Chapter 36

1 1 0
                                    

Binabay bay namin ang daan na punong puno ng katahimikan. Mukhang hindi lang ako ang na bother sa pag sulpot nito, mas lalo na si Christian. I just don't know how will I react this time. Naguluhan lalo ang systema ko. Nasabi naman na uuwi ang mga ito hindi lang sa ganitong pag tatagpo. Hindi basta ganto kabilis. Hindi pa kasi ako handa at sa pakiramdam kong ito parang ayaw ko ngang makita pa siya. Bitter ba pag ganun?!

Si Christian naman hindi na matanggal ang pag kunot nito ng noo. Kanina pa yan sa restaurant at alam kong malalim din ang iniisip niya. Maraming katanungan eto pero mukhang hindi pa siya handang basagin ang katahimikan. O takot din ito sa pwedeng maging sagot ko sa tanong niya.

Nakarating kami ng opisina na hindi nag papansinan. Hinatid ako nito sa opisina at akala ko aalis din siya agad. Nag pakuha ito ng pagkain sa canteen kay Maggie at naupo lang ito sa may sofa. Tumabi naman din ako agad rito at parehas kami ngayong naka tingin sa pintuan na sarado.

Natatakot ako sa pwedeng tanong nito sakin. Wala akong clue sa mga ito at hindi ko alam kung masasagot ko din ba ng maayos o ng hindi siya masasaktan. Pero kahit ano atang kalabasan, nasasaktan na siya. Naka balik lang din si Maggie at iniwan din kami pero hindi parin kami nag uusap. Ni hindi kami gumalaw para makuha ang pag kain sa aming harap. At alam kong nag papakiramdaman lang kami at nag hihintay na may mag salita.

"is it true?!" parehas pa kaming nag kagulatan ng sumulpot si Dos. Akala ko siya lang pero lahat pala sila ay mag kakasama.

"is he back with... her..." dagdag ni Edward. Sabay naman kaming tumango ni Christian rito.

"wait?! You saw them?! Both of them?! Both of you?!" hysterical na tanong ni Justin samin. Bumuntong hininga lang naman si Christian saka muling tumango.

"damn!" singit ni Matteo.

"stay here. We'll just talk" tayo naman ni Christian saka ako hinawakan sa kamay. Tumayo nadin naman ako saka kami lumabas.

Nagulat nalang din si Maggie ng makita kami dahil hatak talaga ako nito. Mukhang sa opisina din naman nito ang tumbok namin kaya kahit pati ang secretary niya ay nagulat dahil bakas sa mukha ni Christian ang galit habang hatak hatak ako nito papasok.

Bumitaw naman ito pag sara ng pinto saka pumunta sa glass wall nito at dun muna humarap saka pumamewang. Hindi narin naman ako nakakilos sa may tabi ng lamesa nito at napa cross arms nalang. Hinayaan ko siyang kalmahin na muna ang sarili dahil mukhang sasabog na ito sa dami ng iniisip niya.

"how do you feel?" napalingon ako rito dahil sa tanong niya. Nakayuko lang kasi ako at nag hihintay.

"shocked..." wala na akong madugtong kahit na ano pa. kasi yun talaga ang naramdaman ko kanina. Christian knew the first time she saw Rain. Akala niya siguro naalala ko agad pero it was when I heard she said his name.

"any pain?" hindi parin ako nito hinaharap kaya parang naasar ako. Lumapit ako sa likod nito pero talagang hindi siya nag patinag sa salamin.

"a bit... but mostly shocked... will you face me please?" iling naman nito sakin. Napa buntong hininga nalang din ako.

"it pains me to see you Ria... the way I see your reactions earlier" for so long ngayon lang niya ako tinawag sa pangalan ko. He introduced me by my name pero between us like this, he has his own endearment.

Knowing how painful he felt seeing me like that makes me remember the pain. Ano bang gusto nilang maging reaction ko sa harap ng mga ito? Maging masaya? Or at least pretend? I can't do that. I can't even calm myself in front of them tapos mag papanggap pa ako?!

It's like since he confesses and helped me to get through was I already moved on as easy as reciting the alphabet. It's not that easy! I was in pained for too long, tried to forget a bit but not necessarily forget everything. Sabi ko nga noon na pag nawala siya hindi ko alam kung makakabangon pa ako. It was Pepas' presence kaya kahit papano nakalimot ako. And then they came back it was additional to that. But not entirely.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now