Prologue

11 0 0
                                    

Maayos ang pag papalaki sakin ng mga magulang ko. Hindi na sila sumubok pang muli bumuo ng aking kapatid dahil nag sisikap silang maitaguyod ang aming pamilya. Parehas silang nag tra-trabaho sa gulayan at nag dedeliver din sa mga palengke o sa kung saan man.

Pero sa di inaasahang trahedya ay naaksidente ang mga ito habang bumabyahe. May sumalubong na sasakyan dito na nawalan ng preno at nahagip ang kabilang linya kung saan doon dumaan ang minamaneho ng tatay.

Dead on the spot sila parehas ni nanay kaya ako ay binigay sa kustodiya ng aking tyahin. Tinanggap naman nila ako ngunit ang kapalit ay mag silbi sakanila. Kahit napaka liit ko palang ay natuto na akong mag linis ng bahay, mag hugas ng mga pinag gamitan sa kusina, at pag titinda ng mga kakanin sa aming bayan.

Naipasok ako sa paaralan sa tulong ng isang kapit bahay. Napansin kasi nitong hindi ako pumapasok sa eskwelahan kaya kinausap nito ang tyahin ko at pinasok ako sa pampublikong paaralan. Kahit papano ay nabilhan naman ako ni tita Sita ng gamit sa eskwelahan. Kaya lang ang iba pa ay halos hindi na namin matustusan. Hanggang sa naka abot ako ng Grade 6 ay napag taguyudan naman namin.

Nag titinda ako sa eskwelahan kahit halos asarin ako ng mga kaklase ko. Lalo na ang anak ni tita. Pero para naman sa akin iyon kaya pinag igihan kong mabuti. Nang isang pag kakataong kakauwi ko lang ng bahay ay nadatnan ko sa bahay ang tyuhin at lasing na lasing.

Hindi pa nakauwi si tita at ang anak nito dahil namasyal daw sila. Ako naman ay tumulong sa palengke mag tinda ng plastic at kung ano ano pa. Yun ang gawain ko kapag walang klase. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pag titig sakin ng aking tyuhin.

"halika nga rito!" Tawag nito sakin na ikina takot ko kaagad. "lumapit ka sabi!" Nang hindi padin ako gumagalaw ay hinatak ako nito at inupo sakanyang ka dungan.

Duon palang ay nag sisigaw na ako pero walang tumulong. Kung saan saan na ako nahawakan nito at nasaktuhan namang dumating ang tyahin ko. Hinaglit agad ako nito sa kandungan ng kanyang asawa.

"anong nangyayari dito huh?!" baling nito samin.

"yang malandi mong pamangkin pumatong sakin at inaakit ako! Paalisin mo yan dito Sita!" mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya.

"hindi yan totoo! pinag samantalahan niya ako ta! kung saan saan niya hinawak yung kamay niya!"

"tuwang tuwa ka naman!" nanlaki ang mata ko dahil duon dahil akala ko ay papakinggan ako nito. Ano nga ba naman ang mapapala ko, asawa niya ang kakampihan niya at hindi ako.

"impakihin mo lahat ng gamit mo ngayon din!"

Dinala ako ni tita Sita sa ampunan at iniwan na ako doon. Isang linggo akong nanatili sa aking kama, kahit anong gawin ng mga madre ay hindi ako halos makausap ng maayos. Nagagawa ko mang kumain, maligo at lumabas pero talagang tahimik lamang ako at mas nag mumukmok sa aking kama.

Naging maayos nadin naman ako ng tumagal at nakapag adjust doon. Pinag enrol din ako ng mga madre sa ibang eskwelahan dahil yun ang gusto ko. nakakilala din ako ng mga kaibigan pero hindi rin naman sila nag tatagal sa tabi ko.

malas nga atang talaga ako at walang nag tatagal sa aking tabi. Nang tumungtong naman ako ng third year high school ay may naging close akong lalaki. Hanggang sa nanligaw na ito sa akin at sinagot ko naman. Nakakilala pa ako ng ibang mga kaibigan nito pero hindi rin nag tagal dahil gusto niyang sumubok sa marupok na damdamin at ayaw ko iyon.

Nag karoon naman ng pag kakataon ang ibang may gusto sa akin pero pag ganun na ang nagyayari ay hindi ko talaga pinapaunlakan. Nakapag tapos ako ng high school at nag hanap nanaman ng eskwelahang papasukan ko ng kolehiyo.

Naipasa ko naman ang entrance exam at scholarship program kaya unti unti ay naka bangon ako. Pero nang ako naman ay tumuntong na sa legal na edad ay may kumontak sa aking kumpanya.

Sila ang kumpanyang pinag tabihan ng pera ng aking magulang para sa akin. Laking tuwa ko dahil kahit papano ay may pera na ako pang tustos sa aking sarili.

Pero may panibagong trahedya nanaman. dahil ako nga ay 18 na hindi na ako pedeng manatili sa ampunan. Nag hanap ako ng murang bahay at agad iyong binili ng ibenta sa akin ng murang halaga. Nakabili ng kagamitan sa bahay at kakailanganin pa sa aking eskwelahan.

Napag tapos ko ang sarili ko kahit walang kahit anong honor. Masaya na ako kahit papano dahil natapos ko yun. Nag handa ako ng onting salo salo sa ampunan at laking tuwa ng mga ito sa pag ka graduate ko.

Hindi narin ako nag aksaya ng panahon at nag hanap na agad ng ma aaplayang trabaho. ilang interview ang napuntahan ko pero sa isnag kumpanya lang ako naka pasa. Yun ay ang unang kumpanyang aking pinag applyan. At sa awa ng diyos nakaka ahon ako sa lahat ng aking pangarap.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now