ako at nakatutok ang baril sa sentido ko.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now